Part 53: Pictures

562 21 1
                                    

Tinawagan ko si ate Sonya at nagpaalam akong hindi ako makakauwi ngayon. Tinatawagan kasi ako ni Nate at tinatawagan nya din si Tan sinabi ko lang na sabihin nyang hindi nya alam kung nasaan ako. Mangungulit lang ang babaeng iyon.

Pagdating ng hapon wala kaming ginawa kung hindi ang mag isip ng malalim kung ano ang makikita namin sa kwarto ni lola. Nahihiwagaan ako na dinadaga ang puso ko sa kaba at pangingilabot.

Paikot ikot kami sa kwartong ito ngunit wala kaming ibang makita na may kinalaman sa baul na dala namin. Hanggang sa mag gagabi na paramg dati ulit ay nagsindi ako ng kandila. Buti na lang ay nagdala ako ng pagkain kung sakaling gabihin kami at ngayon ay dito pa nga kami matutulog ng hindi ko inaasahan.

"Kung alam ko lang na dito tayo matutulog ay sana nagdala na lang ako ng tent para sa labas na ako natulog."

"May kwarto pa dito oh. Doon ka matulog pero ngayon..."

Tumingin sya sakin ng nakataas ang isa nyang kilay. Nakakabakla pero natatakot kasi ako matulog dito mag isa eh gusto ko may kasama kahit sa upuan pa ako matulog may kasama kang ako dito. Naduduwag ako ngayon sa takot si lola kasi eh.

"Natatakot ka baby? Sure dito na din ako matutulog para hindi ka matakot."

"G*go doon na lang ako sa upuan matutulog."

"Hwag na dyan ka na lang sa kama ng lola mo."

"Ayoko nga mamaya hindi ko mamalayan katabi ko na pala sya. Natatakot ako sa kanya."

"Hahaha. Matatakuti  ka talaga."

Sarap sikmurain ng mojong na ito para tumigil sa kakatawa na mapang asar. Bwiset kung hindi ko lang kailangan ng kasama dito eh.

"Gusto mo tabi na lang tayo sa kama?"

"Ano ka hilo? No way."

Sabay tayo ko at umupo ako sa upuan sabay pikit. Naramdaman ko namang parang may malamig na hangin na dumampi sa kamay ko. Napamulat agad ako ang akala kong ang mokong na iyon ang humawak sakin pero hindi.

"Oh natakot ka na dyan agad ah."

"F*ck wala ka ba nararamdaman ditong kakaiba?"

"Wala naman bukod sa kakaibang nararamdaman ko sayo."

Nagpintig ang tainga ko sa lalaking ito. Bwiset hilig nya bang bumanat ng waley naman. Tsss.

"Bahala ka nga dyan."

Dumapa ako sa kama habang ang mga mata ko ay nakatitig sa baul na nasa tapat ng kama. Tumabi naman din sakin ang mokong na ito at dumapa din habang nakaharp sakin.

"Ano ba iyong pinapahanap sayo dito ng lola mo?"

"Hindi ko nga din alam eh. Ang sabi ni mang Greg matulog lang daw ako dito. Sana kung pag natulog ako dito mananaginip ako na nahanap ko na ang pinapahanap ni lola para kinabukasan alam ko na kung nasaan iyon."

"Ako pala ang nagbigay ng number mo at ng address ng bahay nyo sa kanya."

Napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Pamangkin ako ni uncle. Pinsan nya ang papa ko."

"Bakit hindi mo sakin sinabi noon pa?"

"Sinusungitan mo ako eh at mas naging focus ako sa mission sakin ni lolo."

Napabuntong hininga na lang ako saka ko binaling ang mga tingin sa baul.

"Iyong utang mo pa sakin ibigay mo na lang kay mang Greg kung ilan ang kaya mo lang iyong iba kahit hwag mo muna bayaran kung hindi mo pa mababayaran sakin."

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon