Chapter 27: SKL?

51 4 1
                                    

Author's note: Dedicated to nicollats,
Iamsokyut, vanillaxx13

Ang hirap ng nararanasan ko ngayong senior high, kaya sorry talaga. Plus, nawala yung notebook ko kung saan nakasulat yung story na ito, kaya back to zero nanaman ako. HUHUHU SORRY TALAGA! HUHUHU

AT SALAMAT PALA SA PATULOY NA NAGBABASA NITO! MAHAL KO KAYO *MUWAH!

Ps. Medyo naiba na ito sa dapat na mangyari, ito ay ayon sa naaalala ng utak ko. May mga idinagdag lang ako.

HAPPY READING!

***

Lewis Pov

"What are you thinking at naglakas loob kang pumasok sa locker room!?" Panenermon ko habang naglalakad kami patungo sa cafeteria.

Nagmadali tuloy ako sa pagpapalit dahil sa kanya, paano kung nakakita ito ng mga bagay na hindi kaaya aya? Sira-ulo talaga ito.

Wala akong narinig na sagot sa kanya kaya tinitigan ko ito. Nakayuko ito habang pinaglalaruan ang dalawang kamay nito. Ano kayang problema nito?

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya at tumingin sa akin. Blangko. Walang kaemo-emosyong mukha ang tumambad sa akin. Lalo tuloy akong kinakabahan sa kanya.

Hinatak ko siya at dinala sa gilid ng corridor kung saan walang ibang makakakita. Hinarap ko siya at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Ano bang problema mo Lou? Inaaway ka ba? Binully? Ano?" Sunod -sunod na tanong ko rito. Yumuko naman ito habang umiiling kaya nainis na ako.

"Tumingin ka nga rito Louisa! Ano bang nangyari!?"

"Lewis, kumain na lang tayo--"

"HINDI TAYO KAKAIN HANGGA'T HINDI MO SINASABI KUNG BAKIT KA NAGKAKAGANYAN!" Nagulat siya sa pagsigaw ko at maya-maya, nakita ko nang pumatak ang mga luha niya kaya nakonsensya ako at agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko para ipunas sa kanya.

"K-kumain na nga lang tayo." Sa huli ay nasabi ko para gumaan ang pakiramdam niya. Tumango na lang ito at naunang naglakad.

***

Pinagmamasdan kong tusok-tusukin ni Lou yung steak na in-order niya. Naaawa na ako sa steak, walang kalaban-laban. Hay, ano ba talagang nangyayari kay Lou?

"Ayos ka lang ba Lou?" Tanong ko rito. Tumango naman ito pero salungat sa mga kinikilos niya. Hindi siya okay.

"Kanina mo pa tinutusok- tusok yung steak. You're not okay."

" I am okay."

"Oh really?"

"Yes."

"Ano nga bang problema?"

"Just eat. Ayos lang ako."

I CAN'T TAKE THIS ANYMORE!

Padabog kong ibinagsak ang hawak kong kubyertos kaya nagulat si Lou sa akin at napatingin ito.

ANO BA TALAGANG PROBLEMA NG BABAENG TOH!?

"Lewis, may problema ba?" Mas lalo pa akong nainis sa tanong niya. SIYA KAYA MUKHANG MAY PROBLEMA!

"Sabibin mo nga sa akin Lou, ano bang problema? Why are you acting so weird?" Nakita ko naman siyang napayuko. Eto nanaman siya.

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon