Part 106: Street Food Game

452 15 0
                                    

Kyle Winston POV


Nakangiti akong nakatingin lang kay mokong. Ewan ko trip ko sya titigan ngayon eh parang nasa paraiso ako ng kaligayahan makita ko lang ang mukha nya.

Napatingin sya sakin ng nakataas ang isang kilay na nagtataka. Parang gusto nyang tanungin kung bakit ako nakatitig sa kanya. Kinindatan ko pa sya na lalo nyang ikinanuot ng noo nya. Hahaha. Ang cute nya tignan ngayon.

Tumingin din sya sakin na nakalumbaba. Ngumiti ako sa kanya at kinindatan ko sya ulit.

"Moody ka talaga ano?"

Tanong nya pero kinindatan ko lang sya ulit sabay nguso. Sh*t nakakabakla. Ewww.

"You want it?"

No comment. Kinindatan ko lang sya ulit. Ikinabigla ko ng lumapit ang mukha nya sakin.

"Ano iyan lumayo ka nga may makakita satin."

"Nandito tayo sa field at wala naman masyadong tao at this time."

Hapon na at inaantay namin ang prof namin na ibigay samin ang record ng lesson plan nya na aaralin namin ni mokong kami ang inatasan nya mag ayos ng lesson plan nya na nagkalat kalat sa office nya dahil sa kaingayan namin kanina.

Madaya lang talaga ang nerdy boy na iyon kasama sya dapat dito eh. Dinahilan nya lang na may pupuntahan pa daw sila dinamay pa ang lolo nya ang sabi nya sakin noon patay na iyon. Siraulo talaga ang lalaking iyon.

"Eh bakit ba ang lapit ng mukha mo?"

"I attempt to kiss you right now bunch."

"Kiss your ass mokong. Nasa university tayo."

"Ang sweet mo kanina tapos ang tapang mo na naman moody ka talaga."

Nanlaki na lang ang mga mata ko ng nakawan nya ako ng halik sa pisngi ko. The heck na mokong na ito.

"Suplado."

Sabay layo nya sakin at binalik nya ang tingin nya sa librong binabasa nya. Hays uwian na nga nagbabasa parin ang taong ito.

Kinuha ko na lang muna ang phone ko at sinalpak ang earphones sa tainga ko at nahiga sa damuhan.

Now Playing: If I'm gonna fall in love
By: A Rocket to the Moon

Sinasabayan ko ang kanta sa isip ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang kamay ko na nakahiga. Napapikit ako dahil dinadama ko ang kanta.

Napamulat ako ng tanggalin ni mokong ang nasa isang tainga ko na nakasalpak.

"I'm hungry. Kain muna tayo."

"Tinatamad ako tumayo."

Sabay balik ko ng inalis nya sa isang tainga ko at pumikit muli.

"If I'm gonna fall in love its gonna be more than just enough,
I gotta get that old feeling...
I gotta get that old high...

If I'm gonna fall in love..."

Matapos ng kanta bumangon ako at hinila ang kamay ni mokong patayo. Nagulat man sya sumunod na lang din sya sakin.

Kumain muna kami sa ihawan na nasa labas ng university. Pumili ako ng isaw at babrbeque. Napatingin pa sya sakin ng isubo ko ang isaw. Aba kaarte ng mokong na ito ang sarap nga nun eh.

"Hindi ka kumakain ng isaw?"

"Nope. Madumi ang isaw ng manok at baboy noh."

The GUY who makes me SMILE (BoysLove)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon