Part 75: Love Conquers All

549 15 0
                                    

Napahinto ako sa paglalakad ng mapatingin ako sa kabilang side ng hallway papunta sa field. Galing ako sa library para gumawa ng research paper ko. Binigyan ko na nga ng rules ang mokong na ito hanggang ngayon hindi parin marunong sumunod.

Sinundan ko sila ni Brian hindi ko alam kung saan sila pupunta basta habang naglalakad sila ng mabilis sinusundan ko lang sila ng patago. Nagtataka nga ako kung bakit ang bilis bilis nila maglakad na parang may hinahabol e. Huminto sila sa gilid ng basketball court pagkatapos sa may cr. Hanggang sa likod ng campus. Kung saan walang katao tao doon.

Umupo sila sa isang mahabang putol na sanga ng puno na nasa lupa. Nasa pinakadulo naman ako habang sumusulyap sa kanila. Habang pinagsmamasdan ko sila nakikita ko na nagtatawanan sila at kung ano ano ang pinag uusapan. Medyo malayo ako sa kanila kaya hindi nila ako mapapansin at hindi ko maririnig ang mga usapan nila. Bakit ba ang saya saya ng dalawang ito tapos naglabas ng pagkain si Brian inumin naman sa mokong na iyon.

Aba picnic ba ito sa likod ng campus? Pansin ko na lalo silang nagtatawanan napapasarap ang kulitan ng dalawa na parang mga bata na ngayon ko na lang ulit nakita sa mukha ng mokong na iyon ang tuwa.

Ang saya saya nya hah. Hindi pala talaga marunong tumupad sa usapan ang taong iyon. Kakahupa lang ng galit ko sa kanya ngayon dadagdagan na naman nya.

Pagkatapos ng klase ko lumabas na agad ako ng gate. Sumakay ako ng taxi at pinuntahan ko ang kotse ko sa talyer na pinaayos ko noong isang araw. Pagdating ko sa bahay hinagis ko ang bag ko sa sofa at humiga.

*riiiiing*

*riiiiing*

*riiiiing*

Saka sya tatawag ngayon. Bwiset na mokong iyon naiinis na naman ako sa kanya. Hinayaan ko lang mag ring ang phone ko. Magsawa sya kakatawag.

Umakyat ako sa kwarto ko at nilabas ang damit ko. Nagshower ako ng ilang minuto halos sa cr ako nagtagal eh. Naiinis ako na nakatibgin lang doon sa salamin. Iniisip ko na mukha ng mokong na iyon ang nakikita ko tapos sisigawan ko sya sa sobrang inis ko sa kanya.

Pagmakita ko lang talaga ang taong iyon babanatan ko sya sa mukha nya. Nng makita nya ang hinahanap nya. Hindi talaga marunong iyon sa matinong usapan namin.

"F*ck!"

Napasandal ako sa pader paglabas ko ng banyo. Napakalakas ng impact ng pagkasandal ko doon at ramdam ko parang nabalian ata ako ng buto sa likuran ko.

Nakakulong ako sa mga kamay ng mokong na nasa harapan ko. Nasa kaliwa ko ang kanang kamay nya na nakasandal din sa pader at nasa kanan ko ang kaliwa nya din na kamay. Isang napakaseryosong ekspresyon ng mukha ang bungad nya sakin.

"Anong itsura iyan?"

"Kanina pa ako tumatawag sayo bakit hindi ka sumasagot?"

I feel the coldness of his tone. Iyong taong parang ang bigat ng kasalanan mo sakanya tapoa pinapagalitan ka ng sobra. Sya pa ang may ganang magalit ah.

Tinaasan ko sya ng isang kilay at tinignan ko lang sya ng diretso sa mga mata kahit medyo nakakatakot iyon kung makatingin sakin ngayon.

"Nakasilent phone ko."

"Kailan pa nakasilent ang phone mo? Diba naka vibrate iyan always kahit sa school."

"Hindi ko naramdaman na nag vibrate. Umalis ka nga sa harap ko hindi pa ako nagbibihis."

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon