Chapter:13.5 Cupid without her psyche?

100 26 0
                                    


Lou's Pov

Pagkapasok namin sa room ay napatingin sa amin ang mga kaklase namin lalo na sa kamay naming magkahawak. Pinilit ko naman itong tinanggal pero lalo lang hinigpitan ni Seth ang pagkahawak sa akin kaya tinignan ko siya ng masama. Ano bang trip nito!?

Hindi niya naman ako tinignan at nakafocus siya kay Maam Asuncion na as usual, nakataas ang kilay sa amin. Napahiya naman ako, Sira ulo talaga si Seth!

Pero infairness sa kamay, ang lambot! Iniisip ko tuloy kung anong estado nito sa buhay. Baka may kaya itong isang ito.. baka nga...

"Good morning Maam Asuncion. Sorry to interrupt your discussion." Sabi ni Seth.

Seryoso naman kaming tinitigan ni Maam Asuncion at pinaupo kami. Hinatak naman ako ni Seth. Binitawan niya na ako at umupo na siya sa likod. Umupo na rin ako at tinignan ang mga kaklase ko na bigla ring nag iiwas ng tingin na ipinagtaka ko, kung makasama sila ng mga bash sa akin. Parang wala nang bukas ah, ano bang nangyari ngayon? Nagpapanggap na mabait?

Siguro nga, dahil nandito si Seth kaya panigurado.. mabait sila. Ano ka ba naman Lou! Sa tingin mo ba aawayin ka nila pag andyan si Seth!? Malamang, hindi! They were acting like the victims now.

Too bad, kasi hindi ko dama ang pagiging santa nila sa akin ngayon. Inis pa rin ako sa mga pinaggagawa nila sa akin!

Ifinocus ko na lang ang atensyon ko sa  paglelecture ni Maam Asuncion. Im here to study and not to have fight.

Matapos rin ng mahabaang lecture ni Maam Asuncion ay nag ayos na ang lahat para sa gagawing roleplay sa filipino. Sinamahan naman ako nila Aaliyah na magpalit ng damit sa Cr. Baka daw kasi resbakan ako ng mga SOFG at mahirap na. Hindi naman na ako tumanggi sa pagsama nila.

"Lou! Alam mo bang pinag alala mo kaming bruha ka!?" Sabi sa akin ni Marvin at niyakap ako sa hallway. Oo, kasama rin siya.

"Buti naman at pumasok ka! Hindi ko talaga alam ang gagawin namin pag wala ka! Nag antay kaya kami sa gate! Tinext ng sobrang dami!" Sabi naman ni Judy. Napangiwi naman ako, nakakahiya na talaga sa kanila.

"Sorry na talaga ah?" Sabi ko naman sa kanila.

"So, iexplain mo nga sa amin ang pagpasok nyo ng sabay ni Seth. At late pa..." namula naman ako sa  sinabi ni Aaliyah. Nakakahiya! Hindi talaga lumagpas sa kanila yun!

Tinignan din ako nila Marvin at Judy ng nakakalokang tingin. Napaiwas naman ako sa kanila at binilisan ang lakad ko. Nag iinit yung mukha ko! Kaiyak!

"Ano ba kayo! W-wala lang yun! Kayo talaga!"

"Weh! Si Endrada umiiwas sa hot seat!" Kantyaw ni Marvin sa akin at hinatak ako pabalik sa kanila. Ang sakit sa braso! Para akong mababalian!

Lahat naman sila ay kinorner ako sa isang gilid at tiningnan ako at nag aantay sa isasagot ko. Lumunok naman muna ako ng ilang beses bago magsalita.

"Okay. Tinext niya ako at--" napatigil naman ako sa pagsasalita ng tumili si Marvin. Pinatahimik naman siya nila Aaliyah at judy.

"Sorry. Kaya pala hinihingi niya yung number mo. Kyah!'~ landi! " sabi nito at kinurot kurot ako sa tagiliran.

"Tapos?" Tanong naman ng excited na si Judy.

"Syempre akala ko scam nanaman ng SOFG kasi nga diba. Si Seth, itetext ako? Tapos, tinawagan ko  tapos panay naman ang buntong hininga kaya pinatayan ko at tinapon ko yung cellphone ko sa kama."

"Naawa ako sa cellphone. So sad." Sabi ni Aaliyah. At sabay sabay silang nag sign of the cross. Natawa naman ako at pinaghahampas sila.

" at yun tumawag ulit at nalaman kong si Seth yun. The end. Tama na nga yun. Yun na yun. So, halika na? Nagtagal tayo sa pagkukuwento ko lang" at inunahan  ko na silang maglakad sa Cr. Napasigaw naman sila ng bitin at tinanong kung yun lang daw ba na hindi ko na sinagot.

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon