Chapter 8: Ano ang gagawin mo?

78 31 3
                                    


Dedicated to:TAMPets_13

Lou's Pov

Tulala pa rin ako hanggang papunta sa room. Hindi na rin ako nag atubiling ayusin ang nagulo kong buhok kaya lahat ng nakakasalubong samin eh tinitingnan ako. Well.... I don't care.

Ang inaalala ko lang ngayon ay yung Seth na yun.

Salamat kay Judy at inayos nya ang buhok ko. Nakaupo ako ngayon at pinaglalaruan ko ang mga daliri ko.

Pumasok si Maam kaya umayos sila at tumayo. Wala naman ako sa sariling tumayo.

Babati na sana sila kaso sumenyas si Maam na naupo kaya umupo kami.

Sa mukha pa lang ni Maam ay badtrip ito.

"Section 1 kayo so I am expecting A LOT FROM ALL OF YOU. Pero ano yung pinakita nyo kanina? Para kayong mga walang pinag aralan!" sigaw niya saamin .

Nanatili lang kaming tahimik. Bumuntong hininga siya bago magsalita muli.

"Kayo ang role model and plus, you are the highest levels in all levels in Mayfair! Kayo ang tinitingala, iniidolo at tutularan! Ngayong nakita nila ang mga kadesperadahan nyo! Edi mas lalo silang gagaya!? Do you really deserve in this Section!?" Inis na sabi niya at padabog na ibinagsak ang lesson plan nya at padabog na umupo. Tumingin sya sa pinto at may sinenyasan doon na pumasok.

Napatingin ako at agad ding napayuko ng pumasok yung limang SSG officers kasama na si Seth.

Ang higpit ng hawak ko sa palda ko. Narinig ko ang mga yabag nila. palapit..ng palapit..hanggang sa maramdaman kong umupo sila sa likurang upuan ko. Mas lalo akong kinabahan . Jusko! Bat pinahihirapan nyo ko ng husto!?

"You." sabi ni Maam

Siniko naman ako ni Jewell kaya agad akong napaangat ng tingin

"Yes?" Tanong ko.

"Go in front and introduce yourself." at itinuon nya ang pansin nya sa lesson plan nya. Huminga ako ng malalim bago tumayo. Bawat hakbang ko ay panay ang pagbitaw ko ng malalim na paghinga ko.

Feeling ko mamamatay ako sa kahihiyan nito. Nararamdaman ko ang mga mapanuring mata ng mga kaklase ko.

Yumuko ako ng humarap. This is it pansit! Kaya mo yan Lou! Makukulong naman siya pag pinatay niya ko eh!

Inangat ko ang tingin ko para salubungin ang tingin nila at saktong nagkita ang tingin namin.

Nakita kong nag smirk ulit siya. Arrggh naku pasalamat ka!

Nanginginig akong ngumiti sa kanila. Nginitian naman ako ng mga lalaki except sa mga SSG officers. Seryosong nakatingin sila sakin lalo na yung Seth na yun! Hmp!

"Uhmmm Im Louisa Endrada, 16 yrs old. Im a transferee" at nagbow ako .

Paalis na sana ako kaso napahinto ako sa sinabi ni Ms. Asuncion.

"That's it?" She asked. I gulp

"Y-yes maam." I said. Nangunot ang noo nya sakin.

"Go back in Front. Now." With that, bumalik ulit ako sa harap para salubungin muli ang tingin ng mga kaklase ko.

"Give questions to her and Answer it" pagkasabi ni maam eh nagtaasan agad sila ng kamay. Nagtawag ako ng isa.

"Taga saang school ka dati?" Tanong nya.

Sa lahat ng pwedeng tanungin eh yun pa.

Nag aalinlangan akong sabihin pero. Sige na nga! Bahala na!

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon