Part 77: When I Look in to Your Eyes

638 18 0
                                    

"Bro nagmamadali ka ba umuwi?"

Tinapik ako sa balikat ni Pao. Pagkatapos ng klase lumabas na agad ako.

"Oo may gagawin pa ako."

"Eh kala ko ba gagawa kayo ng project sa library?"

"Uumpisahan ko na sa bahay para unti na lang gagawin bukas."

"Leader na leader ah. Ikaw na Kyle sige mauna na din ako."

Paglabas ko ng gate nandoon na si mokong hindi na ako nagdala ng kotse ko dahil sabay kami pumasok kanina. Pinagbuksan nya ako ng bintana ng kotse nya.

"Tapos na klase mo?"

Tanong ko sa kanya. Tumango lang naman sya.

"Tara na?"

"Saan ba tayo pupunta?"

"Road trip."

"Kala ko ba sa bahay mo?"

"Road to forever ang pupuntahan natin."

Sabay sparks ng mga mata nya na parang nagtitwinkle na nakatingin sakin. Lanya walang oras o segundo talaga hindi ako pinapakilig ng lalaking ito sa mga banat nya.

"Iyang mga banat mo na naman... Kala mo nakakalimutan ko na hindi ka nagpaalam sakin nung umalis ka nalang basta sa bahay."

"Sorry na iyon nga kasi pinaghandaan ko iyong panghaharana ko sa baby ko. Iyong gitarang ginamit ko hiniram ko kay Brian nasira kasi iyong isang string ng gitara ko eh kaya ayun."

Para tuloy syang batang nagpapaliwanag dahil sa mabigat nyang kasalanan eh. Ang cute naman ng mokong ko na ito.

"Sinabi mo na lang sana sakin para hindi ako nag alala sayo."

"Eh surprise nga diba."

"Pasurprise ka pa dyan tara na nga."

Pumunta kami sa mall. Namili kami sa market store ng karneng baka na lulutuin nya daw na kaldereta. Hmm marunong kaya ang mokong na ito oh baka ako lang din ang magluluto nun. Sinamahan ko na lang sya mamili kasi hindi nya din naman alam kung anong mga ingredients basta gusto nya daw iyon ang lutuin nya.

"Oh san ka nagpunta?"

Tanong nya sakin ng makaharap ako. Nasa counter na sya ng umalis ako buti na lang hindi pa naman tapos icheck sa billing ang mga pinamili namin.

"May afritada ba na walang afritada sauce?"

Napatingin sya sa hawak ko saka ko na iyon sinunod sa billing. Matapos mamili umuwi na din kami sa bahay nya.

"Ang galing mo talaga Kyle. Oo nga naman may afritada ba na walang afritada sauce? Hahaha."

"Baliw ka eh. Masyado mo kasi iniisip ang lulutin mo dapat isipin mo din kung paano mo iyon maluluto ng kumpleto ang recipe."

Nagtatawanan kami habang inihahanda ang lulutuin.

"Ikaw kasi eh."

"Bakit kasalanan ko pa eh ikaw nga itong nakalimot doon buti nakita ko sa counter kanina na parang may kulang."

"Ikaw kasi hindi ako nakapag focus kasi nasayo lang buong atensyon ko kanina."

Napatingin ako sa kanya. Hilig talaga nya bumanat ng walang sa oras eh pero sh*t kahit sino naman kikiligin sa ganitong lalaki. Bumabanat din naman ako pero hindi nga lang kasing galing magpakilig ng lalaking ito. Hays lintik na mokong na ito swerte ko lang at mahal na mahal nya ako at mahal na mahal ko din sya.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon