Kyle Winston POV
Tumabi sa upuan namin si Tan habang nagkukwentuhan kami ng mama nya. Matagal na din simula ng makapagkwetuhan kami ng mama nya. Siguro noon ay ako ang laging umiistorbo sa kanya para makakwentuhan ko sya kapag wala si Tan kapag sumasama sya sa papa nya kapag nagtatrabaho.
"Ma... Ikaw ba alam mo ang sinasabi ni lola tungkol sa pinapahukay nya samin sa sementeryo?"
Sumeryoso ang mukha ni tita na nakatingin kay Tan. May nalalaman din kay sya tungkol doon?
"Sabi ng tatay noon sabihin ko sayo ang tungkol doon kapag may kasama ka. Tutal kasama mo naman itong bestfriend mo... Este itong... Boyfriend mo eh mabuti pa ngang sabihin ko na sayo."
"Ang natatandaan ko lang na sinabi noon ng lolo mo eh may makikita kayong isang bagay doon na sisimbolo sa inyong dalawa ng makakasama mo doon. Hindi ko alam kung anong bagay iyon."
Anong purpose kaya ng bagay na iyon para kaming dalawa ni Tan ang tumuklas nun? Napalitan ng pagtataka saming dalawa ang mga tingin ni tita.
"Kayo bang dalawa ay talagang..."
Nabigla ako ng hawakan ni Tan ang isang kamay ko na nakapatong sa mesa. Feeling of awkwardness talaga pero hindi ko nalang iyon pinahalata sa mama nya.
"Oo naman ma. Actually may pupuntahan po kami mamaya. Magdedate po kami sa..."
"Sementeryo?"
Mahinang sagot ko. Napatingin naman sya sakin na parang sinasabing mali ang sinabi ko at kailangan kong sumakay sa kanya.
"Sa labas lang po ma kaya gagabihin na kami lalo."
"S...sige mag iingat kayo kung saan kayo pupunta."
Tumayo na si tita pero hindi pa rin binibitawan ng mokong na ito ang kamay ko.
"Bitawan mo na ako."
Pabulong kong sinabi sakanya ng makatalikod na si tita. Pero ayaw nya gusto lang ako tsansingan ng lokong manyak na ito.
"Parang babae ang kamay mo ang lambot. Tamad ka sa inyo noh?"
Nilapit nya pa ang mukha nya sakin. Sinamaan ko sya ng tingin sa isip ko palang patay na talaga sya.
"Nga pala anak..."
Sa gulat namin na biglang lumingon muli samin si tita binalik ko agad ang pagkakahawak ko sa kamay ni Tan.
"Ano iyon ma?"
"Nakita mo na ba ang anak ng tita mo? Si Sabel kung hindi pa nagbabago ang isip mo..."
"Ma masaya na ako kay Kyle, kay Winwin hindi nyo ako kailangang ipakasal kay Sabel at may ipon na rin naman ako."
"Sige."
Malungkot ang mukha ng mama nya ng umalis muli.
"Anong ikakasal ka sa anak ng tita mo? Sa pinsan mo?"
Seryoso kong tanong sa kanya. Ang gulo kasi edi pinsan nya iyon paano iyon?
"Oo sa pinsan ko. Ampon lang naman sya nila tita pero parang pinsan ko na rin sya dahil sila ang nagpalaki sa kanya. May utang noon si mama kay tita kahit mgkapatid sila magkaaway ang turingan nila kaya bilang kapalit ng utang sinunod ng anak nila ang gusto nito na ipakasal ako sa kanya."
BINABASA MO ANG
The GUY who makes me SMILE (BoysLove)
Teen FictionRanked #107 in ManxMan (12/9/18)🏆🌟 After a year of waiting I thought we can be back to the old times where we both friends again and like a brothers in real life.👬 Nauwi sa isang pag aaway na hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang aming pag...