ACTLA 27

15 0 0
                                    

ACTLA 27

This is it. Ito na yung araw ng pagri-resign ko. Nakakalungkot, for seven months dito din ako naglagi. Ito yung first real world na napasukan ko after I moved out of my sanctuary. Kaya sa totoo lang sobrang memorable ng lugar na to sakin.

Kung hindi nga sana ako nabuntis malamang hindi rin ako aalis dito. Hindi ko naman siyempre sinisisi yung biglaan kong pagbubuntis.

Kahit naman kasi ganon, masaya rin ako sa married life ko.

Iniwan ko nga pala si Nathan sa basement. Dun na lang daw kasi niya ko hihintayin tsaka niya ko ulit ihahatid sa bahay pagkatapos ko mag-resign.

Sa taas, wala namang bago. Dinala ko na sa HR department yung resignation letter ko. Konting sign lang at okey na.

"Ches!"

Nalingunan ko si Genie with her teary eye, kasama si mommy Set.

" Bakit ka naman magri-resign? Next week balitang ipupromote ka na eh. Nakakainis ka talaga!" Genie

"Oo nga naman neng. Hindi mo ba kami mamimiss?"

"Mamimiss po me, kung hindi nga lang po kailangan hindi po talaga ko magri-resign eh. Kaso po kelangan talaga."

"Bakit ba neng? Hangga ngayon wala pa din kami idea kung bakit ka aalis."

"DAHIL BUNTIS SIYA!"

Nagulat na lang ako ng may biglang sumingit sa usapan namin nila mami Set.

"Oh ano? Francheska Adelle? Hangga ngayon ba na paalis ka na hindi mo pa din kayang aminin ang kabulukang ginawa mo? Hindi ka na nahiya. Mang aagaw."

"Ches? Ano bang sinasabi niya?" Si mami set na parang litong lito na.

Si Genie naman napatingin lang sa tyan ko. Napansin ko din na parang nakaka hatak na kami ng pansin ng ibang tao.

"Sorry Mommy, Sorry Genie. I lied."

" Sabihin mo na kasi, na magpu-four months ka ng buntis. Akalain niyo yun no? Akala niyo kung sinong Santa. Baka nga mas magulat kayo pag nalaman niyo kung sinong ama ng dinadala niyan."

Nakayuko lang ako all along. Habang naririnig ko na nag bubulungan yung mga tao.

" Grabe siya. Napakabata pa."

" Pinanagutan kaya? Bakit magriresign?"

" Siguro hindi. Nakakadiri naman."

" Sino kaya ama no?"

Napaiyak na lang ako. Ito na yung kinatatakutan kong araw eh. Totoo nga pala na hindi lahat ng baho ay maitatago.

" Tapos ngayon iiyak iyak ka? Diyan ka talaga magaling francheska. Pero tigilan mo na yan. Tapos na kaming paniwalaan ang pagiging anghel anghelan mo. Malandi ka. At sa lahat talaga ng lalandiin mo. Yung boyfriend ko pa."

" Ches. Totoo ba? Totoo bang si Nathan ang daddy ng baby mo?"

Napatango ako sa tinanong ni mommy.

" Eh di kaya pala nagpuputok ang butsi mo Jalline." Biglang kibo ni Genie. " Wala kang pakielam kung buntis si Ches. Una sa lahat hindi ka naman niya kaano ano. Pangalawa, hindi niya hinihingi ang opinyon mo."

"Aba't! Hindi niyo ba nagigets? Pinagmuka niya kayong tanga."

" Eh ano ngayon? Wala kang pakelam. Pag uusapan namin yon. Lumayas ka nga sa harapan namin. Mamaya niyan magmana pa sa muka mo ang anak ni Ches.

Matapos yun sinama ako nila Mommy Set sa pantry.

"Mommy, Genie Sorry. Sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya na magsinungaling sa inyo eh."

" Neng naman. Kahit gusto ko magtampo wala na. Nandyan na yan eh. Pero pwede iexplain mo kung pano?"

" Nun pong nagpunta kami sa resort. Yung hindi kayo nakasama ni Kian. May nangyari po samin ni Nathan. Nalasing po kami pareho nun eh."

"nakakabigla kang bata ka."

" Anong plano ni Nathan ngayon? Papanagutan ba?" Genie

" Ang totoo niyan. Kasal na kami. Pero sa judge pa lang. Two months ago pa."

" Bruha ka. andami mo utang sami ni Mommy. So sayo talaga yung vitamins na nakita ko dati no?"

" Oo. Sorry talaga."

" Okey lang yun neng. Dapat sinabi mo na lang samin noon. Ito ba ang dahilan ng pagriresign mo?"

" Opo. Nahihiya po kasi ako eh."

" Gaga ka talaga. Sa una lang naman ang tsismis eh. di ngayon mas may chance na magsama si Nathan at Jalline. Aalis ka na eh. Engot mo talaga."

" Siya ayan na ang asawa mo Ches. Mukang hinahanap ka na. "

" Sige po Mommy, Genie  Alis na ko. Bahala na kayo sa kanya pag wala na ko ha."

" Para ka namang papanaw." Genie

Tumayo na ko. Pero naramdaman ko na umakbay si Nathan sakin.

" Wife. Narinig ko yung nangyari sa taas.."

" Oo Sir Nathan  Yung magaling mong ex nag eskandalo. Baka pede pagsabihan. Hindi na nahiya eh ." Genie

Nag apologize naman si Nathan kila mami set bago kami umalis. Natawa nga ko ng wala sa oras kay Genie kinurot niya kasi ako. Tas binulungan na dream come true daw ako.

Hay. Alam ko madami pa kong dapat iexplain sakanila. Pero next time na lang siguro ulit.

Nakaka stress tong araw na to. Akala ko makakapagresign ako ng tahimik pero hindi eh. Naeskandalo pa din talaga. tss

Pagsakay namin ni Nathan ng kotse. Kinabit niya yun seat belt ko. Pero hindi kami agad umalis.

" Sorry.." siya

" Ha? "

" Sorry if she caused you trouble. Sorry talaga "

" Its okey. Ako naman talaga ang may kasalanan. Kahit sang anggulo tingnan ako yung nang agaw. Kaya hindi ko siya masisisi kung ganon kalaki ang galit niya sakin."

Hinawakan ni Nathan ang kamay ko.

" no Ches, donth think it that way."

A chance to love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon