"The heck!"
Inayos ko agad ang buong gamit ko at ang kama ko. Tumungo agad ako sa banyo para maghilamos ng mabilisan. Wrong timing naman sila dumating kung saka nandito ang mokong na ito.
"Kung tumalon na ako pababa?"
"Baliw ka ba. Makikita ka nila mula sa salas."
"Saan ako magtatago?"
"Kuya? Hinahanap ka ni daddy."
Lalong kumakabog ang dibdib ko. Natataranta tuloy ako na hindi maintindihan. Ano bang gagawin ko?
"Bunch..."
Saka lang ako natauhan ng hawakan ako ni mokong sa pisngi ng kanyang dalawang palad. Ngiti nya pa lang nawawala stress ko pero kapag naiisip ko muli ang susunod na mangyayari tingin ko hindi ko kakayanin.
"Relax. Kaya natin ito. Okay?"
"Paano kung hindi?"
"Parang finding something treasure lang yan eh. Kung nagawa natin noon na mahanap ang baul ni lola kahit delikado diba. Magagawa din natin malagpasan ang pagsubok natin ngayon."
Lumakas ang fighting spirit ko dahil sa sinabi nya. Tama sya makakaya din namin ito. Kailangan lang namin pagtibayin ang loob namin para maresolba ang kung anong papasukin namin.
"Kaya natin ito. Tayo pa ba diba parang ilang beses na tayo dumaan sa mga problema."
Inakbayan nya ako habang hawak nya ng mahigpit ang isang kamay ko na tingin ko nalalamig na sa kaba.
"Cheer up bro. Kaya natin ito."
"Anong gagawin na natin ngayon?"
"Ako na bahala."
Sobrang halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon.
Palabas palang ako ng kwarto ng bumukas na ng kusa ang pinto at bumungad sakin ang nakangiti na si mommy.
"I'm so sorry sweetheart. Nadelay ang flight namin ng daddy nyo last month pa. Katatapos lang ng project proposal ng company ng dad nyo kaya gusto nya muna mag bakasyon dito kasama nyo at para na rin maicelebrate ang approval ng project nya."
Biglang ganti niyakap ko si mommy ng mahigpit. Namiss ko sya ng sobra sa tagal ng taon na hindi ko man lang sya nayakap muli. Parang dati lang kapag nakikita ko sya gusto ko magpakarga sa kanya ngayon malaki na ako may sarili na akong isip sa napakatagal na panahon hindi ko aakalain na kaharap ko na sya muli.
"How are you sweetheart? Namiss ko kayo ng baby sister mo."
"Mom stop calling me baby. I'm not baby anymore my God."
"Kami ang magkausap ni mommy doon ka muna okay?"
"Whatever. Naku talaga kuya..."
Sinenyasan pa ako ni Nate. Hays naalala ko na naman ang problema ko.
Binaling ko ang atensyon kay mommy. Umupo sya sa kama ko. Kahit sa tagal ng panahon wala parin pinagbago si mommy parang kasing age ko lang sya kaya minsan napagkakamalan din ng ibang tao na girlfriend ko sya kapag magkasama kaming dalawa. Alaga kasi si mommy sa katawan nya even growing older she always maintain her good looking younger.
"Look so young parin mom."
"Ofcourse sweetie. Kaya ang daddy mo naku todo bantay sakin iyan kaya kung saang bansa sya pumunta kasama ako."
"Daddy talaga. Nga pala mom may sasabihin sana..."
"What is that?"
Naputol ang sasabihin ko at pareho kami napatingin ni mommy sa may veranda.
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...