Zyruz Thunder POV:
Napaka ganda ng umaga ko sa tuwing ako ay magigising. Napakasarap kasi sa pakiramdam na ang taong pinahahalagahan mo ay nasa tabi mo. Kahit gaano ang kabigat ang hindi nyo pagkakasundo noon darating din iyong araw na magiging okay din kayo.
Hindi ako nagkamali na piliin ang taong alam ko hindi ako iiwan hanggang sa huli. Kahit malakas parin ang topak ng taong iyon iniintindi mo sya dahil importante sya sayo.
Nagiguilty nga lang ako ulit dahil hindi ko masabi sabi kay Kyle ang totoo tungkol sa aksidente ko ilang linggo na ang nakalipas. Itong kapatid nya naman kasi talaga ang may pakana ng lahat.
"Oh My G. My sea monster brother is calling... I can't take it TanTan oppa for sure pupunta dito si kuya."
"Hindi ka ba naman nagpaalam sa kanya eh."
Maayos naman na ang lagay ko at bukas din papasok na ako sa school. Hindi malaman ang nagiging reaksyon ni Nate habang tinititigan nya ang phone nya. Natatawa na lang ako na ewan sa kakulitan ng isang ito. Gustong gusto talaga nilang nagkukulitan sila ng kapatid nya. Naisip ko tuloy sana ganyan din kami ni kuya kahit maraming hindi pinagkakasunduan hindi pa rin kami maghihiwalay. Kaso wala eh kinalimutan nya na ang tunay nyang pamilya.
Wasak na talaga ang pamilya ko at ang tangi ko na lang tinuturing na tunay na pamilya ang magkapatid na ito at si Yana.
"Hindi ko masagot ang tawag ni kuya for sure magagalit na naman ito."
"Ako ang kakausap."
Binigay sakin ni Nate ang phone nya at ako ang sumagot sa tawag.
"Nasaan ka Nathia Francez?!"
Magsasalita na sana ako kaso nagsalita ulit si Kyle. Mukhang mainit na naman ang ulo. Tsk tsk.
"Paano ako makakaalis kung wala ka dito sa bahay hah? Nasaan ka at this evening?"
"Nandito sya sa bahay."
"Mokong?"
"Ganda talaga ng tawag mo sakin noh?"
"Kanina pa ba dyan ang kapatid ko?"
"Hmm. Hindi naman. Bawasan mo nga pagkamainitin ng ulo mo pagdating sa kapatid mo. Tinatakot mo lang sya eh pano sya susunod sayo."
"Okay whatever para kang si mommy."
"Dalhan mo kami ng pagkain pag punta mo dito hah."
Hindi na sya sumagot at binabaan lang ako. Kahit kailan talaga ang lalaking iyon mainit lagi ang dugo sakin at sa kapatid nya.
"Tatanungin nya kung bakit ako nandito? Kung bakit hindi ako nagpaalam sa kanya. Waaah. TanTan oppa you know naman si sea monster brother eh."
"Ako na ang bahala sa kanya. Kailangan lang iyan ng lambing. Lambingin mo sya at ako na ang kakausap sa kanya."
"So sasabihin mo na sa kanya ang totoo?"
"Yeah. I feel guilty so much. Ayoko madagdagan na naman ang galit sakin ng kuya mo. Thanks sa tulong mo."
"Malakas ka sakin TanTan oppa. Crush na crush kita eh kaso wala naman akong laban kay kuya yari lang ako dun."
"Tsss... Kung ano ano sinasabi mo."
"Anong sikreto nyong dalawa hah?"
Napatayo naman si Nate na nakaupo sa sofa kanina nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad agad si Kyle doon. Ang bilis naman nya ata nakarating dito?
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...