Author's note:(Take time to read it guys)
-I just want to thank all of you guys for still voting this story. And also, salamat sa mga nag-add nito sa reading list nila! AYLABYU!
Once again, THANK YOU SO MUCH! Pinapakilig niyo na naman ang buong sistema ng katawan ko! So here it is, ito na ang continuation ng chapter 23. Hope you enjoy it!
*At isa pa pala, nagbago na ako ng username. My username now is Inosenteng_Bitchesa
Ps. Sorry sa SOBRANG tagal na Update ko Bwahahaha
-Innocent Bitch
(Artemis_lala)*********
Lou's Pov
Hindi ko maibuka ang bibig ko. Tama nga si Lewis, nandito si Seth at kasalukuyan siyang nakatingin sa akin na parang nanghihingi ng paliwanag. Mukhang alam niya na at hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya dahil nananatiling blangko ang mga mata nito habang nakatingin sa akin.
"Oh, Lou! Buti at nandito ka, bumisita si Seth sayo at hindi mo pa pala nasasabi sa kanyang magtratransfer ka?" Napalunok ako sa sinabi ni Mommy. Pinilit kong ngumiti pero sa loob loob ko ay gusto kong maiyak.
Will he get mad at me? Hindi niya na ba ako magugustuhan dahil doon?
Tinapik naman ako ni Lewis and gave me an encouraging smile kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Sabay kaming lumapit kay Mommy at nagmano. Pagkatapos ay umupo na ako sa sofa. Kaharap ko si Seth, hindi ko magawang makatingin sa kanya.
"Gagawa lang ako ng meryenda niyo ha? I'll be back." Sabi ni Mommy.
"Tulungan na kita, Mom." At tumayo na rin si Lewis at iniwan kaming dalawa sa sala. Nakita ko pa si Lewis na ngumiti na parang may ipinapahiwatig kay Seth but Seth is still emotionless.
Nanaig ang katahimikan sa amin. Alam ko na ako ang dapat na magsimula nito pero hindi ako makahanap ng mga salita at hindi ko rin alam kung papaano ito sisimulan. Dagdag pa sa pressure ko ang cold na awra ni Seth kaya mas lalo akong kinakabahan.
"Pwede ba tayong mag-usap sa labas ng bahay niyo? This place isn't comfortable to start a conversation." Pambabasag ni Seth sa katahimikan na namumuo sa amin.
Tanging tango lang ang naitugon ko at tumayo upang sundin ang suhestyon niya.
***
Doon ko siya pinunta sa likod ng bahay namin. Mayroon itong pool kung saan lagi kaming nagkukulitan ni Lewis. Nauna akong umupo sa may bench roon at pinaupo ko siya sa tabi ko, katapat namin ang pool. Umupo naman ito at tinitigan siya habang nakatingin sa pool.
Mukhang dito muna agad siya dumiretso dahil naka uniform pa siya at may sukbit sukbit pang bag. Nagkaroon na rin siya ng eyebags at magulo ng unti ang buhok niya. Ngunit hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito. Nakabukas rin ang tatlong butones ng polo niya revealing his sando, at oo na, pati na rin ang chest niya. Ang gwapo talaga niyang nilalang.
At hindi ko pa rin talaga maunawaan na nagkagusto siya sa akin.
"Stop staring at me. I need an explanation." Seryosong wika nito at tumingin sa akin. Hindi ko talaga malaman ang emosyon na meron siya kaya medyo nag aalinlangan ako.
But to my surprise, he hold my hand and look at me. Gosh! Ako ang matutunaw sa tingin niya eh.
"I'm not mad. Just tell me your side Lou cause I hate secrets." Malumanay na sabi nito sa akin. I blushed, he's making me crazy of what he's doing right now. Naman eh! Ang hirap magsikreto sa kanya!
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Teen FictionLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...