Chapter 14: Small World

86 28 1
                                    

Lou's Pov

Araw ng Linggo. Mabuti na lamang at walang iniwan na mga projects o di kaya'y assignments sa amin. Ngayong araw na rin ang katapusan ng June. Kaya kakaharapin namin ngayon ang panibagong buwan ng hulyo.

Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa ni Seth kay Maam Callisto noong biyernes. Medyo hindi lang ako makapaniwala na gaganunin niya ang guro. Pero nung ipagtanggol niya ako ay may kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Pero naiinis pa rin ako sa ginawa niya pagkatapos niyon.

Pagkatapos niya akong hatakin ay sinabihan niya na akong umuwi na ako. Napatango na lang ako dahil sa gulat at iniwan niya na ako. Tapos.

Ano pa ba ang aasahan ko kay Seth?
Sa tingin ko ba ay aalalayan niya pa ako?

Natawa ako sa pag iisip ko. Seth still, the zombie living thing. Maybe he's just doing this kasi ayaw niyang makapartner si Czarina. That's it.

Ako tuloy ang naiipit sa sitwasyon nila. Maski ako naguguluhan ako.

Pero hindi ko muna iniisip ito, linggo ngayon dapat ay nagrerelax ako...

Sa ngayon,ay makakapagpahinga ako.

Or maybe not.....

*******************

Kakatapos lang namin magsimba para siyempre, mabawasan ang aming kasalanan. Ipinagdasal ko na rin ang mga SOFG para sa ikababawas ng kasalanan nila. Concern ako eh, kasi mabait ako at sa tingin ko ay iyon ang tamang gawin.

Kaya ayun, nagsimba kami sa church ng Pentonville village. Exclusive lang ito sa mga nakatira dito. Buti na lang talaga, dahil baka mamaya ay may manghatak sa akin ng buhok eh. Nakakahiya naman yun. At tsaka, wala naman akong alam na nakatirang taga Mayfair dito. Ako lang ata.

Kasama rin namin sila Manong Jeff at Celine. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa restaurant malapit sa simbahan. Oo, may restaurant dito. Lahat ay meron dito sa village na ito. Kaya kahit hindi ka na lumabas ay mabubuhay ka dito.

Siyempre, exclusive lang ulit ito sa mga nakatira dito. Or kung hindi ka nakatira dito ay kailangan pa ng guest pass para makapasok. Tulad na lang kanila Celine at Manong Jeff, at nung nagpractice sila. Inasikaso ko na.

At napakaswerte ko na natatamasa ko ang ganito.

"Lou, bakit ka nga pala nagdecativate ng lahat ng social media accounts mo. Is there something wrong?" Napabagsak ko ng kaunti ang hawak kong kutsara at tinidor sa tinanong ni Lewis.

Sabi na nga ba at dadating sa point na tatanungin nila ako.

"Ahh para iwas distraction. Magfofocus muna ako sa studies ko." Explain ko sa kanila.

Napangiti naman silang lahat sa sinabi ko. Nawala ang kaba sa dibdib ko, buti naman at hindi pa nila alam.

"Well, that's good anak! Buti naman at mas priority mo na ang pag aaral kaysa sa ibang gawain. Siguro nga ay may magandang naidulot ang pagpasok mo diyan sa school mo. Im so proud of you" tuwang tuwa na sabi ni Mommy. Napangiti na lang ako.

Sana nga mommy ay may magandang maidulot ang pagpasok ko sa Mayfair. Sana, tama ang desisyon ko sa pagpasok ko doon...

"Nga pala Lou, sama ka samin mamaya. May laro kami sa basketball. Don't worry, nandun naman sila Yvette,Lorie at Xandra kaya di ka maoOP." Napakunot naman ako ng noo sa sinabi ni Lewis.

"Who are they? I don't even know them tapos sasabihin mo hindi ako maoOP. Baliw lang?" Natatawang sabi ko at napasubo ng ice cream. Never ko pa nga atang naencounter sila

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon