Dedicated to:nicollats
Lala's Note:
-hello guyzzue!
Yeah, I know na ang bagal kong mag-update and im really really sorry for that. Medyo may problema lang eh. But believe me, when things get better I will update very fast! To the 1000th power!
Anyways, here's the update guys!
Ps. Just a short update.
***************
Lou's Pov
Yeah. We've kissed. I know it's impossible but seeing me right now, it's true. Definitely true.
After the kissed I've startled. Sino ba naman ang hindi kung first kiss mo iyon at ang nakakuha niyon is no other than Larseth Imperio.
It was just a smack, but the impact is too powerful. Even it was my first, I can feel his love between his kiss? Err. I don't even know! I want to scream and do such violent reactions but.. I can't. I can't even move a bit, who would have thought that Seth Imperio will kiss me!? Seth!? The cold and arrogant guy I've met, will kiss me!? God, Is this a dream!? Am I dreaming!?
"Lou.. Look, im sorry." Pambabasag ni Seth sa katahimikang namumuo sa amin. I blink twice, so hindi talaga ako nanaginip?
"I-i want to go home.." medyo nauutal kong sambit. Nakita ko naman na napabuntong hininga siya at tumingin sa akin na parang may pinagsisisihan. Bakit ganon, ako ang naguguilty sa amin? Nakakaawa kasi siyang tingnan eh, natutunaw nanaman yung puso ko eh!
"Ok." Sabi nito at tatangkain sanang hawakan ang kamay ko ngunit iniwas ko ito. Nagulat naman siya sa reaksyon ko. Bumuntong hininga nanaman siya kaya mas lalo akong nakokonsensya. Ang sarap sapakin ni Seth! Nakakainis!
"Kaya ko." Sagot ko naman. Nakita ko naman ang pagiging malungkot ng mukha niya. First time kong makita ang tunay na emosyon ni Seth, kapag kaya hinalikan ko siya araw araw ay hindi na siya magiging cold? Ayy! Ano ba itong pinag iisip ko!? Maging dalagang pilipina ka nga muna Louisa! Isang pinakaiingat ingatan natin ang ating unang halik! Huwag ka munang lumandi!
"Ok. Mauna ka, sa likod mo lang ako." Mahinahon na wika nito ngunit kakikitaan mo ng lungkot ito.
Huwag kang maapektuhan sa kanya! Dalagang pilipina!
Ginawa ko nga kung ano ang sinabi niya, nauna akong maglakad habang siya ay nasa likod. Siyempre, dahil dalagang pilipina ako ay napakahinhin kong lumakad. Bwahahaha kailangan ito noh!
"Lou mag iingat ka sa mga---Lou!" Huli na ang pag papaalala ni Seth dahil natapilok lang naman ako sa bato at kasalukuyang umaaray sa sakit na nadarama ko. Siguro, sa lahat ng Dalagang Pilipina, ako ang shunga shunga.
Agad na lumapit si Seth at tinignan ang tuhod ko. Mayroon itong kaunting sugat, nakakaiyak talaga.
"Masakit ba?" Tanong nito sa akin.
Alam niyo, ang sarap sabunutan ni Seth. Gusto kong sabihin na:
'HINDI BA OBVIOUS!?'
pero pasalamat siya at gwapo siyang nilalang. At crush ko siya.
At dahil pabebe muna ako ay um-oo ako. Hinihipan niya naman ang sugat ko at dahil sa ginagawa niya ay medyo hindi sumakit ang sugat. Pero pagkatapos niyang hihipan ay nanumbalik nanaman ang pananakit nito.
Kumuha si Seth ng panyo mula sa bulsa niya at itinali sa may sugat ko. Medyo napa-ouch ako dahil sa higpit ng pagkakatali at papaluwagan ko sana pero sabi niya naman ay mainam ito upang hindi ko maramdaman ang sakit dahil mamamanhid daw ito.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Teen FictionLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...