Dedicated to: nicollats
-As you wish bakla, your love story starts here. And, thank you sa pagtawag sa akin na 'Reyna ng mga bakla'💕 Labya😘Ps. Walang Lou and Seth Moments.
-Innocent Bitch
************************
Day One
Ano nga ba ang nangyari sa Mayfair sa loob ng Apat na araw na wala si Lou?
------------
One
Isang maaliwalas na araw at panibagong araw nanaman mula sa Mayfair National High School ang madadatnan natin. At masasabi kong, napakamakata kong magsalita. Hahaha Anyways...
Nagtipon tipon naman sa isang tabi ang mga toxic ng Mayfair.(charot!) At ito ang SOFG. Maaga silang pumasok upang malaman ang sasabihin ng pinakamamahal nilang founder ngunit hindi naman sila minahal na si Czarina Ruiz.
Halata mo sa kanila ang excitement sa iaanunsiyo nito. Atat na atat sila habang nagbibigayan ng iba't ibang kuro-kuro. Pero isa ang pumatok sa hula nila. Magkasintahan na siguro sila Czarina at Seth kaya ito nagpatawag ng meeting.
May natuwa, pero marami ang nalungkot dahil maraming humahanga sa kagwapuhan ni Seth at wala silang magagawa dahil wala silang laban sa pamangkin ng principal na si Czarina.
Maya maya ay dumating ang pinakahihintay nilang pinuno. Bumaba ito sa pagkakasakay sa tricycle at naghawi ng buhok dahil ginulo ito ng hangin. Nang makita niya ang kapwa KaSOFG niya ay ngumiti ito ng malawak at akmang lalapit na sana sa kanila ng pigilan siya ng driver.
"Miss, yung bayad niyo po." Sabi ni Manong Driver. Tinitigan naman ito ni Czarina sabay irap. Dumukot naman siya sa bulsa niya at padabog na iniabot ang bente pesos rito.
"Etong bente! Kala mo naman hindi magbabayad." Wika nito at tuluyan ng umalis ang tricycle.
"Czarina!" Tili ng isang SOFG. Nginitian naman ito ni Czarina. Lumapit naman sila rito at tila sabik na sabik sa ibubunyag ng kanilang pinuno.
"Guys, medyo nakakaloka ang sasabihin ko. Doon tayo sa headquarters natin." Wika ni Czarina at nagsimulang maglakad, kasunod nito ang mga SOFG.
Sa kabilang banda ay makikita sa Science department si Angela na kabado habang hinihintay si Maam Asuncion, ang science teacher niya upang malaman kung sino ang magtuturo sa kaniya.
Angela's Pov
"Ms. Aguilar." Agad na napatayo ako nang marinig si Maam Asuncion. Sinenyasan naman niya akong maupo kaya naupo ako.
Kabado at nanginginig ang mga kamay ko. Nanlalamig rin ako sa ibubunyag ni Maam Asuncion. Sana naman ay hindi si Kaizer ang magturo sa akin dahil talagang malilintikan na ako.
"Ms. Aguilar, now is the start of your learning session. I hope that things would get better. Ang magtuturo sa iyo ay si Mr. Seth Imperio.." agad na nawala ang tinik sa aking dibdib. Okay nang maranasan ang kasungitan at pagiging cold ni Seth, wag lang si Kaizer.
"But unfortunately.. Due to some responsibilities as a SSG President, Seth refuse my offer and instead si Mr. Pandaya ang nag volunteer to teach you. Mr Pandaya, you may come in." Dahil doon ay nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita ulit ng malapitan ang taong minsan ko ng hinangaan ng husto. Hindi ko maibuka ang bibig ko. Parang gumuho ang mundo ko nang makita siyang muli.
Bakit ba kasi umayaw pa si Seth!? Bakit siya pa!? Bakit si Kaizer Louis Pandaya pa!?
Umupo ito sa harap kong upuan at nang titigan niya ako ay parang isang tao lang ako na hindi niya kakilala kaya medyo kumirot ang puso ko. Kaizer, is still Kaizer.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Teen FictionLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...