Chapter 28: Maria

10 3 0
                                    

This story is dedicated to: erikajanepio nakita ko na nag-aabang ka ng update ko nung 2019 pa! Sana, nasa mood ka pa rin para basahin ito : ))

(July 25) Thursday

Lou's Pov

Ilang araw na rin ang lumipas. Sa ilang araw na iyon, hindi pa rin nagbabago si Seth. Ang sweet pa rin niya tulad ng dati. Yung sakto lang, 'di masyadong sweet. Ang kyut lang kasi bawat araw may nalalaman ako tungkol sa kanya. At syempre dahil madamot ako, ayoko nang i-share iyon hahahaha.

Nalaman na rin ng mga kaibigan ko na lumipat ako ng school. Well, walang lihim ang hindi nabubunyag. Nagalit sila? Oo. Halos patayin na nila ako sa mga titig nila pero nung sinabi ko naman ang side ko at nagkaliwanagan, nagkabati rin.

Kasalukuyan akong nasa bahay nila Seth. Nagtratraining kasi ako para sa Ms. And Mr. Nutrition Month sa sabado. Nakakainis kasi ako yung napili nila. Kapartner ko si Noel na escort namin.

Ang nagtuturo ngayon sa akin ay si Ate Yannie. Mahilig kasi siyang sumali sa mga contest. Balak niya nga sanang sumali ngayon eh kaso, siya yung nanalong Ms. Nutrition nung nakaraan. Ang weird lang kasi di ko siya nakilala agad. Hindi naman kasi ako interesado sa mga nangyayari sa school noon.

"Chin up. Wag mong ipahalatang kinakabahan ka Lou. Nanginginig yung labi mo oh." Napabuga ako ng hangin nang wala sa oras. Nakakafrustrate sa totoo lang. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganito!

"Kaya mo pa ba, Lou? We can have a break for fifteen minutes." Sabi ni Ate Yannie nang malapitan ako ngunit umiling lang ako. Nakakahiya naman, siya na nga itong nag-offer na itraining ako tapos ako pa yung nag-iinarte.

"I told you Lou, kung hindi mo kaya, yun can backed out immediately. Ayokong nahihirapan ka." Sabat ni Lewis sa amin. Sa una kasi tutol na tutol siya rito. Nakakasayang lang daw ng oras.

"He's right, Lou. I know you're tired. Mag quit ka na lang." Sulsol naman nitong si Seth. Ayaw talaga nila akong pasalihin.

Tumaas naman ang isang kilay ni Ate Yannie at humarap sa kanila.

"Para namang sinasabi niyo na 'di magagawa ni Lou ito? Pwede bang manahimik na lang kayo? Wala lang kayong maitutulong dito. Dinadown niyo lang siya eh." Sabi nito na nakapamewang na animo'y nanenermon na nanay.

"I agree with my girl. I know that Lou can handle this. Don't you have trust on her?" Komento naman ni Grey at nginitian ako.

"Aww, thank you my boy~" malambing na sabi ni Ate Yannie at nag flying kiss ito kay Grey na sinalo naman ni Grey.

"Eew. Gross." Sabay pang pahayag ng dalawang nagmamaktol na lalaki. Natawa na lang ako sa kanila.

"Tama sila Ate Yannie at Grey. Kaya ko ito. Tiwala lang, okay ba iyon? Lewis? Seth?"

Sabay din silang napatango na parang nag-aalinlangan. Lumingon ako kay Ate Yannie at ngumiti.

"Ituloy na po natin." Wika ko kaya mas lalong lumawak ang ngiti ni Ate Yannie.

"I know you can do this."

***

"Hay sa wakas at natapos din!" sigaw ko ata agad na napaupo sa may sofa. Binukaka ko pa ang legs ko total ay nakapants naman ako. Pero nung makita ko na nakatingin si Seth ay agad akong umayos ng upo at nilagay sa tenga ang takas na buhok. Natawa naman ito sa inasta ko.

"Sinong gutom na? I have sandwiches and juice. Kain na kayo." Agad kaming napatingin kay Tita Editha nang ilapag niya ang pagkain sa lamesa. Tamang-tama at gutom na ako. Lumapit agad ako doon at naamoy ko ang bango ng sandwich. Waah!

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon