Inaya kong kumain sa labas si Ms. Dantes para naman makausap ko pa sya. Hindi ko sya masyado makausap kanina sa lakas ng boses mag discuss ng prof namin sarap salpakan ng thumbtacks ang bunganga eh.
Pumayag naman sya kaya ito kami ngayon kumakain. Nahihiya pa sya sakin.
"Uyy huwag kang mahiya sakin."
Ngumiti lang sya at sumubo ng kanin. Pasimple ko naman syang kinuhanan ng picture habang kumakain. Natatawa ako na ewan eh.
"Nga pala ahm may boyfriend ka na ba?"
"Wala pa."
"Hmm... I see."
Uminom sya ng juice. Pasimple ko ulit syang kinuhanan ng picture.
"Kanina mo pa pala ako kinakausap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo."
"Ah oo nga noh. By the way I'm Kyle Winston Sandiego from Savreeda compound subdivision next to your house attouched from your heart."
Banat na agad. Nilahad ko din ang kamay ko sa kanya pakita na nakikipag kamay ako sa kanya. Nahiya pa sya pero nilahad nya din ang kamay nya.
"Huwag ka masyadong kiligin alam kong kinikilig ka sakin."
Ngumisi ako sa kanya saka ako uminom ng juice.
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Ms. Dantes sabay na din kami umuwi. Hanggang pagpasok nya ng bahay nila sa loob abot langit parin ang nguti nya.
Alas siyete na ng gabi at pumasok na din ako sa kwarto. Grabe wala man lang akong sinulat sa notes ko sa mga klase namin kanina pero alam ko namang may mga kaibigan akong tutulong sakin. Hahaha.
"Kuya!"
"Taeng palaka ka. Ano iyon?!"
Sa gulat ko eh muntik na akong atakihin sa puso. Iyong nakadungaw ka sa veranda at nakatingala ako sa kalangitan na ang dilim dilim hindi ko pa din binubuksan ang ilaw ng kwarto ko kala ko aswang na eh.
"Kala ko naman aswang na ano ba iyon hah?"
"Maaaswang ka talaga mamaya. Multo pa hindi mo pinuntahan si kuya Tan umasa iyon sigurado na pupuntahan mo sya."
Biglang nawala sa isip ko na pupuntahan ko pala sya pagkatapos ng klase ko. Kumain pa kasi kami sa labas kanina ni Ms. Dantes eh.
"Bukas na lang nakalimutan ko pala. Promise maaga ako bukas hindi naman na ako papasok eh."
"Ang tino mo talaga eh noh? Bahala ka magagalit sayo iyon si kuya Tan."
"Hindi na mauulit ay naku makulit ka."
Binuksan nya na ulit ang pinto ko at lumabas na din sya sa wakas. Makaupo na nga lang muna.
"May multo ka mamayang makakatabi kuya... Awoooo..."
Lintik na uupo pa lang ako eh. Lalapitan ko pa lang sana si Nate pero tumakbo na ang pasaway. Binuksan ko na nga lang ang ilaw ng kwarto ko at sinara ko na ang sliding door sa veranda. Ewan ko bigla akong natakot sa pasaway kong kapatid. Hindi ako matatakutin pero ng time ngayon bigla akong nakaramdam ng malakas na ihip ng hangin kahit sinara ko na ang sliding door.
"Please huwag ngayon..."
Pag gising ko ng umaga nag ayos na ako at kumain. Nakasimangot naman bumaba ng kwarto itong pasaway ko na kapatid.
"Break na kayo ni Spongebob?"
Nakangiti pa ako habang tinatanong ko sya.
"Oo break na break wala na kaming summer break kapag hindi pa namin nagagawa ang short film namin kuya."
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...