Lou's PovHindi! As in Never na talaga akong bibili doon! Akalain ba naman na mag jowa kami ni Seth!? Kami ni Seth?! Ako at si Seth!? God! No freaking way.
Sobrang layong mangyari... sobra.
Nakasandal ako sa side ng puno samantalang sa kabilang side naman si Seth. Tiningnan ko ang relo ko at nagulat akong 1:40 pm na.. Seryoso!? Hanggang kailan nila kami paghihintayin dito!?
"Seth? Seth?" Tanong ko sa lalaking busy sa cellphone niya. Tiningnan niya naman ako na parang naiirita.
"What?" Tipid na sagot nito sa akin. Humingan na lamang ako ng malalim sa sinabi nito. Buti nga at sumagot eh.
"Kailan ba sila dadating? Matagal pa ba?" Sabi ko at itinuro ang relos ko.
"Mag aalas dos na oh. Ganito ba talaga sila?" Dagdag tanong ko. Blangko naman akong tinitigan ni Seth, pagkatapos ay tumingin muli sa cellphone niya.
"Mukha ba akong fortune teller? Just wait. Yun na nga lang gagawin mo hindi pa magawa." Masungit nitong sabi na nagpainis sa akin.
Pshh. Dapat pangalan nito Seth Impyerno eh! Para kasing kausap ko na si toot toot (mabait akong bata. Kaya di ko siya sasabihin haha) pag kausap ko na siya.
Inis naman akong napasandal sa puno. Minsan lang talaga siya matinong nakakausap eh. Wait, minsan nga hindi eh!
Hanggang kailan kaya nila kami paghihintayin dito!? Hanggang kailan kaya ako magtitiis sa mala impyernong pag uusap ko dito sa lalaking ito!?
"Hoy.. Endrada" hindi ko namalayan ang pagtawag ni Seth sa akin. Nagulat na lang ako nang lapitan niya ako at pinitik sa noo.
"Aray! Ano ba naman! Feeling ko talaga nasa impyerno ako nang dahil---" huli na para bawiin ang sasabihin ko dahil naniningkit na mga mata ang sumalubong sa akin isabay mo pa ang biglang paglamig ng temperatura sa paligid ko. Uh.. oh...
"Impyerno? Why did you feel that way Endrada? Do I look like a demon? Huh? " gusto ko sanang sabihing 'oo. Ikaw pa nga yung leader eh' pero dahil sa sobrang pagkaseryoso ng mukha niya ay nanahimik na lang ako at nag isip ng paraan para makalayo sa lalaking ito.
" shupi nga! Shoo! I need some fresh air!" Sabi ko at tinulak siya. Hindi naman na siya sumunod sa akin pero ramdam ko ang lamig ng titig niya sa likuran ko. Kinikilabutan tuloy ako.
"Lou!! Ayy! Hello Sistah!!" Natanaw ko si Marvin habang kumakaway kaway kasama niya sila Aaliyah at Judy na parang kinakahiya si Marvin sa pinag gagawa niya.
Napangiti naman ako. Sa wakas!
"Lou, masyado ba kaming matagal? Sorry ah.." sabi ni Aaliyah. No big deal naman sa akin. Pero medyo nainis lang ako ng kunti. Dagdag mo pa si Seth.
Magsasalita sana ako pero naunahan ako ni Seth.
"Kanina pa kami naghihintay dito. Stop the drama at magpraktis na tayo." Poker face na sabi ni Seth.
Nakita ko naman na parang napahiya sila Aaliyah at Judy kasi napayuko sila. Samantalang si Marvin, hindi naman alam ang irereact.
Napakainsensitive niya talaga!!
"Ok lang naman yun. Ang mahalaga nandito na kayo." Sa sinabi ko ay napangiti naman sila.
"Talaga lang ah.." napalingon ako sa mapang asar na sabi ni Seth. Naku naku naku!
Hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan sila na ngayon ay maayos na ang mukha.
"May dala pala akong kotse, doon na lang tayo.. Kuya Jeff!" Tinawag ko si kuya jeff. Lumapit naman ito sa amin. Kita ko naman ang kislapan ng mga mata nila.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Teen FictionLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...