Lou's PovKasalukuyan kaming kumakain sa bahay nila Jewell. Simple lang ang handaan at dahil di kami magkasya sa sofa ay napagdesisyunan ng mga lalaking sa sahig na lang umupo. Syempre dahil lalaki rin naman si Marvin, eh umupo rin siya sa sahig at kita ko namang gusto niyang mapatabi kanila Seth at Lewis.
At dahil mahal na mahal ni Ellen si Marvin ay sumunod din ito at sumiksik rito. Kita ko naman ang pagkaasiwa ni Marvin.
Pero kahit ganoon ay hindi pa rin kami kasya. Para pa rin kaming mga sardinas.
"Alam mo Sandinuguan, pampasikip ka lang diyan. Bumaba ka na nga dito! Tutal, lalaki ka naman eh!" Pasaring ni Lewis kaya inirapan siya ni Sandy.
"Bababa naman talaga ako! Bwisit ka talaga eh!" Sabi nito at bumaba na rin, kaya kahit papaano ay nakahinga kami ng maluwag. Pagkababa nito ay ginulo ni Lewis ang buhok nito kaya sinapak siya ni Sandy sa braso. Napaaray naman si Lewis at parang iiyak na sa sakit. Siya namang tawanan namin.
Balak niya sanang sapakin rin ito ngunit sinamaan ko siya ng tingin kaya pangisi ngising ibinalik niya ang kamay nito sa dati nitong pwesto. Kung hindi ko lang talaga alam na mortal enemies itong dalawang ito, mapagkakamalan ko silang mag jowa na naghaharutan.
Tinitigan ko naman si Seth na tahimik na kumakain sa isang tabi. Medyo naaawa naman ako sa kanya dahil baka na O-out of place na siya rito at gustong umalis. Ako tuloy ang nahihiya para kay Lewis dahil ito ang humatak dito.
At dahil sa kabaliwang ginawa ng kapatid ko ay kinalabit ko ito na kasalukuyang nakikipagtawanan sa mga kaklase ko. Parang siya yung kaibigan at hindi ako.
"Oh?" Tanong nito at lumapit sa akin. Binatukan ko naman siya ng pasimple kaya napa aray siya.
"Bakit nanaman ba!? Kanina pa kayo ni Sandy ah!" Inis na sabi nito sa akin sa mahinang tinig. Inirapan ko naman siya.
"Akala ko ba kaya mo pinasama si Seth kasi kakausapin mo siya! Kita mo oh, OP na siya. Nakakahiya ka talaga" mahinang sabi ko rito.
"Bakit hindi na lang ikaw ang kumausap?" Pang aasar na sabi nito kaya kinurot ko siya.
"Eh kung palayasin na kita agad dito? May magagawa ka?" Inis kong wika.
"Oo na po. Sandali lang at may kausap din ako,iisa lang ako." Sabi nito at bumalik na ito sa pwesto at tinawag si Seth para siguro ay kausapin ito. Kita kong tumingin ito sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Kaya di ako makakilos ng maayos eh!
Pag nalaman ko lang talaga yung mga pinagsasabi ni Lewis kay Seth ay masasapak ko siya ng tuluyan.
**************************
Pagkatapos namin ay napagdesisyunan naming kumanta. Nag set up naman ang mommy ni Jewell ng videoke habang sila naman ay tila excited at tuwang tuwa.
Inunahan agad ni Sandy ang kantahan. Magaling naman kasi talaga siyang kumanta. Napakalamig ng boses nito pero kapag nababaliw ito ay pinapapanget nito ang boses na parang chimpmunk o kaya'y malalim na tinig. Ikaw na lang ang maloloka sa kabaliwan niya.
Nagsimula nang tumugtog ang sinelect niyang kanta. 'Tell me where it hurts ni Nina' ang napili niya.
"What is that sad look in your eyes
Why are you crying
Tell me now, tell me now
Tell me, why you're feelin' this way
I hate to see you so down, oh baby
Is it your heart
Oh, that's breakin' all in pieces
Makin' you cry
Makin' you feel blue
Is there anything that I can do.."Napatulala kaming lahat na kahit alam kong maganda ay mapapatulala ka talaga sa lamig ng boses nito. Lalo na si Lewis na titig na titig kay Sandy, siguro ay hindi siya makapaniwala. Minsan lang yan matulala, kaya palihim kong inilabas ang phone ko at pasimpleng pinicturan si Lewis na manghang manghang nakatingin kay Sandy. Natatawa ako sa mukha niya, hahahahaha
BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Teen FictionLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...