Still Chapter 9 : Part 2

93 31 0
                                    

Dedicated to: ari_grande_butera

》As promise, I will dedicate this chapter to you! Hope you like it!

And about doon sa 'LouSethfer loveteam' hmm. Lemme think about that! Hahahahaha. Naisip ko kasi dati ay 'LarUisa' from Larseth and Louisa. But since, yan ang gusto mo.... Why not? Hahahaha. So yun lang. Love you!💕

-Artemis_lala

Lou's Pov

"Di ka man lang ba magsosorry?!" Tiningnan nya lang ako tapos ay umupo sya sa tabi ng puno ng mangga

"Why would I? Ikaw nga tong dapat magsabi nun sakin" sabi nito at nagcross arms pa.

"Ano!? Ako pa!? " Nakapamaywang kong sabi.

Naiimbyerna na talaga ako sa lalaking to!

"Yes. Inabala mo lang naman ako, plus tinulungan kita" poker face na saad nito.

The fuck??

"And can you please stop doing that pose? Because you reminds me of my deceased Grandmother"

Sa sinabi nyang yun ay napatayo ako ng maayos....

Wala na ba syang magandang sasabihin?!

"Tsk tsk nakakadalawa ka na sakin" sabi nito at inagaw sakin yung papel na sasagutan namin at binasa.

"Anong?? Nakakadalawa?? Sayo??" Takang tanong ko.

Tumingin naman sya sakin tapos ay binalik ulit ang tingin nya sa  papel na hawak nya.

"No make it three" sabi ulit nito.

Three?? Imbento din to noh??

" hala pano?? Aber??"

"1st, I saved your life from the accident , you should be dead meat by now. 2nd, I help you to hide from your bodyguards and the third remains a secret"

" may pa secret secret ka pang nalalaman! At bakit sinusumbat mo itong lahat sakin!? Ginusto ko bang sa tuwing nanghihingi ako ng tulong eh ikaw ang andyan!? Ha!? "inis kong sabi.

Pero ayun lang sya.... Walang paki sa mundo at parang siya lang, ang puno at ang papel na hawak nya ang nageexist sa mundo.

Doon uminit ang ulo ko..... Hindi ko naman kasalanan kung nandyan siya pag kailangan ko ng tulong???baka sya nga tong nagpapalapit sakin sa kapahamakan eh!

"Ano di mo ko papansinin?? Sige ipamukha mo lang sakin na kayo----" I got interrupted by his voice

"The answer is Troy . Piece of cake" at tumayo na sya  at naglakad.

"Ano ?? Anong troy?!" Naguguluhan ko pang tanong . He didnt answer me at itinuloy nya lang ang paglalakad nya patungo sa room namin. Hanggang sa marealize kong iyon ang sagot sa riddle na ibinigay ni Maam Callisto

So sila lang talaga ng pesteng papel ang nageexist ..

"Hoy Seth!!" Sigaw ko

Pero patuloy parin sya sa paglalakad

Great...Sige ituloy nya lang yan at masasapak ko na sya

"Seth!!! Seth!!!" Sigaw ko at hinhabol na sya kaso sadyang ang laki ng legs ng taong toh at bawat hakbang nya eh katumbas na ng tatlong hakbang ko.

Salamat naman at tumigil sya pero di lumingon..

"Hmmmm. Did I hear someone calling my name?? Baka hangin lang naman yun"

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon