Chapter 21: Memories and goodbyes

78 20 3
                                    

Dedicated to:hahahahri

A/n: oh my gash talaga! Hahahaha salamat ulit talaga sa mga sumusubaybay nito hahahaha!
And for you, ayan na ang cute kong dedication sa iyo. Hahahaha

Anyways, enjoy reading!


***********************

Lou's Pov

Kinabukasan ay maaga akong nagising, kahit na ang tagal bago ako makatulog kagabi. Hindi kasi ako makatulog kakaisip sa gagawin ko. Siguro ay mga ala una na ng madaling araw ako natulog. Kaya heto ako ngayon at parang bangag dahil kulang ako sa tulog. Naisipan ko na lang na maligo upang mawala ang pagkaantok ko at magising ang diwa ko.

Pero talagang inaantok pa ako kaya umupo muna ako sa inidoro at napasabunot sa ulo ko. Ang sakit ng ulo ko! Magpuyat ka pa Lou ah? Magandang gawain yan. Nakakainis. Bakit kasi laging si Seth ang nasa isip ko!? Ganito ba talaga pag crush!? Lalo na at siya pa ang nakakuha ng first kiss mo!?

'Lou, I think... I think im falling for you.'

Napasabunot na ang dalawa kong kamay sa buhok ko at umiling iling. Bakit ko ba naiisip iyon!? Hindi ko talaga lubos maisip na totoo iyon, paki rewind nga.

'Lou, I think... I think im falling for you.'

Teka, isa pa nga...

'Lou, I think... I think im falling for you.'

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at impit akong napasigaw sa kilig. Napaheadbang na rin ako habang nagpapapadyak sa tuwa. Putspa naman ni Seth oh! Sino ba naman ang hindi kikiligin sa sinabi niya!?

Now I know why the SOFG's love Seth very much.

Napatahimik tuloy ako bigla. Oh yes, the SOFG... Ang grupong panira ng buhay ko at ng soon to be love life ko, charot! Nalulungkot tuloy ako pag naaalala ko na ang dahilan ng pagpasok ko ngayon sa Pentonville Academy ay para sa ikakabuti ni Seth..

At ito ay ang paglayo ko sa school, sa mga kaibigan ko at lalong lalo na sa kanya.... Kay Seth..

Napabuntong hininga ako, para kay Seth ito. Kapag masaya siya ay alam kong sasaya rin ako...

***************

"Lou? Totoo bang lilipat ka na ulit sa Pentonville Academy?" Nagulat ako sa tanong ni Mommy. Agad ko namang sinamaan ng tingin si Lewis na nagkibit-balikat lang.

Kahit kailan talaga, nangunguna pa eh.

"O-opo." Tipid kong sagot. Kinakabahan tuloy ako dahil baka kung ano pa ang sinabi ni Lewis kay Mommy.

Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya yung mga hinanaing ko sa public. Panira ng buhay.

"May problema ka ba Lou? Di ba you like the place?" Tanong ulit ni mommy.

Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Buti at hindi pa alam ni mommy ang lahat.

"Ayoko na po doon. Gusto ko ng bumalik sa Pentonville Academy." Wika ko. Wala na akong narinig na tugon mula rito hanggang sa matapos na ang pagkain.

******************

Hindi ko alam pero hanggang sa pagdating ko sa school ay tamlay na tamlay pa rin ako. Iniisip ko pa lanh na malalayo ako sa mga kaibigan ko ay nadudurog ang puso ko. Noon, ang school na ito ay masasabi kong disaster dahil sa anyo nito. But now that I realize the real beauty of it, ayoko ng lisanin ang lugar na ito.

Pagkapasok ko pa lang ay nanaig na ang kaba at pag aalinlangan ko. Should I do it? Or should I run? But im doing this for Seth.

'Do you think that you will be happy with your decision? How about Seth? Magiging masaya ba siya sa desisyon mo?'

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon