Lou's Pov
Parami na ng parami ang mga tao sa room. Halos lahat sila ay nakatingin sakin na animoy panibago akong species na nagland sa lugar nila. Thanks to Jewell, di ako na oop kahit na may words syang 'alien' para sakin
Nagsimula ang klase. Pagkarinig palang ng mga takong na papalapit sa room namin ay automatic silang umayos ng upo at nanahimik. Syempre, para di ako maiba ay gumaya na rin ako.
At mula sa pinto namin, pumasok ang isang babae na nasa thirties na.. matangkad siya at masasabi kong maganda. Kaso, ang bawat tingin nya samin ay nakakamatay. Sa kilay palang nya na sing taas ng Mt. Mayon, Naku tingnan ko lang kung kayanin mong tingnan siya ng matagal.
Sumulat siya ng kung ano sa Blackboard at nang matapos ay narealize kong pangalan nya pala.
'Ms. Conchita Asuncion'
Humarap sya saamin . Napaayos naman ako ng upo dahil doon.
"Psst" palihim na kalabit ko kay Jewell.
"Oh?" Bulong nya.
"Ano bang ugali ni Mam?" Tanong ko.
"Maya sabihin ko sayo" pabulong nyang sabi kaya napabaling na lang ako sa teacher namin.
"As you can see on the board, that was my name. I am your adviser for the whole year. Sa mga may ate at kuya ritong nag aral, doon nyo nalang tanungin ang ugali ko. But one thing is for sure, masungit ako"
Halata naman.
Tumingin sya sakin, hala? Nabasa nya kaya ang nasa isip ko?
" are you the transferee right?" She asked.
"Y-yes" I answered back
"Intoduce yourself to them later because we were having a ceremony" pagkasabi ni Ma'am nyon ay narinig ko ang ilang hagikgikan sa mga estudyante kong babae. Pati si Jewell ay ngumingiti rin. Anong masaya dun?
"Pagkabell, pumila na kayo.. section 1 kayo kaya umaasa akong disiplinado kayo" at umalis na sya.
Maya maya ay narinig ko na ang mga matitinis na tilian nila. Si Jewell ay napahawak sa headband nya at tumitili. Kaya syempre nagtanong ako.
"Ano bang gagawin dun?" Tanong ko kila judy.
Si Judy nag mamake up,
Si Jewell nag aayos ng buhok,
At si Aaliyah na nagpupulbo...At ganonn din ang iba pang kaklaseng babae
May pageant ba na magaganap???
"Alam mo mag ayos ka na!" Sabi sakin ni Judy.
"Why do I need to do that? Ano bang gagawin dun?" Nagtatakang tanong ko.
"Syempre mag flaflag ceremony, kakanta ng school hymn pero ang most exciting part? Ang speech ng ating bagong halal na Student Council President!" At napahawak sya sa mukha nya habang kumikinang kinang ang mata nya.
Lumapit naman samin ang lalaki or should I say bakla naming kaklase.
Dahil base sa pagsway ng balakang nya at ang paglakad nya. Babaeng babae.
Tiningnan niya ko mula ulo hanggang uhmm dibdib? Bat nakatingin sya sa dibdib ko?
Napatakip tuloy ako sa dibdib ko. Tumawa sila.
"Wag mo ng takpan gurl, wala namn eh" sabi nya pa sakin.
Awts malaking sampal yun sakin mga kababayan! Nag eeffort kaya akong mag bra araw araw!!
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Ficção AdolescenteLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...