Part 58: Fight

607 16 1
                                    

"Here is your breakfast baby..."

Napamulat ako ng mga mata ko nang maaninag ko ang maliit na table sa may paanan ng paa at may mga pagkain na nakahain doon.

Bumangon ako at nag unat ng katawan. Napatigil ako ng makita ko ang mokong na ito nakaupo sya sa sofa at nakangiti sakin. The heck anong ginagawa nya dito?

Napansin nya na nagtataka ako sa kanya kaya tumayo sya at nilapit nya sakin ang tray ng pagkain.

"Kumain ka muna..."

Pinatong nya sa ibabaw ng mga binti ko ang pagkain. May strawberry shake at strawberry cake na nakahain basta lahat puro strawberry na paborito ko.

"Ikaw naghanda lahat nito?"

"Nope nagpatulong ako sa kapatid mo."

Tumikim ako ng strwaberry cake na grabe sa sarap. Nakita ko naman ang matamis na ngiti sa mga labi nya habang pinagmamasdan akong kumakain.

Kumuha din ako sa plato ko at sinubuan ko sya.

"Ayoko ng ako lang kumakain."

"Aww. Ang sweet talaga ng baby ko."

"G*go oh kainin mo na."

"Yes sir!"

Sumaludo pa sya na kala mo sundalo tapos sinunggaban agad ang sinusubo ko sa kanya. Natawa pa nga ako ng bahagya dahil muntik pa sya mabulunan kaya binigay ko sa kanya agad ang syrawberry shake at ininom nya.

"Okay ka na?"

"Sh*t hindi lang talaga ako sanay na kinikilig habang kumakain."

Lanya hindi ko din alam kung makokornihan ba ako sa banat nya o kikiligin din. Naiinis ako mas magaling pala mangbola ang mokong na ito kaya hindi mo masasabing marami syang naging chix noon kaysa sakin eh.

"I love you baby..."

Parang napatigil bigla ang oras para sakin. Napansin ko din ang paghinto ng mga bagay sa paligid ko. Napatingin ako sa orasan na nasa side table ko nakahinto iyon pero gumagana naman ang battery nun ah. Hindi ko alam ang nangyayari ang alam ko lang ay huminto ang lahat para sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa isang salitang nakapagpabingi saking damdamin. Mula sa kanyang bibig nrinig ng aking dalawang tainga ang isang masarap na musika para sakin. Totoo ba ito alam ko hindi na ito panaginip pa o isang ilusyon.

"I love you too baby..."

"OH MY G! Kuya..."

Pumasok sa pinto ang pasaway kong kapatid. Nakatakip pa sya ng mga kamay nya sa bibig nya na parang shock na shock sa nakikita.

"Kuya..."

"Big sea monster brother..."

"Ano pa ba? Ahm... My brother of a wicked monster? Hahaha."

"Ano ba?!"

Napataas ang boses ko sa kanya dahil sa wrong timing na pang iistorbo nya.

"Hello... Are you there kuya? Kanina pa kita ginigising. Gising na!"

Wait. What? Kanina nya pa ako ginigising? What was it? A dream again? Sh*t napabangon ako ng hindi oras tapos napatingin ako sa paanan ko biglang nag sink in ang lahat sa utak ko ang pangyayaring iyon. Nananaginip na naman ba ako dahil sa mokong na iyon? Aaaargh! I hate it! Akala ko totoo na eh pero paano nga naman magkakatotoo iyon eh hindi ko pa nga nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon