*I dedicate this chapter to Sich94!!
Salamat sa pagsuporta! Again, nakakataba ng puso❤. Comment ka naman para malaman ko yung opinyon mo hahaha! (Napakademanding 😂)Ps. Sorry for the long update.
- Artemis_lala
************************
Lou's Pov
"Don't you ever tell this to anyone or else.."
"Or else ay papatayin mo ako at buburahin na sa world blah blah blah. Okay na! Layas na !" Sabi ko at isinarado ang kotse ng pinto. Inis pa rin ako sa kanya. Hindi pa rin humuhupa at hindi ko alam kung bakit.
Papasok na sana ako sa gate ng buksan ni Seth ang pinto sa driver's seat at daglian akong hinarangan. Taka ko naman siyang tinitigan. Bumubuka ang bibig niya na parang may sasabihin pero biglaan ring isasara.
Nanaig ang katahimikan. Tinititigan ko lang siya habang siya ay parang batang hindi pa marunong magsalita na panay ang buka at sara ng bibig. Tila ay nag aalinlangan sa sasabihin niya. Napairap ako sa inip.
"May sasabihin ka pa ba Mr. Imperio?" Medyo iritado kong sabi at napa cross arms.
Napakamot naman siya sa ulo niya at tumingin ng diretsa sa mata ko. Napaabang naman ako sa sasabihin niya ngunit tulad kanina, bumubuka at sumasara lang ang bibig nito na parang nag aalinlangan siya.
"Kung wala ka naman palang sasabihin, pwede bang pumasok na ako dahil nilalamok na ako?" Inis kong sambit at hahakbang na sana papasok ng bahay ngunit hinawakan niya ako sa kamay para pigilan ako.
"uhh kasi.... Nevermind." Wika nito at tuluyan ng binitawan ang kamay ko.
Mabilis na rin siyang tumakbo at pumasok sa kotse at pinaandar iyon. Taka naman akong tumingin sa kanya habang siya ay papalayo na.
Ano yun?
************************
July 04 - thursday
Lou's Pov
Apat na araw ang nakalipas at ganoon pa rin naman ang nangyayari. Hindi pa rin gumagawa ng kademonyohan ang SOFG kaya patuloy na tahimik ang buhay ko sa paaralan. Panay lang din ang paglelesson na masasabi kong boring. Hindi naman kami masyadong nagpapansinan ni Seth at tuwing may activity o groupings lang kami magkasama, doon lang kami nag uusap.
Ang madalas kong makausap ay si Carter na panay ang daldal sa akin kaya napagsasabihan kami. Kaya minsan, hindi ko na lang siya pinapansin.
*********************
"Guys imbitado pala kayo sa birthday ko bukas. Punta kayo ah?" Tuwang wika ni Jewell habang kumakain ng apple. Kasalukuyan kaming nasa likod ng building 1 para dito kumain. Pinagsama sama namin ang mga baon namin at sabay sabay na kumain.
"Pati rin ba kami invited?" Tanong ni Sandy, tumango naman si Jewell kaya napatili sila sa tuwa.
"Basta ah! Regalo muna bago pasok!" Birong wika nito habang kami naman ay napatango.
"Invite mo din yung kuya mo Lou! Sino nga ba yun? Lew... lew.." sabi naman ni Marvin habang nag iisip.
"Lewis." Sabay naming wika nila Janice at Sandy. Napapalakpak naman sa tuwa si Marvin at dali daling kinuha ang cellphone niya.
"Dont tell me mang iistalk ka ng unggoy? Walang ka taste taste." Sabi naman ni Sandy kaya napatingin silang lahat rito na nakataas ang kilay. Natawa na lang ako. Sanay na rin naman ako, mainit talaga ang dugo nila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Подростковая литератураLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...