Part 36: Poor Mind of Nate

659 13 0
                                    

Nathia Francez POV

Bad mood ako sa babaeng bestfriend noong highschool ni TanTan oppa. Obvious naman eh dahil ayoko sa kanya kahit mukha naman talaga syang mabait. Kung makadikit kasi kay TanTan oppa napaka clingy nya. Older brother na rin talaga ang turing ko kay TanTan oppa pero noong una ko sya ulit nakita after how many years. Aaminin ko naging crush ko sya agad dahil sa laki ng pinagabago nya.

Para syang pinaghalong Lee Joon Ki at Lee Min Ho at lahat na ng Korean oppa's ko kamukhang kamukha nya. Sobrang gwapo at ang hot nya puls ang lalaki pa ng mga muscles nya like a hunk model na isang underwear indorsement. Sa kanya lang ako nakaramdam ng sparks kapag natititigan ko sya sa mga mata.

Kung anong ikinagwapo ni kuya mas gwapo sya siguro isang paligo lang ang lamang nya kay kuya. Hahaha. Pero talagang nainlove ako noon sa kanya kaso naalala ko parin ang turing ko sa kanya noong mga bata pa kami. Pareho ko silang kuya ni kuya Kyle.

Ayaw ko sa Yana na iyon dahil kahit maganda sya mas maganda naman ako sa kanya. Napaka clingy nya eh habang nakakapit sya sa braso ni TanTan oppa kung alam nyo lang napakalagkit ng mga tingin nya kay kuya. Napansin nya nga na nakatingin ako sa kanya eh kaya sabay bawi nya ng tingin kay TanTan oppa.

Haaay. Maloloka ako sa babaeng iyon kala ko naman makakasundo ko sya tutal parang pareho lang kami ng standards sa mga girly thing parang may pagka american style kasi sya na hilig ko din naman pero korean style pa rin talaga ako.

Pagkatapos ko nag ayos ng mga gamit ko. Lumabas muna ako ng kwarto para hanapin sila kuya. Pagbukas ko nga lang ng pintuan eh si Yana ang bumungad sakin.

"Nakita mo ba ang kuya ko at si TanTan oppa?"

Diretso kong tanong sa kanya. Nginitian nya ako at nginitian ko din sya pakitang tao.

"Lumabas sila ng bahay sa likod sila dumaan baka pumunta sila sa palaisdaan."

"Okay."

Sabay lakad ko papunta sa likod. May nakita naman akong matandang babae siguro lola ni TanTan oppa. Nakaupo sya sa isang tumba tumba habang may hawak hawak na isang sisiw at iyong dalawa pang sisiw nakapatong sa daster na suot nito.

Papansinin ko sana si lola kaso mukhang hindi nya din naman ako napansin kahit kitang kita nya na ako dahil hindi din naman sya lumingon sakin.

Naglakad lakad ako sa likod hanggang sa makita ko din ang dalawa.

"Aray ang sakit naman..."

Pinunasan ng panyo ni TanTan oppa ang binti ni kuya na may tumutulong dugo. Anong nangyari sa kanya?

"Sorry baby."

"G*go ka umalis ka nga dyan at maglalakad na lang ako."

Pumilit na tumayo si kuya pero hindi rin sya nakatayo napaupo ulit sya sa damuhan.

"Hwag mo muna pilitin ang sarili mo baby."

"T*ng *n* tigil tigilan mo nga ako dyan. Hindi ka nakakatuwang mokong ka."

"Cute nga eh. Iyan ang tawagan natin kapag sa harap nila mama at lola hah baby."

Tinabig ni kuya ang kamay ni TanTan oppa sa pagpupunas nito sa sugat niya. Sandali anong meron sa dalawang ito may relasyon ba sila? My God para kong nakita si Lee Jong Suk oppa ko in personal sa pagkagulat at hindi makapaniwala.

"Nagpapractice na nga tayo eh para wala ng ilangan mamaya. Okay baby?"

"G*go ka. Tumayo na nga tayo bwiset ka lang eh."

Inalalayan ni TanTan oppa para tumayo sa damuhan si kuya. Pero mas nanlaki ang mga mata ko nang matumba silang dalawa. Hindi ko kinaya ang pwesto nila ngayon. Nakaibabaw si TanTan oppa kay kuya sa damuhan.

Halos mapasigaw ako sa pagkabigla. Ang dalawang gwapong nilalang sa harapan ko ay parang mag asawang gagawa pa lang ng milagro sa kama. Oh my God my poor mind kung ano ano nang naiimagine dahil sa nakikita ko. At the same time kinikilig ako dahil bagay naman sila pero what the... They are both hunk guys na napakaimposible kung magkakatuluyan silang dalawa.

"Mamaya na tayo umuwi."

"Hey anong gagawin mo?!"

"Ngayon lang promise last na ito."

"G*go ka pumayag ako sumama sayo hindi para makipaglokohan sayo para tulungan ka sa misyon mo kaya tigilan mo ako."

"Promise kahit ngayon lang. Naaattempt na ako ganito pa position natin."

Unti unti lalong nilalapit ni TanTan oppa ang mukha nya kay kuya. Si kuya naman dahil hindi makagalaw sa pagkakadagan sa kanya ng malaking katawan ni TanTan oppa hindi sya makaiwas.

"OH MY GOD! PLEASE PRIVATE PLACE NAMAN GUYS."

Napapikit na lang ako ng mga mata ko at napasigaw dahil hindi ko na kayang makita pa ang susunod na mangyayari. Like I don't want to hurt my self I like TanTan oppa at hindi lang ako makapaniwala na sa sobrang gwapo nya sa gwapo din pala sya magkakagusto. I can't take it!

"Nate?"

Napamulat na ako at kita ko namang sabay pa silang nagsalita at gulat na gulat na makita ako. Agad sila tumayong dalawa kahit nahirapan si kuya inalalyan sya ni TanTan oppa makatayo.

"Nasa private naman kami eh hindi ko lang alam na malalaman mong nandito kami."

Natawang pagbibiro ni TanTan oppa.

"Tumigil ka ngang g*go ka."

Siniko naman ni kuya si TanTan oppa at nag act naman siTanTan oppa na kunwaring nasaktan kahit mahina lang naman ang pagsiko sa kanya ni kuya.

"M...may something ba kayong dalawa? Akala ko magbestfriends lang kayo. Hindi ko alam na more than pa pala doon..."

"Hey Nate that's not what you think. I'm going to explain everything later. Pero bumalik muna tayo sa kubo dahil lalo lang nadudumihan ang maganda kong binti dahil sa dugo sa sugat ko."

Sumunod na lang ako kina kuya. Hindi pa rin ako makaget over sa mga nakita ko sa kanila kanina. Makakaagaw ko pa si kuya kay tanTan oppa. Waaah! Ayoko nun.

Pagdating namin sa kubo pinaupo agad ni TanTan oppa si kuya sa upuang kahoy. Kumuha naman si Yana ng first aid kit sa isang kwarto ng makita ang sugat sa binti ni kuya.

"Kuya ano  bang nangyari sayo? Anong ginagawa nyo ni TanTan oppa sa palaisdaan?"

Umupo din ako sa tabi nya sa kabilang side si TanTan oppa naman hawak parin ang panyo upang matakpan sandali ang sugat ni kuya at matigil muna iyon sa pagdurugo.

"May pinag usapan lang kami tapos dumaan kami sa shortcut sa damuhan na talahib at doon nasugatan ang kuya mo."

Si TanTan oppa ang nagpaliwanag sakin lahat. Kumuha ng bulak si Yana at nilagyan iyon ng betadine saka pinahid sa sugat ni kuya. Aba pagentle pa sya magpahid ah paflirty? Aaaargh tigilan ko nga muna ang babaeng ito.

May gusto akong liwanagin sa dalawa kung may tinatago ba silang relasyon o ano? Naguguluhan ako sa kung anong meron sila.

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon