Pagkaupo na pagkaupo ko sa upuan ko lahat ng mga tingin ng mga kaklase ko ay nakatuon sakin. Ngayon lang ba nakakita ng pogi ang mga ito ang tagal na naming magkakasama sa room? Tsss.
Hinanap din ng mga mata ko si nerdy boy pero wala sya. Si mokong naman ayun late na naman panigurado kakatawag ko lang sa kanya kanina na nandito na ako pero ayun humihikab pa ang loko. Lately din parang iba ang kinikilos ng lalaking iyon lahat na ata ng mga hindi ko nakikita sa kanya nakikita ko iyong malayo sa kanya. Ayoko naman muna pangunahan ang nasa isip ko kaya hindi ko pa sa kanya nababanggit ang tungkol doon dahil baka naman nasa isip ko lang iyon at hindi naman talaga totoo.
Madalas pa naman kami magkasama. Sabay kumain sa canteen kasama si nerdy boy at sabay umuuwi. Kapag may free time din nasa library kami lagi magkasama at naghohome study kami sa bahay o kaya sa bahay nya minsan. Sanay na ako na kasama ko sya lagi araw araw, oras oras. Pati nga paghinga at pag utot ng mokong na iyon kabisado ko na pero lahat ng iyon ay parang nagbabago nitong mga nakaraang araw lang. Hindi pa naman ako napaparanoid diba? O baka naman sadyang sobrang mahal ko lang sya kaya kung ano ano naiisip ko sa kanya. Never ako nagduda sa pagmamahal nya sakin dahil alam ko mahal na mahal nya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Lagi ko na lang nga iniisip tuwing gabi na magkakahiwalay na kami matulog dahil hindi naman pwedeng palagi kami magkasama hanggang gabi na sana mawala na itong pag aagam agam ko sa nararamdaman ko sa kanya. Ayoko masira kami ng dahil lang sa hinala ko, sa maling hinala ko. SANA.
"Kung seryoso ang prof natin kanina sa tinuturo nya kahit hindi naman maintindihan mas seryoso pala ang katabi ko dito ang masaklap lipad pa ang utak. Matino pa kaya ito? Hindi naman sana nagshashabu ang taong ito Lord."
"G*go! Ako nagshashabu mukhang ikaw pa nga ang nagshashabu sating dalawa eh."
Binatukan ko si nerdy boy kala nya hindi ko sya naririnig eh kanina pa nga sya daldal ng daldal tungkol sa prof namin na walang kwenta magturo eh. Hindi ko lang sya sinasagot dahil pinipilit ko na lang intindihin ang lesson namin tulad ng pilit kong pag iintindi ngayon sa pag uugaling pinapakita sakin ni mokong, sa relasyon namin ngayon.
"Wala lang kasi si Thunder para ka ng nakashabu dyan na nakatunganga lang sa labas."
Sya ang katabi ko pero hindi sya pumasok kaya si nerdy boy ang katabi ko ngayon nalate lang sya ng konti. Papasok sya ang sabi nya kanina at akala ko malelate lang sya pero wala hindi sya pumasok. Tinatawagan ko sya pero hindi nya lang sinasagot ang phone nya. Kapag ako nainis talagang makakatikim na sakin ang lalaking iyon eh.
Pumunta muna ako sa mall pagkatapos ng klase ko. Gusto ko man lumabas ngayon kasama ang mokong na iyon pero hindi nya ako sinasagot sa mga tawag ko sa kanya. O baka naman may ibang pinagkakaabalahan ang taong iyon? Malaman ko lang talaga kung ano iyon itago nya na ang sarili nya sakin dahil baka hindi na talaga ako makapagtimpi pa sa kanya. Mainipin ako at mainitin ang ulo pero nawala iyon dahil napagbaho ko ang sarili ko dahil sa kanya pero lintik binabalik nya ata ang dating ako ah.
*riiiing*
"Bunch? Sorry hindi ako makakalabas ngayon. Nalowbat phone ko kanina pag gising ko. Pasama ka na lang kay nerdy boy."
"Okay."
"Ingat kay---"
*tooot tooot tooot*
Hindi ko na sya pinatapos magsalita. Ganyan naman ang lalaking iyon parang walang gana amkipag usap sakin or parang minsan nagmamadali lagi. Ano na ba nangyayari talaga sa taong iyon? Wala akong maisip na dahilan para magbago ang pakikitungo nya sakin at sana naman hwag na maapektuhan pa ang samahan namin dahil kapag nangyari iyon hindi ko na alam kung maisasalba pa namin ang relasyong mayron kami. Kung ako kakayanin ko pero kung sya na mismo ang bibitaw hindi ko na kaya.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...