ACTLA 24
Well needless to say,our first night together was a total chaos.
Disaster talaga. Hindi kasi kami magkaintindihan kung pano namin pagkakasyahin ang mga sarili namin. Pano po kahit naman malaki yung kama ko, gahaman siya at gahaman din ako.
I mean tag wa-walo kaming unan. So san pa nga ba pupwesto di ba? Ang sakit sa ulo.
3 a.m na ata kami pareho nakatulog.
Nagulat na nga lang ako paggising ko kaninang umaga na naka-akap kami sa isat-isa.
Masarap sana isipin na natupad yung pangarap ko na magising kasama ang taong mahal ko.
Kung iisipin ang bilis no? 5 months pa lang kami magkakilala.
Ni hindi niya ko niligawan at lalong hindi niya ko naging girlfriend.
Pero kasal na kami at buntis na ko.
Minsan, natatanong ko din ang sarili ko eh. Kung, hindi kaya ako karmahin sa lahat ng kasinungalingan na nabuild up ko simula ng may mangyari samin.
Oo yung isang pangyayari na yun na nagpabago ng buhay ko. At niya.
Mula sa mga officemates ko, even with my family. Nagsinungaling ako?
Hindi ko alam kung matatawag ba na blessing tong batang to na nasa loob ng tiyan ko? Pero siguro.
Matututunan kaya akong mahalin ni Nathan?
***
Bumangon na ko para ipag-luto si Nathan. Medyo mangangapa pa ko nito sa Kitchen niya since hindi niya na naman ako naiikot dito sa unit niya dahil napagod na nga kami parehas kahapon. So bahala na.
Una kong pinuntahan yung ref niya. Tsineck ko yung mga pwedeng iulam for breakfast.
May nakita kong hotdog, sausage,egg and bangus na nakababad sa toyo and suka?
Yung maasim na masarap yun eh. Nakalimutan ko tawag.
Kinuha ko lahat yun at nagsimula na ko magluto.
Nagulat ako ng may biglang umakap mula sa likod ko.
"Goodmorning Wife."
"Ahm, good morning. Sorry pinakelaman ko na yung kusina mo."
"Nah, it's fine. Bat ang aga mo gumising. Gutom ka na ba? Sana ginising mo na lang ako."
"Hindi okey lang.Hindi rin naman ako nakatulog eh."
"Sorry. Mamaya ipapalipat ko yung bed ko sa room ko pagdikitin na lang natin sila ha."
"Talaga? Thank you"
Yes. Makakatulog na ko ng mahimbing, okey lang kahit magkasama kami sa kwarto at magkadikit ang kama namin. Atleast, hindi na kami share at magsisiksikan no. Haha
Nakita ko na lumapit si Nathan sa Coffee maker niya. Napakagat labi ako. Nakalimutan ko kasi siya tanungin about sa Coffee eh.
Tumalikod na lang ako at tinuloy ang pagluluto ko.
Maya-maya pa ready to eat na kami. Hinanda na ni Nathan yung table and then nagstart na kami kumain.
Nagulat na nga lang ako when he handed me a glass of milk.
"Milk. Mukang nakalimutan mo uminom. Nagmadali ka na kasi magluto."
"Ahm thanks. Tara na kumain."
Nagmuka naman ako paralyzed pano altroughout our breakfast eh halos subuan na niya ko ng pagkain at painumin ng milk. Then after that inabot niya din sakin yunh vitamins for the baby.
Bakit ko nga ba palagi nakakalimutan yung vitamins? Parang palagi na lang niya pinapaalala.
Bat kaya hindi na lang siya ang nabuntis no? Mukang mas okey siyang nanay eh.
Next day is the last day of our leave.
Oo nag leave kami for two days kahit medyo risky.
Risky kasi baka magtaka sila na bakit sabay pa kaming nagleave.
"So anong plano mo?"
"Plano for what?"
"Sa trabaho?"
"Magri-resign ako on my fifth month. k-kapag nahalata na yung tiyan ko."
"Bakit ka pa kasi magri-resign?"
"Kasi buntis ako. Nakakahiya."
Lumapit sakin si Nathan.
"Alam mo minsan hindi kita magets. Bakit ka magri-resign eh kasal na naman tayo. Pinanagutan naman kita di ba?"
"Kasi nga Nathan di ba? Kelan lang naman kayo naghiwalay ni Jalline."
"Ikaw ang bahalang mag-desisyon. As for me, I'll protect you from them. Ako ang magpapaliwanag."
"Thanks."
He gave me a hug.
**
Naliligo si Nathan sa loob ng CR sa kwarto niya ako naman nakahiga sa kama ko. Kakatapos ko lang ayusin yung damit na isusuot niya. Imi-meet daw niya yung college friend niya.
Napapa-idlip na sana ko ng biglang may tumunog. I think it's Nathans phone.
Nilapitan ko. missed call.
tatalikod na sana ko ng biglang may nag pop up na text message.
from: Jalline
Hon, Im already here at Starbucks. Where are you na?
Para kong nasampal ng mag asawa na me kabit.
Narinig ko na pinatay na ni Nathan yung shower kaya dali-dali akong bumalik sa kama. At nagkunwaring tulog.
Hindi rin ako umimik hanggang sa hinalikan niya ko sa pisngi at sinabing aalis na siya.
May karapatan na ba akong magselos dahil asawa ko na siya?
May karapatan na ba kong hawakan ang buhay niya because of the same reason.
Akala ko ba hiwalay na sila ni Jalline.
Kahit hindi ko naconfirm, yun ang kumalat na balita.
College friend pala ha?
BINABASA MO ANG
A chance to love again
RomanceA chance to love again -- Im 20, he's 25. Im old enough but my attitude is not. He's prim and always proper while Im always that bubbly chick that loves bitchin him around. Crush ko siya at very accomodating naman ang inyong kuya. Ayoko man pero eto...