Chapter 15: HUG

84 23 0
                                    

Third Person's Pov

Sinimulan ni Lou ang kuwento habang nasa kanya naman ang atensyon ng mga bata. Tuwang tuwa ang dalaga dahil inspirado siya sa ikukuwento niya. At dahil isa siyang babaeng may malawak na pag iisip, bibigyan niya ng twist ang istorya.

At syempre, dapat ay papabor ito sa kanya sa huli.

"Noong unang panahon, may isang ubod ng sungit na prinsipe na papangalanan nating..." nag isip muna ang dalaga at napahawak sa baba.

"Se... se... Selestino! So yun, si Selestino ay napakasama! SOBRA! Pero hindi nagagawang magalit sa kanya ng mga kababaihan sa lugar nila. Alam niyo ba kung bakit?" Tanong ni Lou.

"Bakit?" Tanong naman ng mga bata.

Nagpalinga linga muna si Lou upang siguraduhing wala si Seth. At nang masiguro nila ay itinuloy niya ang kwento.

"Dahil kung ano ang ikinasungit niya, siya namang ikinagwapo niya! SOBRA!" Sabi nito ng may feelings at may paghawak pa sa dibdib niya.

"Parang po bang yung napapanood namin sa mga movies?" Tanong ng batang si Aileen. Napatango naman si Lou kaya nagsimula ang mga hagikgikan ng mga bata. Mayroon naman ulit na nagtanong na batang babae na mataba.

"Kasing gwapo po ba siya ni Kuya Seth?" Natigilan si Lou sa tanong ng bata. Kita mo sa bata ang pamumula ng mukha nito gayundin siya. Hindi niya alam ko ano ang sasabihin. Hindi niya naman pwedeng sabihin na siya nga ang itinutukoy niya sa kuwento.

"Parang siya, pero mas gwapo si Selestino sa kanya.." sabi ni Lou at nagpaypay sa sarili. Ramdam niya ang tensyon sa katawan niya.

"Ang init pala dito noh? Buti at di kayo pinagpapawisan?" Pag iiba niya sa usapan.

"Hindi naman po eh. Tsaka po, nakatutok yung electric fan sa inyo." Wika ni Aileen kaya natigilan si Lou at agad na tumingin sa electric fan na nakatutok nga sa kanya. Awkward naman siyang napatawa at tumingin ulit sa mga bata.

"Ay naku! Gusto niyo pa bang ituloy? Parang ayaw niyo na eh?" Pag iiba ulit ni Lou sa topic. Tense na tense siya sa mga bata. Feeling niya ay nasa hot seat siya dahil dito.

"Gusto po." Sabi ng mga bata kaya itinuloy ni Lou ang kwento.

"Isang araw, may dumating sa bayan nila na babaeng ubod ng ganda, sexy at masasabi mong dyosa siya. Super!" Ngiting ngiti nitong sabi habang iniimagine na siya iyon.

"Sino naman po siya?" Tanong ng mga bata. Napaisip nanaman si Lou at doon niya narealize na mahirap ang mag gawa ng kwento. Lalo na pag on the spot.

"Lou... lou... Luna! Tama, siya si Luna!" Tuwang sabi nito habang ang mga bata ay nakaconcentrate sa kanya.

"So ayon nga, ang ganda niya at sexy, at perfect siya! Parang anghel na ibinaba sa langit at maayos na inilapag sa lupa na may red carpet! Ganon siya kabongga!" Sabi nito with actions pa.

Ayun naman ang naabutan ni Seth sa loob. Natatawa siya sa inaact ni Lou na kung ano man yun. Kita niya sa mga bata ang saya at nakatuon talaga ang atensyon nila rito. Tama ngang siya ang naisama nito.

"Ehem" napatingin ang lahat sa kanya maging si Lou na kasalukuyang nakahawak sa mukha niya. Nanlaki ang mata nito ng makita si Seth.

"S-seth? Kanina ka pa diyan?" Kinakabahang tanong ni Lou.

"Ngayon ngayon lang. Bakit?" Sabi ni Seth at tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto. Agad namang sinenyasan ni Lou ang mga bata na napatango naman sa kanya.

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon