ACTLA 28
Simula nung nangyari yung bagay na yun mas naging close kami ni Nathan.
Medyo hindi na ko naglilihi. Pero kahit ganon palagi ko pa din siya kasama. Kung wala siya nagpapatawag siya ng makakasama sa agency ng condo namin.
Real score?
Mommy ng anak niya. Never pa namin napag usapan yung about samin. Basta okay kami. Di nag aaway. Yun na yun.
"Mommy kain na po."
oo andito si Mommy ni Nathan sa unit namin.
" Hay naku ches. Bakit naman nagluto ka pa. Dapat di ka na kumikilos. Ang laki na ng tyan mo oh."
"Okey lang po yun. Kaya ko pa naman po."
" Ikaw talaga. teka, nasan pala ang magaling kong anak?"
" umalis po. Papasok po yun sa office. May dadating naman po akong helper dito. Pag po wala siya naghahanap po siya ng makakasama ko dito sa bahay."
" Pambihira. Hindi pwede yun. Pano kung basta basta na lang ang makuha niya. Kakausapin ko yan."
"Nako mommy wag na po. Masyado na po siyang hands on sa pag aalaga sakin this past few months. Okey lang po talaga ko."
"Nakooo. Basta ikaw ay wag galaw ng galaw sa bahay. Mag iingat ka. First apo ko pa naman yan."
"Opo mommy."
"Boy ba yan o girl?"
"Di pa po namin alam. Ayaw po namin magpa-ultra sound para po surprise kung sakali."
"Tama. At kahit ano pa yan tatanggapin natin yan. Magbihis ka at mamimili tayo ng mga gamit niyang baby mo."
"Mommy wag na po."
"Sige na. Magtatampo ako pag hindi ka sumama."
Nagbihis ako ng wala sa oras. Ayoko sana kasi hassle since wala kaming sasakyan. But I was wrong nandon pala yung driver nila mommy sa baba. I felt relief.
Sa SM. ayon kulang na lang pakyawin ni Mommy yung mga unisex baby clothes na makikita niya.
"What abou this ches?"
"Ahm my, pang one year old na po yan."
" Eh. Pero maganda di ba?"
"opo."
"Well take this."
Sa damit pa lang inabot na ng 8thousand lahat lahat.
Kahit crib at stroller bumili na din si mommy. Nakakatuwa na ganon kasupportive ang pamilya ni Nathan.
Pero siyempre nakakahiya pa din. Parang sa baby ko na naubos ang pera.
" Halika na ches. Kain naman tayo. Anong gusto mo?"
"Okay lang po kahit ano."
"O sige, dun tayo sa restaurant na lagi namin kinakainan ni Nathan."
Italian restaurant siya. Hindi ko kilala yung mga pagkain. Haha kaya yung kamuka na lang ng spaghetti ang inorder ko. Grabe hirap maging mangmang ha.
Magkatapat kami ni mommy na kumakain.
pagkatapos nun nagkwentuhan na lang kami.
"Mommy bakit po?"
"Ha anong bakit?"
"Kanino ko pa po kasi kayo napapansin na tumitingin sa likod?"
Tinry ko na lumingon. pero wala naman ako nakita.
"Ah-ah wala naman. Busog ka na ba?"
"Opo. Gusto niyo na po umuwi?"
"tara na."
Tumayo na kami pareho pero nagulat ako ng iniwanan ako ni mommy at sa kabilang way siya nagpunta. Wala namang pinto dun eh.
Nagulat na lang ako ng nakita ko na may binuhusan si Mommy ng tubig.
Napalapit ako ng mabilis.
"Mmy, bakit po."
"You two, are so disgusting. I hate you Nathaniel.You just dont know how you made me feel so disappointed."
Galit na sigaw ni Mommy.
"Mommy let me explain."
Iniwanan na namin sila sa loob. Halos kaladkarin ako ni mommy palabas.
Oo. Nakakatawa mang sabihin pero si Jalline ang binuhusan ni mommy. Kaya pala kanina pa siya tingin ng tingin sa likod ko kasi, kanina pa niya nakikita si Nathan at Jalline.
Ayaw niya na ikwento lahat. dahil baka daw makasama pa sakin.
Hindi ko magawang umiyak sa harap ni mommy. Ayokong lalo pa siyang magalit kay Nathan.
Masakit oo. Pero ano bang magagawa ko? Ako ang nang agaw di ba?
BINABASA MO ANG
A chance to love again
RomanceA chance to love again -- Im 20, he's 25. Im old enough but my attitude is not. He's prim and always proper while Im always that bubbly chick that loves bitchin him around. Crush ko siya at very accomodating naman ang inyong kuya. Ayoko man pero eto...