ACTLA 25

14 1 0
                                    

ACTLA 25

"Friend, you're back. Finally. Tagal mo nawala ah?" Salubong kagad sakin ni Genie

"Sus, batang to. Ches, namiss ka talaga niyan. Wala na yan ibang nabanggit simula nung nagleave ka kung asan ka na daw kaya. siguro daw naghahanap ka na naman ng halo halo kaya nawala ka bigla."

"Loka ka talaga Genie. Haha mommy Set umuwi po talaga ko ng probinsya may inattendan po kasi ako na occassion."

"Ow, so how did it went? Family gathering ba?"

"Opo." Cross fingers.

"Ay alam mo friend. May latest chika dito."

"Uhm. Ayan ka na naman Genie sa pagiging reporter mo."

" Eh mommy Set. Para lang updated siya di ba?"

" Oh siya sige na nga."

" So friend ayon nga, balitang balita sa office na, may buntis daw dito."

I felt a pang after I heard Genie saying that.

" O-oh? Sino daw kaya? "

" Eh ayon nga no idea at all nga. Hindi naman siguro ikaw no? "

" Baliw ka. "

" Itanong mo ches kung sino ang pinaghihinalaan niya." Natatawang sabi ni Mommy Set.

" Sino po? "

" Si Jalline. "

" Jalline? Bakit? "

" Eh kasi sabay kayo nawala ni Sir. Nathan eh. Baka nagtatago? "

" Baliw. Akala ko ba hiwalay na? "

" Baka nga kaya hiniwalayan coz of the fact na buntis di ba? Muka pa namang ayaw magpatali ni Sir. Nathan, with his looks? Nako malabong malayo."

" Don't judge the book by its cover Genie. Tsaka tigilan mo na nga muna kaka-chika mo kay Cheska. Tara ng magtrabaho! "

***

My intercom just rang.

" Documentations Goodmorning, how may I help you? "

" Hey Francheska Adelle. I just heard your come back. Lunch later at Kfc."

" Oh, okey. See you later."

Kian hang up.

Wait? Si Kian? um- OO ako kay kian? Fvck.

Sabagay okey lang yun. Wala naman talaga ko gagawin kundi kumain. And why would I be affected on his warning? Siya nga di ba? Juma-Jalline.

KFC.

" bhessy, tumataba ka talaga. Nagba-vitamins ka ba?"

" Hm. oo, pampatakaw."

" Kaya pala. Akala ko kasi ikaw yung buntis sa opisina."

" Hahaha. Chismoso ka talaga."

" May pag- asa pa ba ko?"

Nagulat naman ako sa kanya. Sa biglang pagbabago ng topic naming dalawa.

"F-friend.. "

" Bhes. Nagets ko. Ahm hindi kita ipipressure."

then Kian held my hand.

" Bhes. Ano talaga eh. Wag na lang. Kasi may boyf-friend na ko."

" Ha? Wag ka nga nagbiro."

" Totoo. Pero mas mabuti kung wag mo na muna ko kulitin about him okey?"

Hindi na nagsalita si Kian. Hanggang sa makabalik na kami sa office. Parang na-guilty tuloy ako.

***

" WHAT? Paki-ulit nga yung sinabi mo francheska adelle?"

Hindi matapos tapos si Aila sa kakayugyog sakin. mukang may aftershock pa siya after I blurted out my secret.

" So all the while talagang hindi mo siya boyfriemd? One night stand lang, nabuntis ka. Kinasal kayo pero secret lang. Hindi sa parents niyo pero sa mga katrabaho niyo? Nga-nga friend. Hindi kita kinaya. Nawala ang pagiging Maria Clara ko sayo. Por diyos por santo. Pano mo nagawa yon?"

" Friend. Hindi ko din alam. hindi pa alam ng parents ko at niya na ni hindi naman naging kami. At hindi din alam ng parents ko na Im two months pregnant."

Hinilot ni Aila ang ulo niya.

" Friend. Ang complicated. Pero wag ka mag alala andito lang ako. Carry yan ha? Nasan nga pala asawa mo?"

" Ewan ko. Isa pa yon. Nakikipagkita sa balitang ex niya. Pero kung ex niya na bat nagkikita pa sila at bakit kelang sikreto pa sakin di ba? Sabi niya kasi imimeet niya college friend niya then I found out na yung ex niya pala nga."

I saw sympathy on Aila's eyes.

" Did you confront him?"

" No, Im afraid to do such. Takot ako na isampal niya sa muka ko na, si Jalline talaga ang mahal niya at wala ako karapatan na magreklamo."

Niyakap ako ni Aila. Kahit papano gumaan yung pakiramdam ko.

10 PM NA AKO NAKARATING SA UNIT NI NATHAN.

Nagulat na lang ako nung nakita kong natutulog na siya sa couch sa sala. Hindi ko na siya ginising. Nagdirecho na ko sa kwarto at naligo.

Paglabas ko naabutan ko siyang nakaupo na sa kama niya na kadikit ng kama ko.

" Saan ka ng galing. At bakit ngayon ka lang. Kaninang 3pm pa natapos ang office hour di ba?"

" Galing ako kina Aila. "

" Hanggang ganto kagabi?"

" Oo. Sinulit ko na dahil uuwi na uli siya bukas sa probinsya. Tsaka bakit ba?"

" Hindi ba si Kian ang kasama mo kaninang lunch time. "

" I really cant get your point. Oo, I was with him during lunch time. But after that naghiwalay na kami s office. at pumunta ko kina aila nung nag uwian. Ano bang problema mo?"

" You! You are my problem. I told you to stay away from that Kian. But you kept on refusing me. What's with him ba?"

" We are friends. Wag mo namang bigyan ng ibang meaning yon."

" I want you to resign on your job. Effectively tommorow!"

Napangaga ako, hanggang sa makalabas siya ng pinto ng kwarto namin ay hindi na ako nakapag react.

A chance to love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon