Chapter 29: I Need You Now

12 1 0
                                    

Lou's Pov

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa kaba na mangyayari mamaya. Ngayong araw na kasi gaganapin ang Mr. and Ms Nutrition Month. Nakaayos naman na ang mga gamit ko at ilalagay na lang sa kotse mamaya kaso hindi talaga ako mapakali. Ilang beses ko rin na inayos ang lakad ko, maging ang speech ko! Ginawa ko rin ang sa talent portion at hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali.

"Lou, ano ba, libutin mo na kaya buong bahay? Nakakahilo ka." Sambit ni Lewis kaya napatigil ako at tinitigan siya.

"Kinakabahan ako Lewis! Hindi ko talaga alam kung kaya ko!" at sumalampak ako sa sofa. Lumingon naman sa akin si Lewis. Teka, ngayon ko lang napansin na nagpalagay siya ng orbit ba yun? Yung linya sa may buhok? Nakita ko rin na naglagay siya ng piercing sa tenga niya. At kailan pa siya nagkaroon niyan!?

"bakit mukhang gangster ang peg mo ngayon?" Nakita ko naman na inirapan niya ako.

"Gangster? Baka gwapong gangster! Naghahanda ako para sa performance ko mamaya 'no! Kaya may Karapatan din akong kabahan, eh kaso mas ginalingan mo yung pagiging kabado, kaya wag na lang." At bumalik na ang atensyon nito sa cellphone at naglagay na ng earphones. Nakalimutan ko nga pala na magpeperform din sila ngayon para sa Nutrition Month.

Napailing na lang ako at kinuha ang cellphone ko para itext si Seth kaso nauna na siya.

Seth

> Goodluck sa'yo. : )

Agad ko rin naman siyang nireplyan. Nakakalungkot lang na hindi siya makakaattend sa contest kasi may inaasikaso rin siya sa Mayfair. Nagsabay din kasi ang program doon. Maski sila Sandy at kaibigan ko ay Malabo rin na makapunta kasi may plus points daw kasi ang um-attend doon. 

***

"Nasaan na yung make-up artist!? Bakit wala pa? Ang sabi ko 'di ba before 2 nandito na siya! No, ayoko na! I am tired of this shit, Andrew. Nangako nga, sinira mo. Ayoko na." Kita ko ang nanggagalaiting si Mommy habang kausap ang kilala at kaibigan niya na si Andrew. Kinabahan ako dahil sa mga sinasabi pa lang ni Mommy, alam ko na walang mag-aayos sa akin.

"Grabe si Mommy, pwede nang pang FAMAS! Ang galing ng linyahan!" Agad ko naming siniko si Lewis na mukhang natutuwa pa sa pangyayari. NAKAKASTRESS na ang sitwasyon pero nagawa niya pang magbiro ng ganyan. Napasapo si Mommy sa ulo niya at napatingin sa akin. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Nakakatuwa nga at naglaan talaga siya ng oras para dito kahit na napakabusy na niya.

"Mom, ayos lang. Hahanap tayo ng paraan." Ngiting sabi ko kaya napangiti din siya. Ayoko naman na maglupasay dahil sa nangyayari ngayon. Kita ko sa labas ng room na ayos na ang ibang contestants at nag gagala na kasama ang mga kaibigan nila. Hay, paano kaya ang mangyayari sa akin? Isang oras na lang at magsisimula na ang pageant?

"Sandali lang. Alis po muna ako. May aasikasuhin lang." Hindi na naghintay ng response naming si Lewis at agad na siyang umalis ng room. Kaya naiwan kami ni Mommy dito. Kung nagtataka kayo kung bakit wala ang mga kaklase ko ay pinababa na kasi sila sa may court. Ang mga contestant na lang at mga tutulong dito ang matitira sa kwarto.

Si Noel naman na kapartner ko ay lumabas na muna dahil gusto niya raw ng sariwang hangin.

"I'm really sorry, anak. Nakakastress talaga ang mangyayari mamaya, nadagdagan pa. If only I knew na hindi sisipot yun!" Agad ko naming nilapitan si Mommy at niyakap.

"Hindi mo kasalanan, My. No one's at fault." Mas lalo ko tuloy hinigpitan ang yakap kay Mommy dahil umiyak na ito.

"LOOOU!!" Napabitaw ako kay Mommy at agad na lumingon dahil sa pamilyar na tinig. Nanlaki ang mga mata ko at agad na pumunta kanila Sandy, Janice, Ellen, Marvin, Jaja, Jewell, Aaliyah, Angela at Judy na nandito. Agad nila akong niyakap. Namiss ko sila!

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon