Dedicated to: KarylOlavidez
》ang pinakahihintay mong update hahahaha. Tentenenen~
-Artemis_lala
**********************
Lou's Pov
Martes. Araw na hindi ko makakalimutan. Naglalakad ako sa hallway dahil napag utusan ako ni Maam Asuncion na magdala ng papers sa office niya sa Science Department.
"Just put it right here." Wika nito na sinunod ko naman. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay sa tingin ni Maam Asuncion. Feeling ko kasi ay mayroon siyang tinatanim na sama ng loob. Pero sabi niya sa amin, likas ng nakataas ang kilay niya at iniintindi na lang namin iyon.
"You can leave now. Thank you." Sabi nito at ngumiti ng tipid. Ngumiti rin ako ng may pag aalinlangan.
"Okay po maam." Sabi ko at marahang isinara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag, sa wakas at nakaalis na rin ako!
Paalis na sana ako ng Department ng makita ang grupo nila Czarina na naglalakad papalapit rito. Agad akong yumuko upang hindi nila ako makita. At dahil makakasalubong ko sila dahil iyon lang ang nag iisang daan, ay kinabahan ako bigla.
Pero, kailangan kong lakasan ang loob ko. Sa tingin ko naman ay wala silang gagawin dahil wala naman silang ginawang kademonyohan nitong mga nakaraang araw. Kaya nilakasan ko ang loob ko. Dadaan ako, it's now or never.
"Relax Lou.. Chin up, Chest out.. oops wala pala ako nun. Ah basta! Just smile Lou... smile.." wika ko sa sarili ko upang lumakas ang loob ko. Nang maayos ko na ang sarili ko ay wala akong pag aalinlangan na dumaan sa kanila. Ngunit napatigil ako nang hatakin ako pabalik ni Czarina kaya bumalik nanaman ang kaba ko kanina.
Pinilit kong magpumiglas, itinulak niya naman ako pero maya maya ay may dalawang kamay nanaman ang nakahawak sa magkabilang pulso ko na sa sobrang higpit at talim ng kuko nila ay napatili ako. Ang sakit!
"Ano nanaman ba ito!?" Tanong ko rito. Nginitian niya naman ako ng malademonyo.
"Masyado ka bang atat Endrada? First, let's find a place where we can personally talk. Follow me girls." Mala bitch nitong sabi at nagsimulang maglakad. Sumunod naman rin sila at kinaladkad ako. Wala na rin akong magagawa kaya sumunod na lang ako.
**********************
Napadpad kami sa storage room ng school. Dito nakaimbak ang mga sirang electric fans, upuan, tables, ah basta lahat ng mga hindi na magagamit pa. Pagkapasok pa lang namin ay kitang kita mo na ang dami ng alikabok at mga sapot ng gagamba. Gosh! Im not maarte, it's just.. I hate this kind of environment.
Dahil doon ay nagpumiglas ako. Pipili na nga lang si Czarina ng lugar eh yung sa madumi pa. Pwede namang sa likod ng building ah! Bakit dito pa!?
"Arte mo pa eh!" Tili ng alalay nito na sa tingin ko ay grade 8 pa lang dahil sa yellow na ID lace nito. Inirapan ko na lang siya nang maipasok niya ako ng tuluyan roon.
"So Lou, do you like this place? Dito ka kasi nababagay eh kaya I chose this place." Wika ni Czarina na palakad lakad sa harap ko ngayon.
"Ah ganun ba? Because I thought this is your castle where you and your ugly julalays live! Sorry ah? Di kasi ako nainform." Inis kong turan at napairap. Tinignan ko naman si Czarina at natuwa ako sa isip ko nang makita ko itong napanguso at para na akong titirisin dahil naniningkit na ang mata nito. Thanks to Sandy at Lewis, nakakakuha ako ng mga pambabara sa kanila.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Teen FictionLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...