Lou's PovLumipas ang mga araw at masasabi kong maayos naman ang buhay ko sa Mayfair National Highschool. Kahit na hindi ako natatapatan ng electric fan sa room namin, eh ayos lang naman. Pero nitong mga nakaraang araw lang, sunod sunod ang padala ng sulat sa locker ko. Nagulat nga ako syempre. Pero sabi naman nila Janice baka nangtritrip lang daw. Pero feeling ko may mali.
"Lou, sabay na tayo mag lunch ah? Hintayin ka namin sa room niyo. Sabihan mo na rin sila Aaliyah" napatango naman ako sa sinabi ni Sandy bago kami maghiwalay ng landas.
At sa tinagal ko rito sa Mayfair, ay naging mahkasundo sila Sandy, Janice , Jaja at Angela kanila Aaliyah, Judy, Jewell, Ellen at Marvin. At doon nagtatag kami ng group squad na PF o Plattypus Friendship. Kasi daw sabi ni Marvin, flat daw kaming lahat.
Papasok na sana ako sa pinto ng may masanggi ako dahilan ng pagkahulog ng mga dala niyang papel kaya dali dali akong yumuko para kuhanin ito pero dahil doon, nauntog ang mga ulo namin.
"Ouch/Aray" sabay naming sabi. Napagtanto ko pala na si Carter ang nabangga ko. Ang Vice President ng SSG.
"Ako na lang kasi" nakangiti nitong sabi pagkatapos ay kinuha nito ang mga papel at tumayo. Buti nahalal pa siya bilang Vice President eh sa may piercing siya sa tenga? Hayy... kunsabagay.. gwapo rin naman siya kaya siguro nadaan sa charms yung pagkapanalo niya. Opinyon ko lang yon, malay ko rin naman na magaling din naman pala siya.
"Sorry, hindi ko kasi alam"Paumanhin ko. Nakakahiya, hindi kasi ako tumitingin!
Kumunot naman ang noo niya at ngumiti.
"Wag kang mag sorry kasi sinadya ko talaga yun." Nagulat ako ng kunin niya ang kamay ko at nakipag shakehands.
"Finally, nakita rin kita ng malapitan, Louisa." Pagkasabi niya nito ay kumindat ito bago pumasok. Tulala naman akong sinundan siya ng tingin at nang magising ako sa katotohanan ay pumasok ako ng nakayuko.
Nakakahiya! Napaka weird niya!
Pagkaupo ko ay tumingin ako sa gawi nila sa likod na may parang masinsinang pinag uusapan. Kita ko ang pagseryoso sa mukha nilang lahat lalo na si Czarina pero seryoso siyang nakatingin kay Seth na nakahawak sa baba nito.
Hindi ko tuloy maiwasang tignan si Seth. Napakaganda talagang nilalang nito, napakadaya. Lahat ata ng anggulo niya, gwapo pa rin siya. Mula sa mala snow nitong kutis, mapupungay na mata na cold, matangos na ilong at magandang mamasa masang labi.... hayyy perpekto....
Pero napapaisip tuloy ako, sa gwapo niyang yan, mahirap siya?
Dont get me wrong ah! Kasi, bakit dito siya mag aaral diba? Ang tingin ko nga sa kanya ay mayaman eh!
Nagulat ako ng mapatingin sa direksiyon ko si Seth. Shet nahuli ako! Nakakahiya!
Binelatan ko na lang siya na ikinagulat niya sabay talikod ko. Bahala siya dyan!
Naglaro na lang muna ako ng piano tiles. Ewan ko ba, ang init ng pakiramdam ko! Feeling ko may lagnat ako!
Habang naglalaro ako ay nakita ko sa side na umalis sila ng room. Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas! Wala na si Seth! Makakagalaw na ako ng maayos!
"Haay, buti pa sila may meeting at hindi maghihirap sa klase" sabi ni Jewell at tumalungko.
"Ano ka ba, mas mahirap ang gagawin nila kasi buong school ang problema nila." Paliwanag ko na lang at itinago ang cellphone ko, magsisimula na kasi ang klase, pinagmasdan ko naman si Jewell na bored na bored na sa buhay.
Andami na rin niyang pinagbago mula sa hairstyle nya na may bangs na ngayon ay wala na. Wala na rin siyang bunny ears at hindi na rin siya nagsasalita ng 'alien words'. Talagang kinarir niya ang motto niyang ' Change for the better'
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Ficção AdolescenteLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...