Chapter 19: Realizing the truth

98 22 4
                                    


Lou's Pov

"Ano ang ginawa mo para matakot ang SOFG?" Buong tapang kong tanong at tinignan ang reaksiyon niya ngunit parang wala lang sa kanya ang lahat.

"Ginawa? May sinabi nanaman ba sila sa iyo?" Tanong din nito sa akin.

"Huwag mo nga akong sagutin ng isa ring tanong Seth! Sabi ko sayo sagutin mo ako ng sagot at sumang ayon ka kaya sagot!" Naiinis kong turan sa kaniya.

"I didn't agree on that. Remember that I just said 'Go on' so I have my rights to throw you another question." Pagpapaliwanag nito. Siya na ang matalino, nahiya ako eh.

"Nakakainis ka na! Ano nga ang ginawa mo sa kanila ha!? Ano?!" Medyo inis kong tanong at napapadyak na sa inis. Kita ko naman ang pagtawa ni Seth ngunit natigil iyon ng bumaling siya sa pulso ko na may gasgas. Agad niya itong hinagip bago ko ito tuluyang maitago. Naging seryoso na ang awra nito at lumamig ang paligid dahil sa pagtitig nito sa sugat ko.

"Sila ba ang gumawa nito?" Tanong nito habang nakatingin ito sa kamay ko at naramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa akin na parang nanggigigil.

"Seth nasasaktan ako. Bitiwan mo na." Sabi ko habang pilit na tinatanggal ang kamay ko pero hindi niya pa rin ito inaalis kaya napaiyak na ako sa hapdi at kirot na nararamdaman ko. Sabunutan ko si Seth eh! Kitang may sugat na nga tapos hahawakan niya pa ng mahigpit. Shunga rin eh, parehas sila ni Lewis.

"Seth, bitaw ang sakit na!" Nagngangawa kong sabi at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nito sa akin. Para namang nagising sa katotohanan si Seth at binitawan na rin ito sa wakas. Ang malalamig niyang mata ay napalitan ng paghihingi ng dispensa.

"Sorry, I just.... Who did that to you? The SOFG again?" Tanong nito in a soft voice. Dahil doon ay natunaw ang heart ko mga kababayan. Hearing that voice is like a music to my ears. Gusto ko na sanang sabihin na 'Oo, sila nga. Resbakan mo na nga yung mga yun'  Ngunit dahil ay mabait ako at ayokong mapagtripan ulit ng SOFG ay iba ang sinabi ko.

"Nahiwa kasi ako ng plants, yung matinik? Alam mo yun?" Paliwanag ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"And the bruise in your arm?" Tanong ulit nito.

"Aaah sa.. sa.. nadapa kasi ako kanina tapos unang bumagsak yung braso ko kaya ayun." Paliwanag ko naman.

"Liar. Sabi ko na nga ba ay may ginawa nanaman sila. I guess they should face the consequences of hurting you." Sabi nito at nagsimulang maglakad ngunit pinigilan ko siya.

"Ano ba kasi ang ginawa mo Seth!? At sino si Aira?" Mataas na tonong wika ko. Nakita kong natigilan si Seth sa binitawan kong salita at gulat siyang napatingin sa akin.


"How did you know her?" Sabi nito ng may gulat sa mukha. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil nabanggit ang pangalang Aira.

Bakit ganito ang impact ni Aira sa buhay ni Seth? Is she someone special to Seth?

That thought hurts me. It's like, I'll scratch my own heart into pieces. But I really want to know her, I want to know everything.

"Tell me everything Seth kasi maski ako... naiipit na ako sa sitwasyong wala akong kaalam alam. Nahihirapan na ako Seth, hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko." Sabi ko at umiyak. Napaupo ako sa sahig at umiyak ng todo. Siguro ay lahat ng nangyari sa akin ay inilabas ko.

Nakita ko naman siyang lumuhod sa harapan ko. Nagulat ako ng hawakan niya ang baba ko at iniangat paharap sa mukha niya.

"Gusto mong malaman ang lahat?" Tanong nito. Tumango naman ako.

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon