Lou's Pov
Ang init ngayon. Tumingin ako sa relo ko at saktong 9:00 am na. May mga steps kasi sa pag nag-enroll dito. Unlike samin, si mommy na lang ang umaasikaso.
Nasa step 4 palang ako. Ang brigada eskwela nila. Ang hirap grabe. Napakahigpit ng rules nila like bawal ang may kulay ang buhok and so on and so forth.
"Ikaw ineng, doon ka sa cr. Sumama ka dun sa kanila." sabi ng matanda na nag aassist sakin.
"A-ako po?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko. Hala! mahihiwalay ako kanila Sandy, Janice, Jaja at Angela huhuhu
"Ay hindi, yung poste. Yung poste yung kikilos at pupunta sa cr. Malamang ikaw! Hala sige kilos!" Sigaw nito sakin. Ang lakas ng boses nya kaya naka atrract sya ng ibang tao at napatingin sakin.
"Ay sayang ang ganda pa naman kaso bobo" rinig kong sabi ng babae sa may gilid.
"Sus oo nga eh. Anga anga" sabi naman ng isa.
Feeling ko ang baba ng tingin nila sakin. Porket bago lang ako rito ganyan na sila makapagsalita?
Pupuntahan sana ni Sandy yung mga babae pero pinigilan ko na sya. Ayoko kasi ng gulo.
"Eh Ma'am Gangat, sige na saamin na sya... yung iba na lang muna." pakiusap nila Jaja at Janice sa matanda na si Ma'am Gangat pala.
"Ikaw na ang mag assist gusto mo?" Pilosopo na sabi nya dito.
"Sabi ko nga po. Hindi na. Okay na kami. Hehe, Lou kaya mo na yan." sabi nito.
No choice ako kaya sumama nalang ako sa mga babae.
"Uhm marunong ka bang maglinis ng cr?" Sabi ng babaeng chinita at cute.
"Uhmm actually hindi. Wala akong ka expe-experience jan eh." nahihiya kong sabi.
"Ah wait doon nalang sya sa kabila, sya nalang ang magpunas ng dingding." sabi naman ng isa na simple lang manamit pero maganda.
"Oo nga. Ikaw nalang doon okay?" Chinita
"Okay, salamat." Nahihiya kong sabi
Shocks! kahit pala maraming judgemental dito eh may mababait rin pala.
Mahigit 30 mins namin na natapos ang paglilinis. Ang laki kasi at ang dumi dumi pa. Buti nalang talaga at tagapunas lang ako ng ding ding at salamin kung hindi, sumuka na ko.
"Hay! salamat at natapos na tayo hoo!" Sabi ni chinita
Tumingin sakin yung simpleng babae at ngumiti. Ngumiti rin ako.
"Anong pangalan mo?" Tanong nito sakin.
"Ako nga pala si Louisa Endrada Lou nalang for short." Sabi ko at nakipagshakehands ako.
"Ako si Crissa Aaliyah Trono. Ali nalang for short" sabi nito sakin
"Ako pala si Judy Ann Reyes." Sabi ng chinita.
"Alam mo, usap usapan ka sa school. Alam mo naman, pag may bagong salta. Chismisan to the max!" sabi ni judy
"Oo nga. Rinig ko eh."
Obvious naman kasi na ako yung pinag uusapan nila. Simula palang ng pumasok ako eh ang sama ng tingin nila sakin."Ang ganda mo. Hindi nga ko makapaniwala na nagpaenroll ka rito eh." sabi ni Ali sakin.
"Ha? Bakit naman?" Ako
"Wala namang may gusto sa school namin eh. Bukod sa bulok na pasilidad,bulok rin ang pamamahala rito." Sabi ni Ali.
"Pero may isang dahilan kaya pumapasok ang iba rito!" Masiglang sabi ni Judy.

BINABASA MO ANG
He's too mature,Im too childish (On Going)
Novela JuvenilLou thought that going into a public school will excite her what so called 'new experience'. And there, she meets the cold and arrogant and not her ideal type of guy, Larseth 'Seth' Imperio. One thing Happened and everything change, One act, two of...