Lou's Pov"*cough* *cough* grabe naman ang alikabok! Ang sakit pa sa mata!" Nasabi ko sa sarili ko habang nagpapagpag ng eraser sa puno.
Sa susunod na cleaners ako, hinding hindi ko gagawin ang pagpapagan ang erasers.
"Louisa!" Napalingon ako at nakita ko si Carter kasama ang ibang SSG officers. Pati na rin si Seth na nakafoker face pa rin.
"A-ah hi!" Awkward kong sabi. Sa tuwing nakikita ko si Carter, naalala ko yung 'sinadya' daw niya na pagbunggo sa akin. Ang creepy. Parehas ng kambal niya.
Lumapit naman siya sa akin at nagulat ako ng kumuha siya ng dalawang eraser at nagpagpag din sa puno. Seriously? Ano nanaman ito?
"Carter, wag na. Ako na lang" at kukunin ko na sana yung erasers pero iniwas niya naman ito sa akin at ngumiti ng nakakasilaw. Kasing silaw ng piercing niya pag nasisinagan ng araw.
"Ano ka ba Louisa! Tapos na rin naman kami. Huwag ka ng mahiya." Higit pa sa nahihiya ako ang nararamdaman ko. Naaawkwardan pa rin ako sayo Carter.
"Bakit ba ganyan ang mga lalaki? Bakit hindi mo na lang siya diretsahin at para maging kayo na Carter... at nang sa ganon ay hindi na siya lumandi sa iba. Am I right Lou?" Sa sinabi ni Czarina ay may naramdaman akong mali. I dont get her point.
"Shut up ka na lang Czarina. Basted ka lang kay Seth eh!" Pasaring naman ni Carter kay Czarina na tumugon naman ng irap.
"Nga pala, diba nagpaactivity si Maam Callisto kanina?" Tanong ni Seth sa akin.
"Ah oo pero nasagutan ko naman madali lang." Sagot ko naman.
"Alis na kami. Ayoko namang tumunganga ako dito." Sabi ni Seth at umalis. Sumunod naman ang ever buntot niya na si Czarina at ang ibang SSG officers. Napa irap na lang ako. Talagang pagdating sa school works lang kami may connection.
'Bakit ? Gusto mo may iba pa kayong connection? Like.....' sabi ng side ng isip ko. At talagang nambitin pa siya ah!
'Shut up! Wala! Nabigla lang siguro ako!'
"Louisa?... Lou? Still here?"
"I said shut up! ..... ooops. Sorry Carter." Napayuko na lang ako sa kagagahang ginawa ko nanaman. Kasalanan talaga ito ng side ng utak ko.
"Something's bothering you? Or someone? I hope it was me." Sabi nito at kumindat. Tumawa na lang ako at awkward siyang tiningnan. Na gets niya naman ata kaya tumikhim siya at umayos ng tayo.
"Halika na. Magpagpag na tayo." Sabi nito at nauna ng magpagpag. Sumunod na din ako at nagpagpag.
*********************
Natapos naman namin iyon at napagdesisyunan na naming umuwi. Inaya ako ni Carter sumakay sa bike niya pero ako na rin ang tumanggi. Nakakahiya lalo na at babae ako at syempre.. lalaki siya. Marami pa namnag judgemental ngayon. Mahirap na.
Tinawagan ko na rin si Lewis na huwag na akong ipasundo kasi kaya ko naman na. Hindi na rin naman siya tumutol at hinayaan na lang ako.
Kasalukuyana kong naglalakad sa Mabuhay St. Walang katao tao ngayon kaya rinig na rinig ko ang tunog ng mga kuliglig dahil bukod sa madamo dito, mapuno rin dito.
Nilabas ko ang cellphone ko at nagsimulang manguha ng mga picture. Hindi ko talaga passion ang pagpicture pero kasi pag may nakikita akong magandang bagay eh pipicturan ko.
Pakanan at pakaliwa ako kung magpicture. Para akong baliw na nagmamartsa habang nagpipicture. Humarap ulit ako sa kanan para mag picture pero nagulat ako ng may kung anong bagay ang dumaan pagkaclick ko.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Roman pour AdolescentsLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...