CHAPTER 25

57 8 0
                                    

MAAGANG pumasok si Cristyl dahil pinapatawag daw siya ng adviser teacher niya, at sa kasamaang palad ay kaklase niya ang buong brent.

"Ms. Gil late kana sa klase ko kaya kailangan mong humabol sa mga oral grades mo" paliwanag ng adviser niya kaya sunod sunod itong tumango at napabuntong hininga.

College student na siya kaya kaklase niya ang brent.

"And one more thing.... Magiging kapartner mo ang isa sa brent na siyang mag aassist sayo" ngumiti pa ang teacher "You may go"

Parang lantang gulay na naglakad palabas si Cristyl dahil sa inis niya.

'Wag Sana ang Earl na yun! Asar! Bakit brent pa? Pwedeng si Mc nalang!'

Padabog itong naglakad habang nakanguso, Mainit siya sa mata ng kalalakihan dahil baguhan lamang siya.

"Witwiw! Pare chicks ko!"

"Oo nga pare! Tara lapitan na'tin si miss beautiful" binilisan niya ang lakad niya dahil sa bigla siyang kinabahan.

'Lokong Brent student na nga to! Bat dito pako nag aral? Mas maayos ang dati kong school dito eh'

Napailing siya at Tumingin sa likuran, nakasunod padin sa kanya ang lalaki kaya ang kaninang mabilis na lakad ay naging takbo na.

Napaupo siya ng may mabangga siyang poste----este tao pala, Inangat niya ang tingin niya at dun nakita ang nakataas na kilay na si Earl.

'For the first time, nagpapasalamat akong nandyan ang presensya niya'

Napangiti ito at muling tumingin sa likuran ayun nag atrasan ang kaninang himahabol sa kanya.

Samantalang nakatulala lamang saglit si Earl kay Cristyl at ng matauhan ay bumwelo Ito ng pang aasar.

'Her smile's affect me! Damn this'

Ngumisi Ito kaya medyo napangiwi si Cristyl at tumayo.

"ang gentledog mo naman. Dimo manlang ako tutulungan nuh! Kaasar ka" Aniya at tumayo ngunit dahil medyo malakas ang pagkakabagsak niya ay napaupo uli Ito.

Nakaramdam naman ng awa si Earl kaya tinulungan niya ito ng akmang aabutin na niya ang kamay nito ay biglang nagsidaan ang mga nagtitiliang babae dahil parating sa direksyon nila Earl ang mga ito.

Nanlaki ang mata ni Cristyl ng matumba si Earl dahil sa pagkakatulak sa kanya.

Bali nakapatong sa kanya so Earl dahil na out of balance Ito at siya naman patayo na ay napa higa.

Nakipag titigan Ito sa kanyang kulay abong mata, at sa di maunawaan dahilan ay bumulis ang tibok ng puso niya at parang may milyong milyon bultahe ang dumaloy sa kanyang katawan.

Napailing Ito. Samantalang nakatitig lang si earl sa maamo nitong mukha

'She's beautiful. Kapag malapitan'

Nadako ang tingin ni earl sa mapupulang at natural nitong labi samantalang si Cristyl naman ay nakaramdam ng ilang

Natauhan Ito ng may flash ng camera at kaagad tinulak si earl na ngayo'y walang emosyon na mukha.

'Napalakas ata ang tulak ko' napakamot pa ng ulo si Cristyl.

'Damn! I almost kiss her'

"OMY! MAYGAD MAY EARL!!!! JUSTICE PLEASE!"

"THEY MAKE A SCENE FOR SURE EARL EX GETTING JEALOUS OMY!"

"THE HELL!!!! MY BABE EARL IS UWAH!"

'OA lang! Tsaka EX?'

Madaming naglalarong tanong sa isip ni Cristyl ngunit sina walang bahala niya muna ito at pinagsiklop ang kanyang dalawang palad at yumuko dahil nakaramdam Ito ng hiya at ang sasama kasi ng tingin sa kanya ng mga kababaihan.

"Woah! Ganyan pala pumorma ang Isang Earl Grey Cox!" Muli itong napaangat ng tingin dahil panunudyo ng isa sa brent

Isa lang ang masasabi niya "AYOKO NA!!!! HUHUHU!" ngunit di na niya ito sinantinig at kinimkim nalamang.















SAMANTALANG naiwan mag isa si Mc sa Dean's office dahil hindi ito isinama ni Ice.

'Hmp. Gaging ice yun ah! Ayaw akong isama anong gagawin ko dito?' napanguso siya at umupo sa swivel chair ni ice

Tumalbog talbog ang pwet niya kaya inulit niya ang ginawa hanggang sa magsawa siya.

Maya maya ay napangiti siya ng maalala niya ang isang bagay.

Kumuha siya ng ballpen sa may lalagyan ng ballpen ni Ice at nag umpisa ng mangalkal sa office desk nito nagbabakasakaling may makitang dyaryo at sasagot nalamang ng taktak utak at baka mataktak ang mapurol niyang utak.

Halos makalkal na niya ang lahat ng may mahulog na mga papel na Nilipad ng hangin dahil sa kakalkal niya Hindi na niya Sana ito pag tutuunan ng pansin ng may napansin siyang may nakasulat dun.

At ganun nalang ang pagkagitla niya ng mabasa niya ito ngunit hindi niya maintindihan dahil kakaibang pangalan Ito.

"Ashton Caleb Ice Parker..... Sino ka ba talaga ice?" 

Biglang bumukas ang pinto kaya dali dali niyang inayos ang mga papeles at pasimpleng lumipat ng lugar sa sofa at kunyari ay nagbabasa ng magazine

"Let's go... Sumama kana samin" Aniya at hinila na patayo si Mc at nagpatianod nalamang ito.

'Wah! Ang lambot ng kamay niya!!"

Itutuloy....

~Mrs. Kim/ Jinela💕

Forgotten Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon