A/n: Sorry sa matagal na update! Hahahha sorry talaga. At muli, salamat sa mga nag add nito sa reading list nila. Mahal ko kayo! Mwah mwah!
-Im editing the other parts of the story. Inaayos ko para sa ibang magbabasa pa nito. Ganun ko kayo kamahal 💕
-Artemis_lala
****************
Lou's Pov
"Tama na nga yan! Kakain ba tayo o ano!?" Sigaw ni Aaliyah sa kanila kaya natigil ang harutan nila at nagsilapitan para maupo.
"Sorry mga bestah ah? Natagalan kasi kami dahil dito kay Angela." Paliwanag ni Sandy sa amin. Inirapan naman ito ni Angela at maya maya ay lumungkot ang mukha nito. Ano kayang problema nito?
"Nakakainis naman kasi eh!" Wika nito at gigil na gigil sa hawak nitong chichirya.
"At bakit nanaman aber?" Tanong ni Marvin dito habang nakapameywang ang isang kamay nito.
"Eh diba kaibigan ni Mama dati si Maam Asuncion kaya ayun, pinapabantayan ako at eto na nga! Bumaba ako sa mga quiz ko sa science! Huhuhu! Dahil doon, dahil doon... Waahhh! Hindi ko talaga maimagine ang sarili ko na hindi kasali sa Mayfair Modern Dance group!" Mangiyak ngiyak na sabi nito.
Mahilig si Angela sumayaw. It's her passion kaya lagi daw siyang sumasali sa mga dance contest. Ofw ang mga magulang nito kaya ang tita niya na lang ang umaasikaso sa kanya at sa kapatid nito.
"At paano namang nakaapekto ang pagbaba mo sa mga quiz mo sa science sa pagsayaw mo?" Tanong ko naman rito. Tumingin ito sa akin na kulang na lang talaga ay maglupasay na siya.
"Malaki ang pangarap nila kay Angela, Lou. Pangarap kasi ng mga magulang niyang magdoktor siya pero ayan at mababa siya kaya nababaliw ang mga magulang niya sa ibang bansa." Si Jaja na ang sumagot at nagpaliwanag sa akin upang maunawaan ko kung bakit maktol nang maktol si Angela.
"Okay lang yan Angela, hindi kasalanan ang pagbaba. Sabihin mo na lang sa mga magulang mo na babawi ka na lang. Sadyang hindi ka lang magaling doon." Pang aalo ni Jewell dito at napatango kaming lahat.
Lahat naman kasi ng tao ay may mga bagay na hindi kayang gawin at meron naman na magaling sila sa isang bagay at sa sitwasyon ni Angela, hindi para sa kaniya ang Science na subject.
"Ano ba naman kasi ang alam ko sa earth earth na yan!? Makakain ko ba yun!? Hindi naman eh! Bakit pa kasi kakilala ni Mama yang si Maam Asuncion eh! Nasumbong pa tuloy ako!" Inis pa ring wika ni Angela at kulang na lang talaga ay magiging pino na ang chichirya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.
"Why don't you hire a tutor? Para maturuan ka diba?" Suhestyon ko na sinang ayunan naman nilang lahat pero parang mas lalong nalukot yata ang mukha ni Angela sa sinabi ko.
Minsan, ang gulo rin ng batang ito eh. Siya na ngang binibigyan ng solusyon eh. Laging triggered. Haha
"Yun na nga be eh! May iaassign na daw sa akin na magtututor sa akin at dinig ko ay baka isa raw sa SSG" malungkot na wika nito na ikinataka namin.
"Oh? Ayaw mo nun? Malay mo ay si Papa Seth ang tutor mo! Oh diba, bongga!" Tili ni Marvin.
Seth again. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko nang marinig ang pangalan niya. Ang laking epekto niya naman sa akin.
"Eh yun nga, hindi naman kasi si Seth ang hanap niya doon, may isang tao kasi roon ang nakakapagbigay kay Angela ng kakaibang pakiramdam kaya kinakabahan siya ngayon." Parang may ipinapahiwatig na wika ni Jaja habang sinusundot sundot ang tagiliran ni Angela na ngayon ay kasing pula na ng kamatis ang mukha. At nang makarecover ito ay agad niyang kinurot si Jaja kaya napatili ito sa sakit.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Teen FictionLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...