Dedicated to: Eydeepee at hahahahri
-makikilala niyo na yung mga lalabs niyo! Hahahaha
Anyways, here's the another update! And also, try to read another story of mine entitled 'THE BITTER SWEET' (capslock para catchy hahaha)
Salamat ulit sa mga nag add nito sa reading list nila! AYLABYU! 💕
********************
Lou's Pov
Martes. Ito ang araw ng pagpunta ko sa Pentonville Academy. Ang dati kong school.
Dala ang mga requirements ko ay lumabas na ako ng kotse at tiningnan ang kabuuan ng school. Hindi ko maiwasang ipagkumpara ang Mayfair rito. Kung ang pagbabasehan dito ay mga gamit at pasilidad ay lamang na lamang ang Pentonville Academy. Fully air-conditioned ang lahat ng rooms at maganda naman ang pagtuturo rito. Pero ang ikinalamang ng Mayfair rito ay ang mga estudyante. Lahat ng mga pumapasok sa Pentonville ay galing sa mayayamang pamilya kaya expected mo na may class silang gumalaw, dahil sa takot na baka maakusahang mali ng ibang tao. Takot na ipakita ang sarili nila dahil takot mahusgahan at pilit nilang ikinukulong ang mga sarili nila sa gusto ng mga magulang nila, at nakakasakal iyon.
Mabuti na lamang ay hindi kami ganoon ni Lewis. Hindi mahigpit si Mommy kaya mahal na mahal namin siya. May iba't ibang grupo rin dito, may mga nerds, socialites, athletes, actress and actors, writers and etc. Ako? Napapaloob ako sa ordinary students na gusto lang mamuhay ng payapa. At ang maganda rito ay walang bully. Takot lang nila sa mga magulang nila.
Ang Mayfair? Hmm. Hindi fully air conditioned ang lahat ng room at minsan, kulang kulang rin ang mga upuan o di kaya'y sira naman. Hindi ito kasing ganda ng Pentonville Academy, pero lamang sila sa mga estudyante nila rito. Ang mga estudyante roon ay totoo. Hindi sila takot na mahusgahan ng kahit sino dahil ganoon na sila eh. Matapang. Hindi sila marunong makipag sosyalan (pwera na lang kay Czarina at sa mga alipores niya) at sa kanila ko natutunan ang 'filipino time' thanks to Seth. At maganda rin ang pagtuturo nila. Doon ko naranasan kung paano maging estudyante lang at mabully ng kapwa ko schoolmates. Sa Mayfair ka makakahanap ng mga totoong tao na walang takot na mahusgahan ang ugali at kilos nila. Dito ka rin makakahanap ng mga tunay na kaibigan.
"Ano pong kailangan niyo Maam?" Tanong ng guard sa akin ng makarating ako sa entrance gate ng school.
"Magpapasa po ako ng requirements sa registrar." Sagot ko naman at ibinigay niya naman ang visitor pass para tuluyan akong makapasok.
Pinascan ko naman ito at iniipit ito sa damit ko. Nakita ko ang 'Visitor 0012' sa screen sa taas. Kasabay din niyon ay ang pagbaba ng harang sa aking daanan, kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Sumalubong agad sa akin ang sariwang hangin, dulot siguro ng mga nakatayong puno rito sa Pentonville Academy. Sa aking paglalakad ay nakita ko ang babaeng hubad na nakakuyom ang kanang kamay sa dibdib nito at ang isang kamay ay nakataas ang kamay nito na nakapanumpa. Ito ang obleo ng Pentonville Academy, sumisimbolo ang oblation na ito ng pagiging matatag ng isang Pentonvillian at handang matuto at mapalawak ang karunungan. Kaya babae ito ay dahil sa pagiging malumanay nito at ang malambot nitong puso.
"Is that Lou? Lou Endrada?" Sabi ng isang tinig sa di kalayuan at nakakita ako ng pamilyar na mukha.
"Dude! Si Louisa nga!" Sabi ni Carl David habang tinatapik ang nakakunot noong si Carl Mathew. Napa shrug naman ako at ngumiti. Naglakad naman ang mga ito palapit sa akin.
Meet the Adriano twins. Para lang silang Pandaya twins ng Mayfair National High School. Namiss ko tuloy ang kakulitan ni Carter at siyempre si Kaizer kahit hindi kami close at madalang lang kami mag usap.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Novela JuvenilLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...