Author's Note:
- SORRY NA SORRY talaga! Huhuhu
Masyadong matagal ang update ko! Huhuhu Busy na busy kasi ako sa school eh! Napakahirap dahil sa strand na kinuha ko, idagdag pa yung curricular activities na sinasalihan ko! Mahirap! HUHUHU-So, ito na muna ang update ko. Salamat ulit sa mga nag aadd nito sa reading list nila! AYLABYU GUYS!
***
Lou's Pov
Ilang beses na ba akong kinilig?
Siguro, maraming beses na.
Simula kasi nang ligawan ako ni Seth ay laging mabilis ang tibok ng puso ko. Para bang, normal na ang laging bumibilis ang tibok ng puso ko.
Talagang pinanindigan niya ang sinabi niyang 'lagi akong mamumula sa mga gagawin niya' at heto ako ngayon, namumula dahil sa ginagawa niya.
Nakaupo kami sa bench sa labas ng bahay namin. Hapon na iyon, habang hawak hawak ko ang teddy bear na bigay sa akin ni Seth ay nakikinig ako sa kanyang paggigitara. Sa totoo lang, simula nang ligawan niya ako ay marami akong nalalaman sa kanya. Nalaman ko na marunong pala siyang magluto dahil ipinagluto niya ako ng adobo at eto nga ngayon, ang mag-gitara.
Tumigil siya sa pagtugtog nito at tumingin sa akin. Namula na naman ako sa paraan ng pagtitig niya. Shems naman, Seth! Bakit may emosyon na ang mga mata mo!? Dahil ba sa akin!? Ay! Ang landi ko! Hahaha!
"Did you like it?" Tanong nito sa akin. Magsasalita na sana ako nang biglang sumingit sa likod ko si Lewis. Oo, kapag laging manliligaw si Seth ay lagi siyang nasa likod ko at minamanmanan kami na parang mga bata.
"Ayun lang yun, Seth? Bakit walang kanta?" Tanong naman nito pabalik kay Seth. Napakamot naman si Seth sa batok niya at napaiwas ng tingin. Yiieh ang cute!
"Ahm, oo nga Seth. Bakit walang kanta?" Tugon ko rito. Napatingin naman ulit siya sa amin at tipid na ngumiti.
"I.....I don't sing." Sagot naman nito. Ay, oo nga pala. Yun din ang sinabi niya nung umattend siya ng birthday ni Jewell. Pero ang galing naman niyang mag-gitara. Diba kapag magaling ka sa isang instrument ay magaling ka na ring kumanta? Diba?
"Hays! Manliligaw ka tapos hindi mo siya mahaharana!? Seth naman! Magaling ka naman atang kumanta, alam mo bang isa sa dapat mong taglayin ay ang boses para mapasagot mo si Lou ng isang matamis na oo?" Lintanya naman ni Lewis rito. Napayuko naman si Seth na parang nahihiya kaya pinalo ko si Lewis sa braso.
"Manahimik ka nga Lewis! Modernong panahon na ngayon! Hindi na uso ang harana ngayon. Naappreciate ko naman yung effort ni Seth eh. Pabayaan mo na nga kami at maghanap ka ng haharanahin mo!" Nakita ko naman ang paglukot ng mukha ni Lewis dahil roon.
"Ang sinasabi ko lang naman ay, dapat lang naman na kantahan ka niya kahit na hindi maganda ang boses niya. Para mas romantic." Depensa naman ni Lewis sa sarili.
Napairap naman ako dahil dito.
"Romantic your face." At bumaling ako kay Seth na nakatingin na pala sa aming dalawa.
"I c-can sing if you want.." but I interrupted him by giving a gesture to stop.
"Okay lang Seth, wag mong ipressure ang sarili mo sa sinabi ni Lewis. Ang mahalaga, ay nag effort ka sa akin through playing guitar. Masaya na ako doon." Nakangiting sambit ko sa kanya na nagpangiti rin sa medyo kinakabahan niyang mukha.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Novela JuvenilLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...