ACTLA 6
After two weeks ayon nagpunta nga kami sa Blue Island. Medyo nakakapagod yung byahe kase malayo layo ng konti. Hi-Ace van yung ganamit namin spare car daw to no Sir Nathan. Cut the sir na nga lang hindi naman niya naririnig e. So ganito yung setting Nathan tas Leo sa unahan. Tas ako at Genie sa second row of seats. tpos sa likod si Jalline at si Jiro. tas si Mami Set at Kian naiwanan pa kasi wala silang clothes. Hindi daw prepared.
Ang laki ng sapak ni Jalline e. Flashback..
"So ok na ba lahat ng gamit?" Nathan
"Oo ok na. Tara na at excited na ko." Jiro
Sumakay na kami lahat sa van. Itong si Jalline pumwesto sa passenger seat.
"Jalline, ok lang ba if si Leo ang umupo dyan. Hindi ko kase alam yung direction e." Nathan
"Eh pero matuturo naman ni Leo yung way kahit na asa likod siya e."
"Baka kasi antukin siya sa likod."
"Oo nga naman Jalline, minsan ka lang naman malalayo kay Nathan e." Jiro
Nagkatinginan na lang kami ni Genie. Tapos ayon bumaba si Jalline at nakipagpalit ng pwesto kay Leo.
end of Flashback.
Kaya ayan, sambakol ang muka ng ating magandang sekretarya. Hays anoo ba. Ang obvious naman ng babaeng to. Samantalang ako kiyeme, kiming kimi. Haha dalagang filipina dito sa sulok ng van. Tinulugan kasi ako ni Genie eh. Kainis OP tuloy ako.
"Bhe asan si Kian? Di mo ata kabuntot?" Si leo, bhe kase ang tawag niya skin. Kasi bata pa ko tapos we came from the same province.
"eh sunod na lang daw sila ni Mami set."
"Boyfriend mo ba yon?"
"Ha. Hindi bakit? Bagay ba kami."
"Haha. Hindi sa bagay pero ang sweet niyo kasi."
"Di no, he's like a boy bestfriend in the company."
"Ah. thats good."
ano daw? Anong good don? Lumingon ako sa mga tao sa Van. Tulog na silang lahat. Ako na lang, si Nathan at Leo ang gising pa. Ewan ko ba, hindi lang talaga ko sanay matulog sa travel. Tsaka pano naman ako makakatulog kung tuwang tuwa ako sa view na nakikita ko? Ang gwapo talaga ni Nathan. Hayss nagkatitigan pa nga kami eh haha. Kasi tumingin siya sa rearview mirror.
"Matunaw." Leo
Okey, napahiya naman ako don. kaya ayon tahimik na lang ako tas nagtakip ng shawl sa muka at nakatulog na.
Nagising ako dahil sa mahinang pag tap sa pisngi ko.
"anoooo? Mamaya na kase. Antook pa ko. Wala kong pasok ngayon nay."
tumawa yun nagtap sakin. Bwisit talaga ansarap sarap ng tulog ko e. Tinap niya ulit ako sa pisngi.
"Ano ba kaseee?" Gusto ko sana imulat yon mata ka ko kaso hindi pa talaga kaya.
"Kelangan pa ata ng kiss ni Sleeping beauty para magising eh."
Ano daw? Bakit naging boses lalaki ang nanay ko. Napamulat na ko sabay tanggal ng shawl sa muka mo. and O.O
Mygaaaahd. Si Nathan.
"Ay kalabaw ka!"
"halata ngang antok ka pa. Tinawag mo kong kalabaw e ang gwapo ko naman."
Hindi talaga ko maka imik. Dyusme. Panaginip pa ba itoo? Pinilit kong tumayo kahit mahilo hilo pa talaga ko.
"anoo bubuhatin pa ba kita?" sabay tawa
"ah sir hindi na po. Sorry i called you kalabaw kase naman sir, antok na antok pa talaga ko.
"Ok lang yan. so halika na sa loob."
"Nasan po sila sir bat naiwan ako dto?"
"Asa loob na sila nagpresinta kase ko na ako na lang gigising sayo kasi halatang halata na antok ka ni hindi mo namalayan na nagpark na tayo."
"sorry po sir."
"its fine.And by the way Ches.."
Owmay Ches. It sounds so cheesy on his lips. Haha charot.
"Po?"
"Can you please cut the po and Sir everytime we talk. I hate those words pinapatanda mo ko. When in fact sabi ni Leo 20 ka pa lang daw and Im 25 bye the way."
"eh sorry po este sorry nathan. Nathan na lang ha?"
He smiled. A smile that could launch thousands of ships. Hahaha Helen of troy pala ang peg.
Tapos ayon pumasok na kami sa resort. Grabe nakakahiya kase grand entrance kami ni Nathan may fireworks pa nga pagpasok namin. JK.
"Kamusta ang tulog bhe?" si leo
"Sama niyo di nyo ko ginising."
"eh gigisingin ka naman ni sir Nathan e." si Genie na ang lakas maka asar ng ngiti.
"Tse. isa ka pa."
Grabe napatingin ako kay Jalline ansama ng tingin niya sakin. Lord patawad Medyo natatakot na po ako. Hue hue -.-
Bali ambait ng family ni Leo tag iisa kami ng room. Sana nga sa de luxe room pa eh sabi na lang namin sa standard na lang kasi libre na nga e. Sayang naman kung may gusto mag occupy ng de luxe room pero di magawa kase nasamin na.
So ayon napagkasunduan namin na mag ayos muna ng gamit kase 2 days and 3 nights yung stay namin dito. Hayie enjoy ito.Tapos ayon nakatulog na naman ata ako.Nagising lang ako sa katok.Si leo pala,kakain na daw kami.
BINABASA MO ANG
A chance to love again
RomanceA chance to love again -- Im 20, he's 25. Im old enough but my attitude is not. He's prim and always proper while Im always that bubbly chick that loves bitchin him around. Crush ko siya at very accomodating naman ang inyong kuya. Ayoko man pero eto...