ACTLA 26
I tried to wait for Nathan until the wee hours. Pero hindi ko na nakaya ang antok.
Nagtaka na lang ako na nasa bed ko na ko. Ang alam ko kasi sa sofa ako nakatambay kagabi.
I tried to move.Pero hindi ko nagawa dahil nakaharang si Nathan.
Yeah malamang sa malamang siya din ang nagdala sakin sa kamang to.
Naalala ko bigla na nag away nga pala kami kagabi. Again dahil kay kian.
Hindi ko magets kung anong ayaw niya kay Kian. Pero di ba? Kaibigan ko yun at isa pa hindi ko din naman siya pinipigilan sa mga ginagawa niya sa buhay niya.
Eh pano kasi puro ka takot, simula pa lang ng kung ano mang meron kayo puro ka what if.
Hala? Sumagot ata yung kunsensya ko.
" Sorry sa kagabi Ches. That wont happen again."
Mas nagulat ako ng bigla siya nagsalita.
" Sorry kung palagi ko na lang napapag initan yung friendship niyo ni Kian. But my point here is asawa na kasi kita eh. Ayoko lang na may kashare. Hindi rin maganda na masyado kayo madikit sa isat isa. Natandaan mo nung papunta tayo sa resort? Lahat sila ang akala kayo ni Kian di ba? Kasi, you guys are showing things to make them think that you have something special. Ayoko lang sana na, kung dumating sa point na malaman nila ang kondisyon mo. Hindi nila paghinalaan si Kian. Masakit kasi para sa part ko yun. I just cant share you and our baby with him. Kahit sa salita at idea lang. Sorry if I sound so selfish."
Napatanga naman ako sa sinabi ni Nathan? Yun pala ang dahilan kaya ganon siya samin ni Kian. Uhmp
But how about him and jalline? Argh
***
" So far ijah, okey naman ang pregnancy mo. Yes next week would be your fourth month. Five months on the way ka na. Gusto niyo ba na magpa ultra sound para malaman ang gender?"
Napatingin ako kay Nathan na tuwang tuwang nakahawak lang sa kamay ko habang nakikinig kay Doc.
" Ahm, hindi na po doc. We want it to be a surprise. Cause wether a boy or a girl we'll still accept it full heartedly."
" Good. I bet, you guys are so excited na to see your baby. Am i right?"
" Sobra doc. Sobrang excited na po ako na umuwi at madatnan ang baby namin ni misis."
" Well again, congrats. Kagaya ng dati, vitamins, milk and proper nutrition."
" Thank you doc."
Pagkalabas namin ni Nathan sa clinic nagdecide kami na dumiretso muna sa mall. The usual, kumain sa jollibee and nagtake out ng burger after that Mang inasal naman to have halo halo.
Natatawa nga si Nathan kasi sobrang tipid ko daw maglihi syempre nga naman, Jollibee at Inasal lang di ba?
"Nathan?"
"Yes wife?"
Yie. Ayan na naman siya sa tawag niya skin . Ako na nga ang kinikilig. Hahaha
" Gusto ko ng kalamansi."
"Bakit? Magluluto ka ba ng steak mamaya?"
"Hindi, gusto ko sana papakin. Sawsaw sa asin."
Nakita ko kung pano umasim yung muka ni Nathan at kung pano siya napalunok dahil sa sinabi ko. Epic fail yung muka.
"Okey. Mukang bago na naman yan wife. Talaga bang gusto mo?"
Napatango ako ng sunod sunod.
"Sige na, pagkatapos nito punta tayo sa vegetable section."
" Yey, sana malalaki at mabibilog yung makuha mo no? Gusto ko talaga yon. Parang ang sarap hmm."
Ever think kung bakit parang okey na okey na kami?
Sapat lang. Ganito kasi after namin mag away nung gabing yon at matapos siya mag open up nung umaga. Medyo sinunod ko na siya kahit pano.
Kahit nagkakasama pa din kami ni Kian hindi na palagi, tsaka pag magkasama kami hindi na siya ganon ka-clingy. Siya na din yung parang naglagay ng barrier sa pagitan naming dalawa.
At nagsimula yun, nung nagpadala si Nathan ng bulaklak sakin sa opisina.
Araw araw siya nagpapadala ng bulaklak. Pero hindi alam ng mga officemates namin na siya ang sender.
Lastly, ang alam sa office yung boyfriend ko ang nagpapadala non.
So thats it.
So far okey naman kami ni Nathan. Bout my pregnancy? Tago pa din at sa palagay ko wala na ding pag asa na mareveal to.
Wala kaming plano.
Cause starting next week Im going to resign na.
Sa family ko naman, alam na nila na buntis ako. Si Nathan ang nagsabi. Umuwi siya sa bahay nila mama na hindi man lang nagpaalam sakin.
Nagalit si mama sakin kasi hindi ako naging honest.
Pero mas nagalit siya kay Nathan kasi nalaman na iniwan ako mag isa. Hahaha
Nagbackfire din talaga.
Isa na lang ang problema ko, si Jalline.
Palagi kasing mainit ang ulo niya sakin.
Ni hindi ko din alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
A chance to love again
RomansaA chance to love again -- Im 20, he's 25. Im old enough but my attitude is not. He's prim and always proper while Im always that bubbly chick that loves bitchin him around. Crush ko siya at very accomodating naman ang inyong kuya. Ayoko man pero eto...