Part 82: The Secret

420 11 0
                                    

Kyle Winston POV

"Bakit ba nakasimangot ka na naman sakin?"

"Baby?"

"Mahal."

"Kyle naman uyy... Ano ba kasi iyon?"

Tumayo ako sa kama at lumabas ako sa veranda. Inis lang naman ako na makipag usap sa mokong na ito. Oras oras naman simula ng umalis sya binabalitaan nya naman ako sa pag uwi ng probinsya. Isang bagay lang ang hindi ko maintindihan sa kanya.

"Ano na naman nagawa ko sayo sabihin mo."

"Bakit ngayon ka lang bumalik?"

Ngumiti ang loko parang nang iinis pa eh.

"May chocolate ako gusto mo?"

Inabot nya sakin ang hawak nya pero hindi ko sya pinansin.

"Oh susubuan kita. Say ah baby..."

"Tigilan mo ako dyan TanTan."

"Seryoso ah. Ano ba kasi talaga ang nagawa ko at ganyan ang mood mo sakin?"

Seryoso ako humarap sa kanya habang ngumunguya sya ng chocolate na paborito nyang kainin. Buti hindi talaga tumataba ang mokong na ito eh.

"Bakit ngayon ka lang umuwi?"

"Aww. Kala ko ba nagkasundo na tayo sa pagbalik ko dito kahapon?"

"Nagkasundo? Ang sabi mo dalawang araw ka lang doon. Ngayon ka lang umuwi hindi mo pa ba nakikitang naiinis na ako sayo kagabi? Dapat isang linggo ka na lang doon. Tsss."

Sinamaan ko sya ng tingin at saka ako umupo. Kagabi pa kami nagtatalo ng lalaking ito eh. Una hirap ko sya matawagan sinasabi nyang mahina ang signal, pangalawa ang sabi nya mauunang uuwi ang Brian na iyon dito tapos sabay din naman pala sila umuwi kanina. At pangatlo ang sabi nya uuwi sya kagabi pero ngayon lang sya hapon bumalik dito.

"Sorry na kasi naman eh. Hirap nga makahanap ng magandang signal doon."

"Ganda ng usapan natin hah."

"Sorry na... May pasalubong ako sayo para hindi ka na magtampo dyan."

Bumaba sya at kinuha ang bag na dala nya. Dinadaan din talaga ako nito sa pagkain eh.

"Strawberry with honey flavor cake at straberry shake na dito ko na binili sa mall. Alam ko matakaw ang mahal ko eh. Sorry na."

Kinuha ko agad ang mga pagkaing dala nya. Basta pagkain at paborito ko kasi eh.

"Sorry na? Uyy..."

"Gusto ko ng strawberry na yogurt."

"Ilan? Sige bibili ako."

"Dalawang karton."

"Seriously?!"

Binaba ko ang kinakain ko sabay tingin sa kanya ng matalim. Aba may kasalanan sya dapat nya lang ako sundin kung gusto nya magkaayos kami.

"Sabi ko nga bibilhan kita diba. Pero dalawang karton talaga?"

"Bingi ka ba kakasabi ko lang diba?"

"Ito naman alam ko galit ka sakin pero seryoso ka talaga sa dalawang karton? Anong gagawin mo sa dami ng yogurt na iyon? Eh baka masayang lang kapag..."

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon