Part 104: I Love Him for what he is

386 14 0
                                    

Balik pasukan muli second semester at magkaklase na kami ni mokong. Sabay na din kami nag enroll para sure na magkaklase kami ngayon.

Hawak hawak ko ngayon ang bewang ko paglabas ko ng banyo. Jeez. Para akong tanga na nakahawak doon habang iniinda ang sakit nun. Bwiset na mokong na iyon kasi nakailang beses nya akong ginahasa I should say dahil sa walang awa nyang maglabas pasok sa kabuuan ko.

Nakailang angal na ako nun sa kanya pero hindi nya lang ako pinapansin at sa tuwing parang gusto ko na syang sapakin ayun dinadaan ako sa mga halik nyang hayok na hayok sakin. Tsss...

Malibog talaga ang lalaking iyon. Lintik naman din kasi ako gusto ko naman. Sa ilang beses na naman iyon nagawa hindi ko na nagagawang mandiri o mailang sa ganung bagay. Naiisip ko lang minsan may mga tao din kayang proud pa sila sa mga the same partners nila na ginagawa nila iyon?

"Late ka na buti late pa din si sir ngayon."

"Hayop ka eh. Ayaw mo paawat kagabi. Tsss."

Imbes na maawa eh tinawanan lang ako ng loko eh. Napatingin ako sa kamay nya na ipinatong nya sa mga balikat ko. Talagang walang awa sakin ang lalaking ito. Masakit din ang buong katawan ko kung alam nya lang.

"Iyong dalawang babae sa harap natin kung makatingin sayo wagas eh."

Tinaasan ko na lang sya ng kilay. Hays kaseloso ng boyfriend ko.

"Tsansing ka lang kamo."

"Isa na din iyon. Hehe."

Natapos ang buong klase kumain kami ni mokong sa canteen nakisabay na din samin si nerdy boy.

"Nga pala nasaan na si Brian? Hindi ba natin sya kaklase ngayong sem?"

Tanong ko. Hindi ko na kasi nakikita ang lalaking iyon simula magpasukan ulit eh.

"Lumipat na sya. Lumipat din kasi sila ng bahay nila eh malayo na iyon dito sa university kaya ayun."

"Ah..."

Katulad ng dati may time parin na naghuhunting ako ng mga chix na babae. Lalo na sa mga tourism at flight attendant na mga kurso doon ang puntirya kong mga babae.

Syempre ginagawa ko lang iyon kapag wala si mokong. Haha. Dito ako ngayon dumaan sa building nila para may makita naman akong magaganda puro nalang kasi gwapo ang nakikita ko kapag nakaharap ako sa salamin at kay mokong eh.

"Miss nahulog mo."

Lumingon sakin ang isang babae na nakita kong nahulog ang panyo nito. Inabot ko sa kanya ang panyo nya at ngumiti naman sya.

"Thank you."

"Your'e so welcome. By the way sa kabilang building ka ba pupunta?"

Tumango lang naman sya na nakangiti parin sakin.

"Pwede ba makisabay na lang sayo?"

"Sure..."

Lalo lumapad ang ngiti nya sakin at sabay na kami naglakad. At pagtapat sa floor ng room namin nakaabang doon si mokong at nerdy boy.

Nagwave na ako kay Pia na napag alaman ko na pangalan nya at isang syang second year tourism student.  May inabot pa sya sakin at pagtingin ko doon ay isang papel na nakasulat ang number nya. Tsk tsk. Iba talaga ang habulin.

"Kanina pa kayo dyan?"

Tanong ko sa dalawa. Hindi ko na sinubukang tumingin sa mga mata ng mokong na ito dahil alam ko napakaseryoso ng mga tingin nya sakin. Sorry habulin talaga boyfriend nya eh.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon