Chapter 3: Killer

128 34 15
                                    


Lou's Pov

Nakahanda ang aming mga flashlights. Tinatahak namin ngayon  ang daan patungo sa abandonadong building dito sa subdivision namin.

Sabi ko na nga ba at masama ang mga naiisip ni Sandy.
Dahil sa naisip nya,nag ala ninja kami palabas ng bahay.

May dalawang dahilan kaya nanginginig ako.Una, ay dahil sa suot namin na pajamas at t shirt, pangalawa ay dahil sa kinakabahan ako.

Bakit kasi sumama pa kami dito!?

"Guys ito na sya...." manghang sabi ni Sandy at inilawan ang malaking bahay na nasa harap na namin ngayon.

Napakapit tuloy ako sa braso ni Janice at ganun din sya. Natatakot ako na baka may kumain sakin dyan na mumu.

Nangangain kaya ang mga mumu? Sana huwag naman kasi ayoko pang mamatay!

Eh pano yung mga napapanood ko na binabali yung kamay? Waaaahhh di ko na kaya ito!

"Bakit ba ang duduwag nyo?" Sabi ni Sandy samin at pilit na pinaghihiwalay ang mga kamay namin. Ang higpit na pala ng yakap namin ni Janice sa isa't isa dahil namumula na ang braso ko.

"Sandy, bumalik na lang kaya tayo. Natatakot na kami at paniguradong lagot tayo kay Tita Helena kapag nalaman nya ito."

Sumang ayon naman ako kay Janice.

"Kung kailan andito na tayo tsaka pa tayo susuko?? Ang hirap kaya ng pinagdaanan natin.." singhal ni Sandy.

"P-pero baka....baka kainin tayo...ng mga mumu!!!" Maiiyak na sabi ko.

Tiningnan lang ako ni Sandy at tinawanan ako. Bakit ba ang tapang ng babaeng toh at walang inuurungan?

"Mumu? Mangangain ? Hahahahaha yan ang maling nalalaman mo sa movies Lou eh." At hinila na nya ko at si Janice.

Nagpupumiglas ako pero parang amazona tong si Sandy dahil nakaya nya kaming dalhin na dalawa.
Nakapasok na kami sa unang palapag ng bahay.

Ang bawat mga yabag namin ay nag eecho sa buong gusali.
Sa wakas ay binitawan nya na kami at ngumiti sya saamin.

"Patutunayan ko sa inyo na hindi tayo makakain ng multo." Sa pagkakasabi niya ay in-emphasize niya yung salitang makakain.

Nagsimula na kaming maglakad. bawat hakbang ko ay sobrang bigat na parang ayaw ko ng humakbang pang ulit.
Bawat kaluskos na maririnig ko ay iniilawan ko ng flashlight.

"Pusa lang yan" laging sabi ni Sandy samin o di kaya'y "butiki lang yan" o kaya'y "daga lang yun" pero ni isa wala naman akong nakita na hayop o insekto kaya panigurado akong mumu yun.

"S-sandy itigil na natin to oh! Takot na ko! Ayoko pang mamatay!" Tili kong sabi na ikinagulat nila.

Nang biglang.......

*boogsh!*

Nanginig ang mga tuhod ko nang marinig ko yun. Ganun din sila Sandy at Janice.

Mamamatay na ba ako?

Nagkatinginan kami. Kita ko sa mga mukha nila ang pamumutla nila. Gusto kong tumakbo kaso di ko magawa... Gusto kong magsisigaw kaso parang may nakabara na bagay sa lalamunan ko...

Narinig namin ang mga footsteps na pababa sa hagdan. Ang hudyat na yun ang naging dahilan ng pagtakbo namin. Kinakabahan ako..huhuhuhu parang mamatay na ako..huhuhu

Boogsh!

Napaaray ako sa sakit. Nadapa pa ako nakakainis! Napatingin ako sa tuhod ko. Aray! Namamaga pa ata.

Napatigil rin sila Sandy at Janice nang makita nila na nadapa ako.

Napangiti ako ng lumapit sila sakin kaso tumigil sila bigla.
Parang takot na takot sila na ewan.

Napatingin ako sa likod ko at nagulat ako sa nakita ko..

Yung...

Yung...

YUNG MUMU NASA HARAPAN KO NA!

Nakahood sya na itim at naka all black.. lalaki yung multo panigurado kasi medyo may kalakihan ang pangangatawan nito at wala siyang dibdib.

Nanuyo ang lalamunan ko. Lumingon ako kila Sandy at Janice kaso nakita ko sila na tumatakbo na palayo. Bakit nila ako iiwan!?

Huhuhuhuhuhu im so dead, as in dead na talaga! Mamatay ako na hindi ko pa nakikita ang prince charming ko! Huhuhu

I wouldn't make that happen. Think Louisa think!

nakatayo lang ang mumu.

Ako si Louisa Endrada, ay hindi basta basta makakain ng mumu na yan agad agad!

Lalapit sana sya kaso napatili ako.

"Waaaaahhhhh! Wag kang lalapit sakin!" Tili ko.

Tumigil naman sya at tumayo lng.

"Plsssss! Ayoko pang mamatay! Gusto ko pang magkaroon ng anak. Apo at apo sa tuhod kaya please. Wag po! huhuhuhu" pagmamakaawa ko..

Lalapit nanaman sya kaya di na ako nag atubiling kunin ang flashlight at binato ko sa kanya.

"Ouch!" Tili ng mumu at napaupo sya sa sahig.

Nagmadali akong tumayo at tumakbo kahit iika ika na ang mga paa ko,  basta makaalis lang ako sa nakakatakot na bahay na yun.

****************

"How many times did I  have to tell you na wag na kayong lalabas ng 8?! Pero hindi nyo pa rin sinusunod! "Sermon samin ni mommy sa sala.

Nakayuko kaming tatlo habang sinesermonan nya. Akala ko kanina iniwan na ako nila Sandy, yun pala ay may dala na silang tulong. At yun ay sila mommy na hinahanap na rin pala kami.

"Mommy sorry na po." I said.

"No! Hindi ako magpapatawad ngayon. You're grounded for 1 week. No cellphones,no gadgets at bawal kang lumabas ng bahay!"

"But mo----"

"No more buts! That's an order!" At umakyat na si mommy papuntang second floor.

Napatingin sakin si Lewis tapos ay kanila Sandy.

"Ano bang nasa isip nyo at tumakas kayo ha!?"Galit na sabi nito.

"Ahhmm ano kasi kasalanan ko yun---" Sandy.

"Imbes na mapalayo si Lou sa kapahamakan eh nilalapit nyo pa! Lalo  ka na Sandy!" At umakyat na rin si kuya.

Nangingilid na sa luha ang mga mata ni Sandy at Janice.
Napatingin sakin si Sandy.

"Sorry Lou, kung sana sinunod na lang natin na magbahay bahayan o mag barbie edi sana hindi tayo napahamak lalo ka na." maiiyak na sabi nito.

"No.Wag mong sisihin sarili mo, lahat tayo ay may kasalanan sa pangyayari." sabi ko at doon na umiyak si Sandy at niyakap ako.

Pinauwi nun sila Sandy. Ang lungkot ko. Hindi ko akalain na mangyayari ito.
Tinignan ko ang kotse na paalis na. Nag wave ako kahit alam kong di nila makikita.

Bat ba ang malas namin ngayon??

Napahiga ako sa kama ko. Iniisip ko yung mumu kanina.

Napabuntong hininga ako, natatakot pa rin ako sa mumu na yun.

Teka...

Kung mumu yun, bakit nasaktan sya ng binato ko sya ng flashlight?

Could it be?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Killer sya!?

         

************************

-Innocent Bitch

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon