Dahil nanalo sa contest ang magaling kong kapatid nagpatreat pa sya sakin at nandito kami ngayon sa isang Korean restaurant na gustong gusto nya.
Kasama din namin si Tan kahit naiinis ako sa kanya ngayon dahil hindi nya sinasagot ang tinatanong ko sa kanya.
"At dahil din sa tulong mo TanTan oppa may ibibigay ako sayo thank you gift."
May inabot si Nate kay Tan na regalo at binuksan nya iyon agad. Tshirt ang laman na may tatak na branded tulad ng paborito kong tshirt na pinabili ko pa noon kay mommy sa New York.
"Eh may ganyan din ako dapat iba binili mong design Nate."
"Ano ba kuya okay lang iyan bestfriends naman kayo okay lang na parehas kayo ni kuya Tan. Ang cute nga eh bagay sa kanya oh. Lalo syang gumagwapo."
"Mas gwapo pa ako sa lalaking iyan noh. Tsss..."
Kumain na lang ulit ako.
"Ako dapat ang magreregalo sayo eh dahil nanalo ka. Di bale next time labas tayo para kumain."
"Omo jinjja oppa? I mean really I can't wait oppa kelan ba?"
"Free ako sa saturday."
"Sure. This is my first date to my oppa oh my G!"
Sinamaan ko ng tingin itong si Nate hindi ba sya nahihiya sa ibang tao pinagtitinginan sya parang baliw.
"Date ka dyan ayokong ipagkatiwala ka sa lalaking iyan."
Napalitan ng lukot na mukha ang mukha nya at nakatingin sya sakin ng tila nagagalit.
"Ano ba kuya napaka ano mo! Kala mo ibang tao si kuya Tan. Ang bait bait ng tao ikaw itong hindi marunong mag appreciate."
"Oo nga at sister ko naman na si Nathia kaya okay lang. Kung gusto mo sumama ka samin para wala kang ikabahala."
"No oppa ayoko kasama si kuya."
Sumimangot sya sakin at tinarayan ako. Ayan siguradong hanggang da bahay ganyan na mood nyan.
"Ikaw Nate hah pag pinagbibigyan ka sumosobra ka. Sige pero huwag mong aasahan na may susunod pa iyan."
Nakasimangot pa rin ang itsura nya. Kasalanan din ito ng mokong na iyon eh.
Kung hindi lang namin long quiz ngayon hindi na sana ako papasok medyo hindi pa ako nakareview eh.
Nagpatulong ako magreview kay nerdy boy. Hindi muna ako pumunta sa upuan ko dahil nandun ang lalaking mokong na iyon na busy magreview.
"Bakit hindi ka na lang magpatulong sa witty genuis mong katabi bro?"
"Ayoko brad mayabang iyan hindi ko sya matitiis na makasundo."
Dumating na din si Ma'am at saka ako bumalik na sa upuan ko. Nilabas ko na ang papel ko.
Sh*t nasaan ang mamahalin kong ballpen na tig 12php sa canteen?
"Start your quiz."
Hala lintik na ballpen ko wala akong gagamitin!
Napatingin ako sa desk ko. Nilagay ng mokong kong katabi ang ballpen na ginagamit nya kanina at naglabas ulit sya ng ballpen nya.
"Hindi kasi nagdadala ng extrang ballpen."
Sinamaan ko lang sya ng tingin kayabangan nya talaga jusko.
Pumunta muna ako sa mall bago umuwi at nagwithdraw ako sa bangko na hinulog ni dad kahapon.
Bumili na din muna ako ng mga pagkain namin. Palabas na ako ng mall ng mapahinto ako.
"Nice to see you again Kyle.".
Sa dinami dami ng babaeng makikita ko ulit sya pa ang makakasalubong ko dito.
"Shoping? Kamusta ka na marami ka na bang naikamang babae bukod sakin?"
"Look I don't have time to your non sense talks Hydee gabi na uuwi na ako wrong time of meeting you again."
Lalagpasan ko palang sana sya pero nakatanggap ako ng malutong na sampal sa kanang pisngi ko mula sa kanya. The heck!
Tumingin ako sa kanya ng masama at mas matalim naman ang tingin nya sakin. Kahit babae sya papatulan ko sya pasalamat sya at nasa mall kami.
"After ng ginawa mo sakin pinagmukha mo akong tanga infront of my parents? I never forget that moment Kyle."
Halos madami na ang nakatingin samin ngayon. Sumusobra na ang babaeng ito ah.
"Ito naman para sa pagiging tanga ko sayo..."
"Hey let me go."
Nabigla ako ng makita ang mokong na si Tan. Hawak nya ang kamay ni Hydee na isasampal nya sana sa kaliwang pisngi ko.
"Respect your dignity. You are in a public place to act like this. In short kababae mong tao Miss mahiya ka sa sarili mo."
"Who the hell are you?"
"Its not important I'm just saying that your a girl. Huwag kang mag iskandalo sa public places."
Galit na umalis si Hydee. Susubukan nya din sanang sampalin si Tan pero hindi nya na natuloy dahil sa mga tingin nyang nakakatakot na naman.
Ipinasok ko na sa likod ng van ang mga pinamili ko medyo madami din at isinantabi ko sa gilid anh cart na ginamit ko sa mga pinamili ko.
"Wala man lang thank you?"
Nabigla na naman ako dahil nandito pa pala ang mokong na ito?
"Thank you"
Medyo walang gana kong sagot sa kanya.
"Babaero ka noh?"
"Pake mo?"
"Iyan napapala ng mga babaero eh naawa lang ako sa babae dahil hindi magandang nag iiskandalo sya dito."
"Alam mo hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sayo. But never mind aalis na ako."
Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at pinaandar ko na iyon.
"Ingat bro..."
Anong sumapi sa lalaking iyon? Bro? Hindi kami close sorry sya. Hanggang maiatras ko ang sasakyan eh nandun pa rin sya sa kinatatayuan nya na nakatingin lang sakin papaalis. Sinaniban na naman ang lalaking iyon ng hindi ko alam kung anong klaseng kaluluwa.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...