Dedicated to:Carx_21
Salamat sa pagboto ng story ko pati na rin sa isa kong story. Grabe ka, tinadtad mo hahahahha
Lamats! Mwah mwah!Seth's pov
Nakaupo ako habang tinitignan ang kalangitan at hindi ko alam kung bakit.
Simula talaga nung lumipat kami rito ay dito na ko tumitingin.Nandito ako sa abandonadong building.dito kasi,walang makakagulo sa akin,Walang mga babaeng hahabol sakin.
Nabwibwisit na ko. Lagi na lang.
*buntong hininga*
Naramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko kaya chineck ko yun at nakita ang tadtad na mga missed calls galing kanila mama.
Actually kanina pa to nagvivibrate pero ngayon ko lang binuksan.
Mom:
》asan ka!? Seth!!!
Mom:
》Seth nasaan ka na nga!? Nag aalala na kami sayo ah!
And so on and so forth. Puro halos lahat eh messages na ni mama.
Tatayo na sana ako nang may nasagi ako na kung anong bagay na nagresulta ng paglikha ng ingay na nag echo sa buong gusali.
Hay. Kala ko kung ano na. Kahoy lang pala.
May mga naririnig akong kaluskos sa baba kaya bumaba ako.
May tao kaya rito?
Bumaba ako ng hagdan. Narinig ko ang mga mabibigat na yabag kaya binilisan ko ang baba. Baka mga bata nanaman toh at nangtritrip usually, pag gantong eksena eh gusto ko silang tinatakot para hindi na sila pumunta rito. Dahil teritoryo ko lang ito at ayokong may tumambay na iba rito.
Lumabas ako at nakita ko yung babaeng nadapa. So siguro trip nanaman nilang pumunta rito.
Sinuot ko yung hood ko at lumapit sa babae. Hahaha tatakutin ko sya.
Palapit na ko ng palapit. Napatingin yung dalawa nyang kaibigan ata at namutla. Buti nalang at advantage ko ang pagiging poker face at maputi kong kutis kaya natatakot ang lahat sakin.
Pero mostly, ang daming nag iidolize sakin psh.
"Waaaaahhhhh! Wag kang lalapit sakin!"
Ok? So hindi nga ako lumapit. Kita ko na nanginginig sya. Takot na takot na sya. Tiningnan ko yung tuhod nya. namaga ata kasi nadapa sya.
Tanga tanga.
Bakit ba kasi ang daming tao na naniniwala sa multo?
Hay, tutulungan ko na sana sya kaso....
"Please! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang magkaroon ng anak, Apo at apo sa tuhod kaya please.
Wag po!huhuhuhu" nagmamakaawa nyang sabi.Baliw na talaga tong babaeng toh.
Lumapit na ko kaysa naman nakaupo lang sya dyan habangbuhay. Iniwan pa ata sya ng mga kaibigan nya.
"Ouch!" Napaupo ako sa sahig ng may tumama sa noo ko.
Pagtingin ko ay wala na sa kinauupuan nya yung babae at nakita kong paika ika syang naglalakad.
Nakita ko rin sa gilid ko yung sira na flashlight.
Great, just great. Binato nya pa ko ng flashlight.
****************
Lou's pov
Hay ang hirap mabuhay sa mundong ibabaw na walang gadgets.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Teen FictionLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...