Chapter 22: Calls and visits

63 21 9
                                    

A/n: please also read my other story 'The bitter sweet' and yung story ni ateng SomeoneWhoIsMe na 'Parallel World' hahahaha yun lang. 😂

Ps. Kasisimula ko pa lang ng The Bitter Sweet pero wag kayong mag alala, mahaba haba yon 😂

-Artemis_lala

Lou's Pov

After ng nangyari sa likod ng building 1 ay hindi na ako pumasok hanggang friday. Mas mabuti ng simulan ko na ang paglayo sa kanila at magsisimula na ako habang maaga pa.

At gaya nga ng napag usapan ay isinikreto ito ni Maam Loyzaga at well, ni Czarina na alam ko naman na tuwang tuwa sa naging desisyon ko. Kaya hanggang nagyon ay panay ang padala ng mga message ng kaklase ko at tinatanong kung bakit ako absent. Lagi ko naman silang nirereplyan na may sakit ako. Panay rin ang tawag nila sa akin, buti na lang at hindi sila nakatira rito sa Penton Village kaya hindi sila makadalaw sa akin dahil wala silang VIP pass.

At isa sa problema ko si Seth. Dahil sa dito siya nakatira ay may access siya para madalaw ako. Buti na lang at to the rescue ang kapatid kong si Lewis na siyang taga dahilan at tagataboy kay Seth.

At masasabi kong malaking pakinabang siya.

Flashback

'Lou!' Wika ni Lewis at nahiga sa kama ko pagkapasok pa lang nito.

'Oh?' Tanong ko habang abala sa pag aayos ng mga barbie ko. Nakita ko naman siyang napabuntong hininga bago nagsalita.

'Lou, ayoko na! Ang hirap paalisin ni Seth! Consistent eh! Bakit kasi hindi na lang kayo mag usap!? Maybe, a little chit chat will do..' suhestyon nito at kumuha ng unan sabay yakap nito.

'Lewis, alam mo naman yung dahilan kaya ko siya iniiwasan di ba? Please naman, makipag cooperate ka muna okay?' Pagmamakaawa ko naman rito. Bumuntong hininga nanaman ulit ito bago sumagot.

'Okay! Fine! I will help you with this but once na nakapasok ka na sa Pentonville Academy I won't cooperate okay!? And also, panay ang chat ng mga kaibigan mo sa akin! Pasalamat ka at kaibigan mo sila! Nakamute lang sila at hindi ko pa binablock.' Pagmamaktol nito at napanguso. Hahaha, nakakaawa naman pala siya.

'Aray Lou!' Sigaw nito ng dambahin ko siya at yakapin.

'Salamat Lewis, dabest ka!' Tuwang sabi ko at nakita ko siyang umirap at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

Hindi ko naman talaga sila iiwasan habang buhay eh. Humahanap lang talaga ako ng tiyempo para masabi ko sa kanila ng maayos. Maganda kung nakatransfer na ako sa Pentonville Academy bago ko sabihin sa kanila. Para wala ng problema.

---------------------------------------------

At ngayon ay Sunday. Dahil sa takot na makita si Seth ay hindi ako sumama na magsimba at nagdahilan na masakit ang ulo ko. Kahit na ang totoo ay masakit ang puso ko. Hahahahaha charot!

Hindi rin sumama si Lewis, ang dakilang gaya gaya. At nagdahilan pa ang mokong na aalagaan daw ako na ang totoo naman ay babantayan niya lang ako kasi daw ay baka gumawa ako ng 'suicidal things' na obviously, hindi ko gagawin. Mahal ko ang buhay ko at si Lewis lang ang nagiging paranoid. OA kung makaraect. At dahil OA siyang tao ay nandito siya sa kwarto ko para bantayan kuno ako.

Narinig ko nanaman ang kanta na Im a barbie girl, ringtone ng cellphone ko. Ayan nanaman ang tawag. Pang ilan na ba nilang tawag sa akin yan ngayong araw? Lima? Sampu? Hindi ko na mabilang. Nakakatuwa lang at naaalala pa nila ako at nakikita ko ang pag aalala sa kanila. Minsan ay gustong gusto ko ng sagutin ang tawag ngunit kapag naaalala ko ang dahilan ng pag iwas ko ay nakakayanan kong hindi ito sagutin.

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon