Basang basa parin ako pagdating ko sa bahay. Hapon na rin ng umuwi ako. Dumiretso agad ako sa banyo para maligo.
Naguton ako sa ulan kaya bumaba ako para kumuha ng makakain sa ref.
"Ano kuya binasa ka ba ni kuya Tan? Buti naman dahil hindi mo sya pinuntahan kahapon."
"Tss. Aga mo ngayon ah."
"Eh sabi mo maaga ako. Baliw lang kuya?"
"Ewan ko sayo magbihis ka na nga."
Kumuha ako ng cookies at fresh milk. Umupo ako sa sofa at nanuod. Pagkatapos makapagbihis ng uniform eh kumapit na naman ang magaling kong kapatid sakin.
"Kuya I'm begging you please... Kung wala kang pakialam sa grades mo ako meron. Ayoko din na hindi makapag summer break so please help me with my project."
Hindi ko lang pinansin ang kapatid ko at nilipat ko sa kabilang channel ang tv.
"Pleaseeeee... My handsome, hot, cute, hunk oppa help me..."
At ngayon lumuhod na sya sa harap ko na nagmamakaawa at naka pray positon pa ang mga kamay. Nagpapaawa pa ang mga mata nya na parang anytime iiyak sya pag hindi ko pinagbigyan.
"Tss. Baliw ka ba? Anong love story ko ang gagawin nyo?"
"Yes kuya. Wala na kaming maisip na cliche story na may twist dahil kakaiba."
"Ayoko nga. Baliw ka ba alam mo naman kung anong klaseng story ang meron kami pareho kami ng gender anong cliche doon hah?"
"Kuya naman. Alam mo bang naisip ko sa story namin ang ending iibahin ko konti sa ending nyo ni kuya Tan ang ending eh mabubuhay pa rin iyong partner nya at magiging happy silang magkasama parin pero magkakaroon ng memory lost ang partner nya at hindi na sya matatandaan nito. Diba napaka ganda ng twist ng story dahil dito masusubok ang pagmamahaln parin nila sa isa't isa."
Napahinto ako sa mga sinabi nya. Nakaramdam ako bigla ng lungkot. Naaalala ko sya at parang gustong bumuhos na naman ng mga luha sa mata ko.
"Ahm sorry kuya... Nasaktan ata kita sige hindi ko na lang ipapakwento sayo ang story nyo ni kuya Tan."
Napasuklay ko ang dalawang kamay ko sa buhok ko at tumingala sa pagkakaupo ko sa sofa mula sa kisame.
"Nathia..."
Tuloy lang din sa pag akyat sa hagdan si Nate na parang nadisappoint ko pa sya. Nalungkot din naman ako para sa kanya. Alam ko kung gaano naging suportado samin ang kapatid ko noon na halos suwayin din nya noon sila papa dahil samin ni Tan.
"Nathia Francez..."
Saka lang sya napahinto sa pag akyat. Nang lumingon sya sakin ay sinenyasan ko sya na lumapit.
"Paano nyo gaganapin ang story namin. Pareho kaming lalaki may kaya bang gumawa nun sainyo?"
Tumango lang sya. Halata parin sa mukha nya ang lungkot.
"Okay sige ganito kung maging successful man iyang project nyo eh sana huwag mo na lang ipagsabi kung saan mo nakuha iyan ah. As a respect mo na lang samin ng kuya Tan mo lalo na sa kanya at wala na sya kung ayaw mong multuhin ka nya sige."
"Yes kuya."
"Sa kwarto tayo para maipakita ko pa sayo ang pictures namin..."
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...