Chapter:13 Cupid without her psyche?

100 26 0
                                    


Seth's Pov

Pagkatapos ng pinagawa sa akin ng principal ay agad akong pumunta sa school. Kakatapos pa lang ata ng dalawang subject. Makakahabol pa ako.

Ang weird nga eh, inutusan kasi ako ng principal na magcheck muna sa Mayfair Elementary School which is.. hindi naman talaga dapat. SSG president ako, pero hindi ng school na yun.

As I enter the gate, nakita ko sila Joyce kasama ang kambal na seryosong nakatigin sa akin. Kumunot ang noo ko, ano nanaman bang nangyari?

"Let's talk. Follow me." Wika ni Joyce at nagsimulang naglakad. Sumunod na rin ang kambal na ipinagtaka ko. Kailan pa naging seryoso si Carter? Nagtataka na ako.

Sumunod na lang din ako hanggang sa napadpad kami sa likod ng building 1. Humarap siya sa akin at kita mo na seryoso ang mukha niya. Napakunot naman ang noo ko.

"May nangyari ba nung wala ako?" Tanong ko sa kanila.

"Oo seth. Grabeng pangyayari." Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi ni Kaizer.

"Be specific. Ayoko ng binibitin ako." At inirapan ko siya.

"Seth, may panibagong target nanaman ang SOFG." sabi ni Joyce.

Napakuyom nalang ang kamay ko sa inis at ipinikit ang mata sa inis. Hindi nanaman ba sila nakuntento!?

Panibagong target means.. panibagong buhay ang masisira..kasalanan ko nanaman ito.

"Sino?" Pigil ang galit kong tanong.

Nagkatinginan muna sila bago sabihin sa akin.

Kilala ko ang SOFG, lahat kaya nilang gawin sa tao. Kaya nilang sirain ang sinumang sa tingin nila ay magiging kaagaw nila... katulad na lang ng nangyari kay Aira..

"Si Louisa Endrada." Sabi ni Joyce na ikinagulat ko. That girl? Why? How?

"Pinost sa bulletin board ang mga stolen photos niyo ni Lou, pinahiya siya sa harap at pinagbabato siya ng maraming itlog." Naiinis na wika ni Carter.

May inabot naman sa akin si Kaizer na mga pictures at isang article. Tinignan ko ito at binasa.

"Buti na lang at nakakuha ako ng mga ebidensya laban sa kanila. Pagkatapos kasi ng ginawa nila ay pinalinis ni Czarina lahat ng nagkalat na articles. Ayaw niyang ipakita sayo." Sabi ni Kaizer.

That explains kung bakit ako pinaalis ng principal. Binigyan nila ako ng distraction. Napangisi ako na parang naasar. Napakabata mag isip. Immature.

"Mag announce kayo ng isang pagtitipon. Gusto nila ng pinapansin sila? Pwes, ako pa ang lalapit sa kanila." Sabi ko at nagsimulang maglakad papalayo....

Tama na ang isa....

Hinding hindi ko na ito palalagpasin pa... masyado na silang abusado.

Lou's Pov

Nang maghiwa hiwalay kami ay napagdesisyunan ko munang magpalipas ng oras sa cafe malapit sa school. Tiningnan ko yung cellphone ko at tiningnan ko yung messenger ko. Ang daming unread messages. Hindi ko na lang ito pinansin at para gumaan ang pakiramdam ko ay nagbukas ako ng facebook. Pagkabukas ko pa lang ay sabog ang notifications at inulan ng bash ang timeline ko. One caught my attention, ang post ni Czarina saying that Im a flirt and I deserve to die.

Kinabahan ako. What if nakita nila Mommy at Lewis ito!? Dali dali akong nagtingin ng mga active and thank god, wala sa kanila ang active. Puwera sa isang taong kakilala ko, si Christian. Nag message siya sa akin at hindi naman ako nag alinlangan na basahin iyon.

He's too mature,Im too childish (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon